Day 22 SETH “I LOVE YOU…” I whispered as Rykki fell asleep in my arms. Bumaba ang tingin ko sa impis niyang tiyan at nanginginig ang kamay kong hinaplos iyon. I’m sorry… I don’t hate you. I hate myself that’s why I said those things. I want you too just how much your mother wants you. Iniayos ko ang higa ni Rykki at habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko pa rin magawang tanggapin na baka darating ang araw na mawawala siya sa akin. Nang masiguro kong mahimbing na ang tulog ni Rykki ay iniwan ko siya. “Where are you?” tawag ko kay Kian. I just need to talk to him again. “In my house…” “Good. I’ll go there.” “Seth—” Agad kong binaba ang tawag ko kay Kian nang marinig ko ang paghikbi na nanggagaling sa kuwarto ni Sera. Dahan-dahan kong binuksan ang kuwarto ni Serafina at nasilip

