Enzo's point of view. Katulad ni Rylan, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga ipinagtapat namin sa isa't-isa. Akala ko, ako lang yung nagkagusto sa kanya. I never thought that he'd fell for me too. Masaya lang ako dahil pareho kami ng nararamdaman sa isa't-isa, na mahal ko siya at mahal niya rin ako. We are not tagging ourselves as a couple, hindi pa sa ngayon dahil iyon ang gusto ni Rylan at gano'n din naman ako. Gusto niya na magkakilala pa kami ng lubusan and to know each other better. At nirerespeto ko 'yon because I love him. Nakakalungkot lang dahil bukas na yung alis nila pabalik ng Manila at ako rin, papuntang Paris. Pagkatapos ng lahat ng 'to, saka ko na iisipin yung tungkol sa aming relasyon ni Rylan. Sa ngayon? Gusto ko munang enjoyin yung huling araw na kasama ko siya dito sa

