Buong maghapon magkasama silang mag-anak pati na rin ang magulang ng binata. Pero kahit minsan hindi siya lumapit rito para makipag-usap. Nahihiya at naiilang pa rin siya kasama na rin ang medyo natatakot, baka kasi may balak na naman ang mga ito ng masama para guluhin sila. Nasira ang tiwala niya sa tao mula nang masaktan siya kay Zapper. Nagkaroon siya ng trust issue. Maliban kay Wella na bestfriend niya at mga anak, wala na siyang iba pang pinagkakatiwalaan pa. Napakahirap ibalik ang tiwala lalo kung lahat ng iyon masisira sa isang iglap lamang. Tahimik lang siyang nakamasid sa mag-ama na naliligo sa pool. Nasa recliner chair siya nakaupo. Ramdam niya na pasulyap-sulyap sa kanya ang magulang ng binata pero hindi niya pinapansin iyon. Focus lang siya sa mag-ama niya. Sarap sana pakinga

