“Salamat po M-mommy, D-daddy.” Wika niya rito sabay yuko ng ulo niya. Abala naman ang mga anak niya sa pagkain at hindi na siya pansin na medyo tumulo ang mga luha niya. Na-miss niya bigla ang kanyang magulang dahil sa pagtawag niya ng mommy at daddy sa magulang ng binata. Ilan taon na rin mula nang mamatay ang mga magulang niya dahil sa car accident. Tila nahalata naman siya ng Ginang at bigla itong lumapit sa gawi niya at niyakap siya ng mahigpit. “Ssshhh, don’t cry, hija. Bakit ka ba napapaiyak? May masakit ba sa iyo?” tanong ng ginang na nalilito sa naging reaksyon niya. “Wala naman po, bigla ko lang po na-miss ang magulang ko. Ilang taon ko na rin po kasi silang hindi kasama at hindi rin madalas mabisita sa sementeryo. Na-miss ko lang po ng tinawag ko po kayong mommy at daddy. So

