NATAPOS ang dalawang linggo nilang bakasyon sa resort, masyadong memorable ang nangyari roon. Lahat ng activities sa resort sinalihan nila. May banana boat doon na silang apat ang sumakay, may big biking na sa dagat ginagamit, sinubukan rin nila. May surfing sana kaso hindi na pinayagan ni Zandra na gawin nila iyon, dahil lahat sila ay hindi marunong kaya hanggang nood na lamang sila sa mga taong marunong gumawa noon. "Tatay, balik po tayo ulit doon sa resort po ninyo, ah, gusto ko pong matutong mag-surf." ani Julio sa ama. Mula nang naging maayos na sila masyado na itong malambing sa ama na minsan ay parang kinakalimutan na nito ang ina. "Anak, sa atin iyong resort. Dahil anak ko kayo, isa rin kayo sa may ari roon. Keep that in mind, Champ. Yes, babalik tayo roon kapag hindi na ulit bus

