Episode 20

1358 Words
SAMANTALA, "Good morning Ma'am, pasensya na po sa masamang balita na sasabihin namin. Hindi po namin sinasadya na nasalisihan po kami, eh." ani ng lalaking tauhan. "Mga tonta! Simpleng instructions, hindi n'yo pa magawa! Wala talaga kayong silbi! Ilang taon n'yo na bang binabantayan ang ang mga iyon, pero hindi n'yo pa nagawa ng tama! Sayang lang ang ibinabayad ko sa inyo! Umalis kayo sa harapan ko, naiimbyerna ako sa inyo! Alis!" nanggagalaiting wika ng dalaga. Umalis ang mga tauhan nito at naiwan siyang mag-isa sa loob ng library room niya. Mga tauhan niya iyon para manmanan ang mga kilos ni Zapper at ilayo ang mag-iina nito. Hindi hahayaan ng dalaga na magkita at magkasama sila. Hanggang ngayon hindi pa rin siya tumitigil na suyuin si Zapper. Mula noon hanggang ngayon, kahit nalaman nitong siya ang may pakana sa pagtatabi nila noon sa higaan at ang eksenang naabutan ni Zandra. "Hindi ka pwedeng maging masaya Zandra! Hindi puwede! Hindi dapat mapapa-sayo ang lalaking matagal ko nang minamahal! Akin lang si Zapper!" galit na galit na sigaw ni Charry sa loob ng kwarto. Hindi niya kailanman hahayaan ang mga itong maging masaya at mabuo ang pamilya nito. Gagawa siya ng paraan para masira ulit ang mga ito. "Humanda ka Zandra, hindi pa ako tapos sa'yo!" aniya sa sarili. Kinuha niya ang telepono at tinawagan ang tauhan. "Arrange the demolitions in Payatas Squatter. Gawan ninyo ng paraan para ang sisihin nila ay si Zandra. Kung kailangan bayaran ninyo ang mga tao roon, gawin ninyo. Kailangan nilang palayasin ang mag-iina sa squatter na iyon!" aniya habang may mala-demonyong ngiti sa mga labi. Sa bahay naman nila Zapper, hindi pa rin maampat ang iyakan ng mag-anak dahil sa katotohanang isinambulat ng dalagang si Zandra. Hindi pa rin nila makumbinsi ang anak nilang si Julio. Napakatigas ng puso nito. "Anak ko, kung gusto mo, lumuhod ang Tatay para mapatawad mo ako at matanggap, gagawin ko anak? Gagawin ng Tatay iyon. Mahal na mahal ko kayo ng Nanay at kapatid mo. Please anak, patawarin mo na ang Tatay?" pakiusap ni Zapper sa anak na lalaki. Lumuhod naman sa harap ng batang lalaki ang ina ni Zapper. "Apo ko, patawarin mo ang Lola, patawarin mo kami, kung inilayo namin ang Tatay mo sa Nanay n'yo. Nadala lamang kami noon sa udyok ng aming kaibigan. Hindi namin naisip na masasaktan pareho ang mga magulang n'yo. Patawad apo, patawad. Huwag na kayong umalis dito sa bahay, na ipinatayo ng Tatay ninyo para sa inyo. Rito na kayo tumira apo ko. Hindi na makikialam ang Lola sa pagmamahalan ng Nanay at Tatay mo. Pangako!" pagsusumamo ng ginang. Sa makitang tagpo nang pagpasok nila ng bahay kani-kanina lang... ngayon lamang na-realize ng ginang kung gaano ka-mali ang ginawa nilang hakbang malayo lamang si Zapper kay Zandra. Akala nila hindi ito buntis at walang nangyari sa pagitan ng magkasintahan. Pero may nabuo pala. At ngayon hindi nila matanggap na kinamumuhian sila ng apo nila. Tahimik lang din ang ginoo sa tabi. Naiiyak at naaawa sa nakikitang eksena. "Anak, makinig ka kay Nanay, please? Huwag mong hayaan na mamuhay ang galit sa puso mo. Iniwan man tayo ng Tatay mo noon, may dahilan ang lahat ng iyon. Walang may gusto sa mga nangyari. Nangyayari ang mga iyon sa tao upang maging matatag sa pagharap ng pagsubok. Kinaya naman natin, hindi ba, anak? Ngayon mas kakayanin natin dahil nandito na ang Tatay ninyo. Kaya sana lumambot ng ang puso mo, anak ko, nasasaktan ang Nanay, kapag nakikitang nasasaktan at nagagalit ka. Mapapatawad mo ba kaming lahat anak?" ani ni Zandra sa anak na matigas pa rin ang puso at matalim na nakatitig sa ama. "Kuya, huwag kana magtampo sa Tatay, ayaw mo noon, kumpleto na tayo? May Tatay na tayo, may magtatanggol na sa atin kapag binully tayo sa school. Kapag sinasabi G putok tayo sa buho kasi wala tayong Tatay. Pero ngayon mayroon na. Hindi lang ikaw ang magtatanggol kapag may umaway sa akin. Nandiyan na si Tatay, oh. Sige ka kapag hindi mo tinanggap ang Tatay, bawas points ka sa langit. Hindi na kita papansinin." ani ni Julia na umiiyak at agad niyakap ang Kuya nito. At tuluyan nang lumambot ang puso ng batang lalaki at umiyak itong muli habang yakap rin pabalik ang kapatid na babae. Kinuha naman iyong pagkakataon ni Zapper at lumapit sa dalawang bata. Niyakap niya ng mahigpit at parehong hinalikan sa mga ulo. "Salamat anak, salamat. Babawi ang Tatay sa inyo, babawi ang Tatay. Hindi na tayo magkakalayo pa, pangako." usal ng binata. Yumakap na rin ang mga magulang ng binata sa kanila, nakatingin lamang si Zandra sa yakapan ng mga ito. Hindi na siya nakisali pa. Hinayaan niya na lamang muna ang mga ito. Hindi pa siya handa na tanggapin ang mga ito sa buhay niya. Ginagawa niya lamang ito para sa mga anak niya. Nagpunas siya ng mga luha at umakyat sa kwarto upang ayusin ang mga gagamitin ng mga bata para sa pagpasok. Nang matapos ang iyakan nilang mag-anak agad naman silang niyaya ng magulang ni Zapper upang mag-almusal. Ang ginang na ang nagpresinta na ipagluto ang mga ito. Nakangiti ito habang pasulyap sulyap sa mga apo. "Masarap pala sa pakiramdam na may apo tayo, mahal ko." ani ng ginang sa asawa. Magkatuwang silang naghahanda ng almusal. Habang ang mag-aama naman ay nasa sala at nagkukwnetuhan. Nakakandong ang batang babae sa kabilang hita ng binata gano'n din ang batang lalaki. Agad silang napatingin sa may hagdan nang makita ang kanilang Nanay na bumaba a ay bit it ang mga unipormw ng mga ito. Hindi pa naplantsahan dahil nalukot sa bag ang mga damit. "Zapper, pwede bang makiplantsa? Nalukot kasi ang mga unipormw ng kambal, may pasok pa sila mayamaya, eh. Paplantsahan ko lang sana. Kung maaari?" ani ng dalaga. Agad naman tumayo ang binata at nilapag ang dalawang bata sa sofa. Lumapit ito sa dalaga at agad niya itong niyakap. Nagulat naman ito sa ginawa niya. "Love, bakit ka nagpapaalam, bahay mo na rin ito. May karapatan kana sa bahay na ito. At saka huwag mo nang gawin iyan, ipagawa mo na lang sa kasambahay natin. Nandiyan si Nanay Ponsya para gawin iyan." wika nito at kinuha ang uniporme bago tinawag ang kasambahay nila. Ito ang katiwala ng binata habang wala siya sa bahay na ipinatayo niya para sa mag-iina niya. Hindi naman sumagot ang dalaga at hinayaan na kunin sa mga kamay niya ang mga damit. Lumayo siya ng konti rito at agad na nilapitan ang mga Bata na nakaupo sa sofa habang nagkukulitan. Sa ginawa ng dalaga, ramdam pa rin ng binata na aloof ito sa kanya. Kakailanganin niya ng hardwork para mapa-ibig itong muli. Sinundan niya na lamang ito ng tingin nang lumapit ito sa mga bata. "Mga anak, maligo na kayo, baka malate pa kayo sa eskwela." ani niya rito. Agad naman tumalima ang mga bata. "Naku po patay! May exam pala tayo, Kuya, sa math, hindi tayo nakapag-aral kagabi! Naku lagot tayo nito kapag wala tayong nasagot sa exam. Baka mabawasan iyong grades natin at hindi na tayo makakuha ng scholarship!" nanlalaking mata na wika ni Julia sa kapatid. Nang marinig ng binata ang tinuran ng anak na babae, agad na siyang sumagot sa mga ito. Hindi pa yata alam ng mga bata na mayaman na sila. "Babies, ako na kakausap sa teacher ninyo tungkol sa exam ninyo. Huwag na muna kayong pumasok sa school. Namamaga pa mga mata ninyo, oh. Bukas na lang. At anak...." sabay lapit nito kay Julia. "...huwag ka nang mag-alala pa sa tuition ninyo. Ang Tatay na ang bahala at hindi na ninyo kailangan pa ng scholarship. Babayaran ng Tatay lahat sa school para hindi na kayo mag-alala pa." "Marami po kayong pera, Itay? Maibibili n'yo rin po ba kami ng magandang damit?" ani ni Julia. "Yes, my princess, lahat ng gusto ninyo ng Kuya mo at Nanay ninyo, bibilhin lahat iyon ng Tatay." "Yehey! Kuya, may malaki na tayong baon nito kapag papasok ng school! Maraming chippy na ang mabibili natin!" masayang wika ng batang si Julia. Nangingiti lamang si Julio. Nahihiya pa ito, dahil sa naging reaksyon niya kaninang paggising.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD