Pagpasok ko nang pinto ay nagulat ako ng makita si Enzo na...
NAKAUPO?
Nakaupo lang siya sa kama at mukhang wala namang nagyaring masama sa kanya bagkus ay nakangiti pa siya. Akala ko ba? Ugh.
"Mabuti naman at pumunta ka agad dito." nakangiting sambit niya at tumayo para i-lock yung pinto. Teka, anong gagawin niya?
"Uy, teka? Bakit mo ni-lock yung pinto? Anong balak mo sa'kin, ha? Akala ko ba may nangyaring masama sa'yo?" kabadong tanong ko sa kanya.
"Ang totoo, wala talaga. Paraan ko lang 'yon para mapapunta ka dito." nakangising sagot niya na nagpakaba sa akin.
Bakit ganun siya makangisi? Kakaiba. Parang may masama siyang binabalak. Papatayin niya ba ako? Huwag naman sana. Gusto ko pang mabuhay!
"Eh, bakit mo nga ako pinapunta dito? Anong masamang balak mo?" kinakabahang tanong ko na ikinatawa niya.
"What?! Hahaha. Anong masamang balak na sinasabi mo dyan?" tanong niya habang lumalapit sa tabi ko.
"Balak, ibig sabihin plano sa'king masama. Kung makangiti ka kasi parang papatayin mo ako." tugon ko.
"Ano bang sinasabi mo dyan, Rylan? Hindi kita pinapunta dito para gawan ng masama. Pinapunta kita dito para kausapin ka. May gusto lang akong sabihin sa'yo." seryosong sambit niya at tumabi sa akin.
Bigla akong kinabahan sa sinabi niyang iyon. Hindi na dahil sa kaba kung di dahil sa sasabihin niya. Ano naman kaya 'yon?
"Sige, anong sasabihin mo? Actually, ako rin sana eh. Mauna ka na." sambit ko.
Tutal, nandito na rin kami sa sitwasyon na 'to. Sasabihin ko na rin sa kanya yung totoo.
"Gusto mo mauna kana?" alok niya.
"Hindi, sige. Ikaw muna. Importante rin kasi yung sasabihin ko sa'yo, eh." sagot ko.
"Importante rin yung sasabihin ko sa'yo, eh." sambit niya.
Gaano ba kaimportante yung sasabihin niya at talagang dito pa talaga niya ako pinapunta sa kwarto niya? Mas importante naman yung sasabihin ko sa kanya, eh. Bakit hindi niya pa kasi sabihin yung sasabihin niya?
"Pwede bang sabihin mo nalang?" utos ko sa kanya.
Huminga siya ng malalim at unti-unting lumalapit ng tabi sa akin. Bigla na naman akong kinabahan dahil sa ginawa niya. Ano bang balak talaga nitong sabihin?
"Ah, Rylan. Hindi ko alam kung paano ko sisimulang sabihin sa'yo 'to pero ipangako mo sa'kin na hindi ka magagalit kapag nasabi ko na sa'yo." seryosong pakiusap niya na hindi ko masyadong naintindihan.
"Teka, ano bang sinasabi mo Enzo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Basta ipangako mo na kung ano man yung marinig mo sa mga sasabihin ko, walang magbabago. Sana magkaibigan pa rin tayo." seryosong sambit niya.
Seryoso siyang nakatingin diretso sa mga mata ko. Sa pagkakataong 'yon ay tila naging seryoso na rin ako. Mukhang sobrang importante nga nung sasabihin niya.
"Sige." tugon ko.
Huminga ulit siya ng malalim at humarap sa'kin ng seryosong-seryoso yung mukha. This time, nakita kong may nabubuong luha na sa kanyang mga mata. Umiiyak ba siya?
"Rylan, naging mabuti kang kaibigan sa'kin. Even though we've been just friends for few days now, you changed my life. Weird 'to pakinggan dahil 12 days palang tayong nagkakasama but you made me feel happy with all that and with all your efforts. Ikaw yung nagturo sa'kin para magmove on sa buhay kung mayroon kang problema. And I'm very thankful because of that. Sobrang saya ko dahil nakilala kita, masaya akong naging kaibigan kita. Akala ko noong una, kapatid lang ang turing ko sa'yo. A brother that I can lean on and a brother that I can ask for an advice everytime I'm feeling down. Akala ko lang pala. Pero lumipas yung mga araw, Rylan. Lumipas yung mga araw at habang nangyayari 'yon, mas nagiging komplikado ang lahat. Hindi ko alam kung paano at kung bakit ko 'to nararamdaman pero ang alam ko lang, nagugustuhan na kita. Rylan, I'm falling for you and I'm starting to love you." nang sabihin niya 'yon ay kusang pumatak ang kanyang mga luha.
