Chapter Twenty Six

1135 Words
Sobrang saya ko dahil sa nangyari kagabi. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari lahat ng 'to. Maging si Enzo, hindi pa rin ma-imagine ang lahat. Pareho kasi kaming hindi akalaing hahantong kami sa ganito. Pareho kami ng nararamdaman, oo. Pero hindi ko naisip na ganun din siya sa'kin. Ngayon ko lang naramdaman yung ganitong saya. We're not considering us, a couple. Oo, nagtapat kami ng nararamdaman namin sa isa't-isa but it doesn't mean na kami na. Pareho kaming wala pang karanasan sa ganitong klaseng relasyon, hindi namin alam kung paano magsisimula. Kaya naisipan naming itago muna kung anong pagtitinginan ang namamagitan sa'min. Hindi ko na rin ipinaalam muna sa mga kaibigan ko yung tungkol sa'min ni Enzo. Maybe, sa susunod ko nalang sasabihin at ipapaliwanag sa kanila. Medyo mahirap kasi ngayon, lalo pa't nandito pa si Faith kasama namin. 7am. Nandito kaming lahat sa baba at kumakain ng breakfast. Yes, as in lahat. Ako, si Enzo, si Renz, si Vin, si Luna, si Kate at si Faith. Katabi ko si Enzo, na palihim na hinahawakan ang nakababa kong kaliwang kamay sa ilalim ng lamesa. Napapatingin nalang ako sa kanya sa tuwing gagawin niya 'yon. Sinesenyasan ko siyang itigil niya yung ginagawa, mabuti na nga lang at hindi nila napapansin dahil sa ingay ng bunganga ni Faith. Eh, paano? Kwento ng kwento ng kung ano-ano, wala namang ka-kwenta-kwenta. "Alam niyo ba? Ang dami kong friends doon sa Canada! Most of them are good-looking boys na sobrang gwapo talaga! Tapos, yung mga girls doon? Maganda rin naman sila pero mas maganda ako! Hahaha!" bulalas ni Faith habang kumakain. "Marami ka palang friends doon, eh. Bakit bumalik ka pa dito? Wala ka namang kaibigan dito, diba?" medyo harsh na sambit ni Kate na ikinatawa nila Renz at Vin. "Kate," sinenyasan ko si Kate na tumigil na sa pagsasalita kaya't nanahimik na rin siya. "Eh, syempre. Kaya ako bumalik dahil I want to see Rylan my love. I want to see my boyfriend." sagot pa ni Faith. "Rylan is not your boyfriend, Faith. Wala kang boyfriend dito sa Pilipinas. So, you better go back to Canada." masungit na sabi ni Luna sa kanya. "And why the hell I'll do that?" inis na tanong ni Faith sa kanya. "Because you're not welcome here." walang ganang sambit ni Kate. "How dare you to say that to me?!" galit na tugon ni Faith. "And how dare you to shout on  me?!" galit ring tugon ni Kate. Ako nama'y napailing nalang dahil sa kanila. Mag-aaway na naman ba sila? Nagsisimula na silang magkainitan. Mabuti nalang at inawat sila ni Renz. "Hoy, tama na nga 'yan. Nasa harap tayo ng pagkain, oh. Atsaka, maraming tao. Hindi ba kayo nahihiya?" pagsuway ni Renz sa kanila. "Mabuti pa, kumain nalang tayo." sambit ni Vin kung kaya't tumahimik nalang ang lahat. Ako nama'y bigla nalang nawalan ng gana kaya't tumayo na ako at dumiretso nalang papasok ng hotel. "Oh, Rylan? Saan ka pupunta?" tanong sa'kin ni Luna. "Akyat na 'ko sa taas. Wala na akong gana." sambit ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Nang magbukas ang elevator ay agad akong pumasok doon. Ngunit bago iyon sumara ay may may kamay na humarang sa pinto kaya't nagbukas muli ito. Si Enzo, pala. "Bakit ka umalis doon?" nag-aalalang tanong niya sa'kin. "Bakit ka pa sumunod?" tanong ko naman sa kanya. "One question at a