Flashback continuation
Nag-ring ang telepono ng dalaga at makita na numero ito ng kanyang ama. Agad niyang sinagot kahit na hindi alam kung ano ang sasabihin dito. Natatakot pa s'ya na makausap muli ang ama dahil ang malaman ng mga ito na nagdadalantao siya, galit na galit sila.
"Hello, Dad?" sagot niya sa tawag.
Ngunit nagulat siya na ibang boses ang narinig sa kabilang linya.
"Hello po, kamag-anak po ba kayo nang may-ari ng teleponong ito? Kung maari lamang po ay pumunta kayo rito sa hospital," sagot sa kabilang linya matapos mabanggit ang pangalan ng hospital at lokasyon nito.
Agad tinambol nang takot ang dibdib ng dalaga sa mga oras na iyon. Kailan ba s'ya titigilan nang mga paparating na problema?
"Ako po ang anak ng may-ari nang telepono. Sino po sila at ano po ang nangyari sa, Dad ko?" na-iiyak n'ya namang sagot. Nakahanda na ang mga paa niya sa pagpunta sa hospital na binanggit nito, ngunit nabitawan niya ang telepono nang marinig ang isinagot ng kausap niya sa kabilang linya.
"Aksidente po kasing sumemplang ang sinasakyan nila," sagot ng kausap niya sa telepono.
Nila? Ibig sabihin kasama may kasama ang daddy niya?
Agad pinulot ng dalaga ang telepono upang makausap muli ang tao sa kabilang linya. Kaba at takot consumed her.
"Ahm, Sir, puwede po ba natanong kung sino po ang kasama ng daddy ko? Sabi n'yo po kanina ay, nila, ibig po sabihin may kasama po siya?"
"Asawa niya po ata itong kasama niya, Miss, magkayakap sila sa loob kotse nang makita namin, eh." paliwanag sa kabilang linya. Hinala ng dalaga na mommy niya ang kasama ng daddy niya. Walang pag-aatubili nagmadali siya na makapunta sa hospital.
Agad siyang pumara ng taxi at sinabi rito ang lokasyon ng hospital kung saan naroon ang mga magulang niya.
Nanlalamig ang mga kamay niya sa takot at nerbyos. "Diyos ko po, sana naman po ligtas ang mga magulang ko,"piping dasal niya.
Medyo trapik nang mga oras na iyon dahil uwian na ng mga tao sa kani-kanilang tahanan. Takip-silim na rin ng mga oras na iyon. Gusto niya nang liparin ang daan patungong hospital, dahil natatakot s'yang baka hindi maabutan ang mga magulang na humihinga pa, ngunit umaasa siyang mabubuhay ang mga ito. Sa sinabi ng kausap niya kanina, mukhang grabe ang tinamo ng magulang niya sa aksidente. Sana kaunting galos lang ang natamo at agad makakalabas ng hospital, oras na makarating siya. Ganoon lang ang nasa isip niya, ayaw niyang mag-isip ng negatibo dahil hindi nakakabuti sa kanya.Lalo pa at buntis siya.
"Manong wala na po bang ibang ruta na puwedeng daanan papuntang ospital? Nagmamadali po kasi talaga ako manong, emergency po," pakiusap niya sa mamang drayber ng taxi.
"Mayroon po, Miss, kaya lang hindi tayo agad makakaliko sa kabilang lane, may sasakyan po sa pagitan natin. Hintay ka lang, Miss, makakalabas din tayo rito sa trapik na ito," sagot ng drayber nang taxi.
Halos panawan na siya nang ulirat sa matinding kaba, takot, pagkabalisa, at kung ano-ano pa dahil sa tagal na pag-usad nang mga sasakyan.
Kalaunan, umusad na rin ang sinasakyan niya hanggang sa lumiko sa kabilang lane ang taxi at dumaan sa shortcut way papunta sa hospital na sinabi kanina sa drayber. Walang tigil ang pisil niya sa magkabilaang kamay sa nerbyos at sinasabayan na rin ng panalangin na sana maging maayos ang byahe nila at makarating nang ligtas sa paroroonan.
Ilang saglit pa ay nasa tapat na sila ng hospital. Agad nagbayad nang pamasahe ang dalaga, sabay takbo papasok sa hospital. Dumeretso siya agad sa information desk malapit sa emergency room, para alamin kung nasaan ang mga magulang niya.
"Excuse me po, saan po naka-confine 'yong parents ko, sila po iyong na-aksidenteng sasakyan Kanina, ayon po sa tumawag sa akin?" kabadong tanong ng dalaga.
"Ikaw ba iyong tinawagan namin sa telepono kanina, Miss?" sagot ng isang nurse.
"Opo ako nga po ma'am. Anak po ako noong mag-asawang na-aksidente," sagot niyang pinagpapawisan na.
"Diretso na po kayo sa morgue, Miss, dead on arrival na po kasi sila pagdating dito sa hospital. Pumasok po kasi sa ilalim nang ten wheelers iyong sasakyan ng magulang ninyo matapos sumemplang. Sabi ng mga nakakita sa insidente, parang nagtatalo daw 'yong mag-asawa bago sumemplang ang sasakyan at dumausdos sa ilalim ng pa-pasalubong na ten wheelers," isang pulis ang sumagot sa kanya. Nakatayo ito sa harap din ng information desk nang emergency hospital at isa sa nag-imbistiga sa aksidenteng kinasangkutang ng mga magulang niya.
Wala sa sariling humakbang siya papalayo sana at pupuntahan na ang magulang sa morgue, nang bigla na lamang nagdilim ang paningin niya. Agad siyang nawalan ng malay.
End of flashback
Agad nagbabalik sa kasalukuyan ang isip ng binata nang marinig ang telepono na nag-iingay sa kuwarto niya. Gabing-gabi na may tumatawag pa sa kanya. Agad naman sinagot ng binata ang tawag.
Nalulungkot siya sa naalala ng pangyayari noon.
"Kumusta ka na kaya, mahal ko?" wika sa sarili matapos niyang makausap ang nasa kabilang linya. Secretary niya iyon may pinapaalala lamang sa kanya na gagawin nila bukas. At natulog na siya, kalaunan.
Habang si Zandra naman ay pinupunasan ang mga luha matapos maalala ang nakaraan. Nitong nakalipas na mga araw madalas niyang naiisip ang nangyari noon matapos niyang malaman na ang bibili ng lupa sa Payatas ay ang isang taong kilalang-kilala niya at kinasusuklaman sa buong buhay niya.
"Huwag na huwag lang talaga magtagpo ang landas namin, masasampal ko talaga siya ng kaliwa't kanang palad ko," gigil niyang sambit sa isipan.
Binura niya na sa isip niya ang trahedya nang nakaraan sa buhay niya. Ayaw na ng dalaga na balikan pa iyon kung maaari. Isang bangungot na ibinaon niya na sa limot.
Bago siya matulog, chineck niya muna ang kambal kung maayos ba ang higaan nito. At may kulambo. Dahil nasa squatter sila madalas maraming lamok sa bahay nila. Ayaw niyang magkaroon ng dengue ang mga anak. Kahit naghihirap sila, huwag lamang magkasakit ang mga anak niya, sapat na sa kanya iyon.
Ang kambal na lamang ang pamilya niya ngayon, maliban kay Wella na bestfriend niya.