Episode 9

1188 Words
"Mga anak! Huwag kayong lalayo, ah, dito lang kayo sa malapit iyong nakikita kayo ng Nanay!" Sigaw na paalala ng dalaga sa mga anak. "Opo, Inay!" Sabay na wikang malakas ng magkapatid. Sabado ngayon at walang pasok sa eskwela, kaya naman malayang naglalaro ang mga ito kasama ang mga anak din ng kapitbahay nila. "Langit, lupa, impyerno, im-impyerno, saksak puso, tulo ang dugo, patay, buhay, alis kana diyan!" Awit ni Julia habang tinuturo ang hintuturo sa mga kalaro kabilang na si Julio. Naghahabulan ang mga ito sa larong langit at lupa. Masaya ang paligid kahit na may kadungisan ito. Typical na squatter. Bata rito, bata roon, chismis dito, chismis doon. Maagang inuman sa tapat ng tindahan.Ganoon ang natural na araw ng mga ito. Kahit na naghihirap sa buhay ang karamihan sa kanila, iyong tipong walang makain sa agahan, pero may chismis na almusal. Maghahanap lang ng kaututang dila, pag-uwi syempre may ayuda na kahit paano. Nagtutulungan ang magkakapit-bahay, dahil ang reason nila, sila-sila na lang ang magdadamayan sa oras ng kagipitan. Kaya nga ayaw ng dalaga na umalis sa lugar na iyon kahit na madalas inaaya siya ng kaibigan si Wella na lumipat sa apartment nito. Medyo nasa loob ng subdivision ang tirahan ng kaibigan, samantalang siya at mga anak, narito sa lugar na minahal niya na ng lubos. Abala ang dalaga sa pagsasalansan ng kanyang mga paninda. Iyong iba kaka-deliver lamang sa kanya. Kaya fresh from delivery ika nga. Nagpepresenta ang mga anak niya na tulungan siya ngunit tumanggi siya sa mga ito. Ayaw niya na sa murang edad ay masyadong hubog ang mga anak sa paghahanap buhay at kumita ng pera. Gusto niya maranasan din ng mga ito ang buhay bata,ganoon din ang naranasan niya noon. Kung buhay lamang ang magulang niya, masaya rin kaya sila ngayon? Tanggapin kaya ng mga ito ang mga anak niya? Sigurado siya roon dahil bukod sa matatalino ang mga anak niya masisipag at malalambing pa ang mga ito. Hindi na sila lugi doon. "Taya!" Paghahabol ni Julia sa kalaro nitong si Melody. "Ang daya mo naman Julia, eh, ako palagi ang hinahabol mo, ang dami natin kalaro, oh!" reklamo ng kalaro niya "Eh, ikaw 'yung madaling habulin, eh, kaya ikaw na lang iyong tatayain ko. Huwag ka na magalit, laro lang naman ito, eh," pang-aalo niya. "Kasi napapagod din ako kakahabol sa iba natin kalaro, papagpahingahin mo rin ako," usal nito. "Oh, sige na nga, hindi ka na muna taya ngayon, pero mamaya kapag nataya kita huwag ka na magreklamo," sagot naman ni Julia. "Sige, promise,mamaya." At muling tumakbo si Julia para habulin pa ang ibang kalaro. Habang naghahabulan ang mga ito may biglang sasakyan na pumarada na lang basta sa kalsada na pinaglalaruan ng mga bata. Bumaba ang drayber nito at laking gulat ni Julia na iyong mamang pogi na may-ari ng magandang sasakyan ang bumaba. Hindi na nag atubili pa ang batang babae, lumapit agad ito sa lalaking matipuno at binati. "Hello po, Mamang Pogi! Nandito po ulit kayo, pero iba na naman ang sasakyan ninyo? Ang ganda rin itong sasakyan ninyo, Manong Pogi. Pero mas maganda 'yong bamborghini ninyo. Gusto ko iyon, eh! Marami kayong pera?" masayang kausap ng batang babae sa kakararating lang na lalaki. Nandito ngayon ang lalaking pogi ika nga kung tawagin ng batang babae para suriin ang paligid at alamin na rin ang estado ng panliligaw nila sa mga residente rito para bilihin ang buong kalupaan ng squatter. "Hi, kumusta ka, dalagang maliit?" sagot ng lalaki. "Ma-beauty naman po ako, kayo po kumusta? Ano po ang ginagawa ninyo rito sa lugar namin?" sagot nito. Nakisalamuha na rin ang ibang kalaro ng batang babae at katabi na nito ang kuya niya. Mataman lang na nakamasid ang batang lalaki sa bagong dating na poging binata. Nagtataka ito, bakit nga ba niya kamukha iyong Mamang Pogi? Hindi naman nila kaano-ano ito. Pero kamukha niya. Mamaya nga tatanungin niya ang nanay niya kung bakit may kamukha siya. Naiisip na sambit sa sarili ng batang lalaki. Habang ang dalaga naman na si Zandra, naging abala na sa mga namimili ng kanyang mga paninda. Hindi niya na napansin ang umpukan ng mga bata sa may hindi kalayuan nang tindahan niya. Panatag naman ang dalaga na walang mangyayaring masama sa mga anak kahit na hindi niya masyado itong napagtutuunan nang pansin. "Nandito ako para bisitahin ang lugar ninyo. Teka, nagmeryenda na ba kayo?" agad taliwas ng topic ang binata. Hindi niya naman kailangan ipaliwanag sa mga batang ito ang pakay niya, masyado pang maliliit ang mga ito para pag-usapan ang tungkol sa negosyo at pakay niya sa lugar. "Kung gusto ninyo ililibre ko kayo ng meryenda mukhang mga pagod na kayo kakalaro, eh," gusto ibahin ng lalaki ang tanong ng batang babae. Nahihiwagaan pa rin siya na makita ang mga ito lalo na ang kapatid nitong lalaki na kamukha-kamukha niya. Hindi niya alam kung bakit magaan ang loob niya sa mga ito lalo na kapag nakakausap niya. Parang may humahaplos sa puso niya na hindi niya mawari kung ano iyon. Dahil typical na bata, na-engganyo sa meryenda, Nawala na sa isip ang pinag-uusapan at agad na pumayag ang mga ito. Kita naman nila na mukhang harmless naman si mamang pogi. Kahit medyo alangan pumayag sila na i-libre sila nang meryenda. Ilang hakbang lang naman iyong tindahan. Agad na pinapili ng lalaki ang mga bata ng kung ano ang gusto upang makakain na ang mga ito. Napapangiti ang lalaki habang pinagmamasdan ang kambal na nagtuturuan kung ano ang pipiliin. Hinayaan muna ng lalaki ang ibang kalaro ng mga ito at nilapitan ang nagtuturuan na magkapatid. "Hey, nakapili na ba kayo nang gusto ninyong kainin? Huwag na kayo mag-alala wala naman kapalit ang pag-libre ko sa inyo. Sa totoo lang natutuwa ako sa inyong dalawa," ani ng lalaki. Agad naman nabaling ang atensyon ng dalawa rito. "Manong Pogi, gusto ko po kasi ng chippy, kaya lang ayaw ng Kuya ko kasi raw po mahal ang presyo, kaya pinapapili niya po ako nang iba na mas mura. Kaya lang ayaw ko nang iba gusto ko chippy." Nakayukong sabi ng batang babae. "Iyon ba ang gusto mo, sige bibilhin ko. Tag-isa kayo ng kuya mo. Ano pa ang gusto ninyo, maiinom, gusto niyo ba?" Medyo alanganin na sumagot ang dalawa pero dahil mabait ang kaharap nila at magaan din ang loob ng mga bata rito, sinabi nila ang mga nais kainin. Agad naman binili ng lalaki ang mga ito at masayang nakipag-kuwentuhan sa mga bata. Hindi maunawaan ng lalaki na magaan sa loob niya ang makipag kuwentuhan sa batang nakasalamuha, lalo na sa magkapatid. May iba talaga, hindi niya lang alam kung ano? "Teka, kanina pa tayo nagku-kuwentuhan, hindi ko pa alam ang mga pangalan ninyong dalawa? Ano pangalan n'yo? Ako nga pala si Zapper, you can call me Tito," masayang pagpapakilala ng sarili niya. Agad naman sumagot ang kambal. "Ako po, si Julia," At ako naman po, si Julio," magkasunod na sagot ng dalawa. Habang kumakain at nagku-kuwentuhan biglang tinawag ng tinig babae ang mga batang bagong kakilala. Natuod ang lalaki sa narinig na boses. Tila pamilyar sa kanya ang boses na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD