DAY 21 RYKKI “YOU mean we need to remove the b-baby?” “Yes. I’m sorry Seth but we have to.” Idinilat ko ang mga mata ko at pinakatitigan sina Seth at ang doktor ko na nag-uusap sa tabi ko. Umiling-iling ako at napahawak sa tiyan ko. “S-Seth?” Agad na bumaling si Seth sa akin nang tawagin ko siya. “Hey, are you okay? Hindi ka na ba nahihilo?” “A-ayos na ako, ano iyong narinig ko? Baby? Anong ibig ninyong sabihin?” Napapikit si Seth at tila hindi malaman kung anong isasagot sa akin. Bumangon ako nang hindi pa rin siya sumagot at binalingan ko ng tingin ang pinsan niya. “Tell me, am I p-pregnant?” Nang dahan-dahang tumango ang doktor ko ay pakiramdam ko tila huminto ang pagtibok ng puso ko at natahimik lang ako naibaba ang tingin sa tiyan ko. Niyakap ako ni Seth. “I’m sorry, hind

