Day Twenty-Five SETH “Dad, anong oras na, nasaan ba talaga kayo ni Mommy?” Malalim akong bumuntonghininga at sinulyapan si Rykki na anim na oras nang walang malay. “Sera, I told you may inaasikaso lang kami—” “Don’t lie to me, tell me nasa hospital na naman ba ang Mommy?” Hindi na ako nakasagot pa at ang katahimikan na iyon ang dahilan para marinig ko ang paghikbi ng anak ko sa kabilang linya. “Anong nangyari kay Mommy, Dad? Is s-she okay?” “She will be.” “I want to go there!” Gusto ko mang tanggihan at sabihing maghintay na lang sa bahay ay alam kong nagmana siya sa ina niyang hindi magpapatalo sa akin. “Fine. Tell the driver na dalhin ka rito.” Nang maibaba ko ang tawag sa anak ko ay naupo ako sa gilid ng kama ni Rykki at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. “Who are you