time, pwede? Sagutin mo muna yung tanong ko." sambit niya. "Eh, kasi ang gugulo nila. Lagi nalang silang nag-aaway. Hindi ba pwedeng kalimutan nalang yung lahat ng nangyari noong high school? Ang tagal na noon, eh." inis na tugon ko. "Hayaan mo na yung mga 'yon. Huwag mo silang isipin. Last day na natin 'to dito, oh. Bukas, aalis na tayo dito sa palawan. Hindi ba pwedeng enjoyin nalang muna natin ang yung araw?" sabi niya sabay akbay sa akin. Nang marinig ko iyon ay tila bigla akong nalungkot dahil last day na nga pala namin ngayon dito sa El Nido. Bukas ang ika-14 days namin at bukas na kami aalis pabalik ng Manila. "Pinaalala mo pa, eh." inis na tugon ko sa kanya at lumabas agad ng bumukas yung elevator. "Teka nga sandali lang, Rylan." hinabol niya ako ng papasok na ako sa kwarto. "Ano bang problema?" tanong niya at hinila yung braso ko kung kaya't napaharap ako sa kanya. "Wala, Enzo. Pagod lang siguro ako. Kailangan ko munang magpahinga." sagot ko at papasok na sana ulit ng kwarto pero humarang siya. "7am palang, oh. Tapos pagod ka na agad? Nagsisimula palang yung araw, eh. Tell me, anong problema?" seryosong tanong niya. Pumasok ako sa loob ng kwarto at naupo sa tabi ng kama. Ganun din si Enzo na tumabi sa akin at pinilit pa ring tanungin kung anong problema ko. "Problema? Yung araw yung problema! Enzo, bukas na kami babalik ng Manila at ngayon na yung huling araw na makakasama kita." seryosong sagot ko sa kanya. "Yun ba yung problema? Kung ngayon na yung huling araw nating dalawa na makakasama kita, then make it memorable. I know you're sad and so I am. Nalulungkot rin ako, Rylan." sambit niya na napahilamos pa sa kanyang mukha. Bigla nalang tumulo yung luha ko. Siguri dahil na rin sa mga sinabi niya. Ang unfair lang kasi, hindi manlang kami binigyan pa ng mas mahabang panahon para makasama ang isa't isa. Pero siguro nga tama siya na imbis na malungkot ako, dapat sulitin ko na 'tong araw na kasama ko siya ngayon. "Sorry, ha? Sobrang drama ko. Nalulungkot lang kasi talaga ako, eh." sagot ko. "Hindi pa naman tapos yung araw diba? Pwede pa nating gawin yung mga gusto natin, magsaya tayo. We'll make this day memorable and besides, last day lang natin dito sa Palawan. Magkikita pa rin naman tayo sa Manila pagkatapos ng lahat ng 'to. Kaya huwag ka nang malungkot dyan. Sige ka, hahalikan kita?" pananakot pa niya. "Oo na, hindi na ako magiging malungkot. Salamat, Enzo." nakangiting tugon ko. "Ganyan nga, that's my baby boy! Hehe." biro niya. "Baby boy ka dyan? Nakakadiri." sambit ko. "Anong nakakadiri doon? Kunwari ka pa, gusto mo rin eh. Sus." natatawang pang-aasar niya pa sa'kin. "Hoy, hindi ah! Kapal mo." seryosong sabi ko. "Ah, gano'n? Sige, humanda ka sa'kin!" sambit niya at bigla akong dinagaan sa kama pahiga. Bigla niyang inilapit yung mukha niya sa mukha ko at hinalikan niya ako sa noo. "I love you." mahina ngunit puno ng damdaming sabi niya at ngumiti sa akin. Tinitigan ko lang siya matapos iyon. Nakapatong pa rin siya sa akin kung kaya't agad ko siyang binaliktad para siya naman yung pumailalim at ako naman yung pumaibabaw sa kanya. Hinawakan ko yung mukha niya at unti-unting inilapit ang aking mukha sa kanya. Hinalikan ko yung dulo ng napaka-matangos niyang ilong sabay sabing... "I love you, too.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD