3pm na, isang oras nalang at aalis na kami dito sa resort. Nasa loob ako ng aking kwarto habang inaayos yung mga bagaheng dala ko. Nakaligo na rin ako at nakapag-ayos na rin ng aking sarili. I'm wearing a plain white polo and a black pants. Ready na ako para sa pag-uwi mamaya sa Manila. Although, may konting lungkot dahil magkakahiwalay na kami ni Enzo. Pero hindi pa naman ito yung katapusan ng namamagitan sa'min, eh. Gaya ng pangako niya, magkikita't magkikita pa rin kami kahit anong mangyari. Kinuha ko na yung bag na nakapatong sa kama ko at siniguradong wala akong nakalimutan. Isinara ko na yung pinto at bumaba na ng hotel. Nagchecked-out na rin ako sa hotel at tumungo sa labas kung saan nasaan ang mga kaibigan ko. "Oh, nandito na pala si Rylan, eh." nakangiting sabi ni Vin at inakbay