Nang marinig ko 'yon mula sa kanya ay bigla nalang rin tumulo ang aking mga luha. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla nalang bumilis yung t***k ng puso habang sinasabi niya 'yon. Pakiramdam ko sasabog ako dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko alam yung dapat kong maramdaman dahil yung mga sinabi niya, 'yon din sana yung gusto kong sabihin sa kanya. I-co confess ko na rin sana ngayon yung nararamdaman ko para sa kanya pero nauna siya. Totoo ba yung mga sinabi niya? Hindi ako makapaniwala sa mga 'yon dahil buong akala ko, ako lang yung nahulog sa kanya. Akala ko, walang pag-asa 'tong namumuong pag-ibig sa dibdib ko pero pareho pala kami ng nararamdaman? Ugh.
Pareho na kaming umiiyak ngayon, hindi ko na makontrol yung sarili ko sa sobrang daming emosyong namumuo sa sarili ko. Umubob nalang ako at dinama ang aking pag-iyak dahil sa narinig. Matapos iyon ay humarap ako sa kanya at huminga ng malalim bago nagsalita.
"Alam mo dahil sa sinabi mo? Nagbago ang tingin ko sa'yo." seryosong sambit ko sa kanya na ikinagulat naman niya.
"Sorry, alam kong hindi mo magugustuhan. Alam kong magbabago yung tingin mo sa'kin. Alam kong wala lang sa'yo 'to. Siguro iniisip mong nababakla na talaga ako pero lahat 'yon, totoo. Rylan, I love you at kung magalit ka sa'kin, it's okay." tugon niya sabay tayo at tumalikod sa'kin.
"Ano bang sinasabi mo? Sandali nga!" hinila ko siya paharap sa'kin at umiiyak pa rin siya.
"You don't need to explain Rylan, tanggap ko na. Huwag mo na akong intindihin, ayos lang ako." sagot niya na humihikbi pa rin at tumalikod muli sa'kin.
Ayoko sa lahat yung tinatalikuran ako kapag kinakausap ko pa. Hinila ko yung braso niya at nang makaharap siya ay agad ko siyang siniil ng isang madiing halik. Kung kaya't nagulat siya dahil sa ginawa ko. Ilang sandali pa ay bumitaw na ako sa pagkakahalik sa kanya at tiningnan ang gulat na gulat niyang reaksyon.
"Ninakawan mo 'ko ng halik kagabi diba? Binawi ko lang." nakangiting sambit ko sa kanya.
"P-pe-pero sabi m-mo diba?" utal na sabi niya kung kaya't hindi ko na siya pinatapos at agad akong nagsalita.
"Hindi mo kasi ako pinatapos kanina, eh. Ang gusto ko sanang sabihin, nagbago na ang tingin ko sa'yo. Kasi hindi na kaibigan yung turing ko sa'yo dahil mahal na kita. Yun yung gusto kong sabihin." nakangiting sambit ko kay Enzo na hindi makapaniwala.
"Talaga? Totoo ba 'yan? Niloloko mo lang yata ako, eh." seryosong tanong niya na ikinainis ko.
At dahil ayaw niyang maniwala, inilapit kong muli yung mukha ko sa kanya at muli siyang hinalikan.
"Sapat na ba 'yan para maniwala ka?" nakangising tanong ko sa kanya na biglang namula matapos kong gawin iyon.
Hindi naman siya makapagsalita bagkus ay ngumiti nalang at niyakap ako.
Hindi ko 'to inaasahan. Hindi ko inaasahan na ngayong mangyayari ang lahat ng 'to. Hindi ko rin akalaing pareho kami ni Enzo ng nararamdaman para sa isa't-isa, na gusto niya ako at gusto ko rin siya. Parang panaginip lang lahat ng nangyari ngayong araw na 'to. At kung nananaginip lang ako, ayoko nang magising.