Kinabukasan maagang bumalik ng bahay ni Zapper si Zandra, nagdala siya ng ibang bihisan ng kambal at pati na rin ang kanya. Maaga niyang napaubos ang kanyang mga paninda, kaya naman agad siyang tumungo sa bahay ng binata dahil miss na miss niya na ang mga anak. Hindi siya sanay na hindi ito kapiling sa pagtulog. Ito ang unang pagkakataon na magkahiwalay silang mag-ina sa pagtulog. Bago siya tumungo sa sakayan patungo sa bahay ng binata, dumaan na muna siya sa pharmacy para bumili ng kanyang gamot. Medyo okay na ang pakiramdam niya dahil nga nakainum na siya ng gamot pag-uwi niya kahapon. At dahil may extra siya sa kinita niya, iyon ang ginamit niyang pambili.titipirin niya na lamang ito hanggang sa makaipon siyang muli. Kailangan niya rin kasing mag-ambag sa gastusin kay Zapper lalo at doo

