Day 24 “Are you sure about this decision of yours, son?” Mula sa pag-aayos ng mga gamit ko ay sinulyapan ko siya. Kakatapos lang ng board meeting at iniisip man ng lahat na tinatakasan ko ang obligasyon ko sa kompanya ay wala na akong pakialam pa. Ang tanging mahalaga sa akin ngayon ay ang pamilya ko. This time I’m choosing them over anything else. Hindi ko na hahayaang maulit pa ang kasalanan at mga pagkakamali ko noon. I failed them before. I even lost a son without knowing his existence. Hininto ko ang ginagawa ko at nagtungo sa kinaroroonan ng ama ko. “Dad, I’m sorry,” saad ko na paraan ko para sabihin sa kanyang wala nang makakapagpabago pa ng mga desisyon ko ngayon. Ngumiti siya at tinapik ang balikat ko. “You don’t have to, Seth. Ako nang bahala sa lahat.” Pinakatitigan

