Chapter Twenty Four

1195 Words
Enzo's point of view. Naiwan akong nakatayo sa labas ng hotel habang tinitingnan papalayo sila Rylan at Faith. Okay na sana, eh. I'm at the perfect moment na, really right moment. Sasabihin ko na sana kay Rylan yung tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya. I'm ready to confess 'bout my feelings that I'm feeling for him. Kaya lang, dumating si Faith. She messed everything between us. Nagpapasama siya kay Rylan papunta sa comfort room, just because she's afraid of the guys who are looking at her. Kaya ayun, nabulilyaso pa. Sira yung perfect moment! Tss. I don't know what I'm going to feel right now. Pakiramdam ko, sasabog ako kapag hindi ko pa nasabi kay Rylan ang totoo. I want to tell him that I love him at gusto ko talaga siya. I have no idea what will come out after na masabi ko sa kanya 'to. Ang importante lang sa'kin ngayon, masabi sa kanya yung gusto kong sabihin. Pero how can I tell him kung lagi niyang kasama si Faith? Maghahanap na naman ba ako ng ibang pagkakataon? Tamang tiyempo? Ugh. Uh, yeah. That's what I'm going to do, again. Before the night ends, sisiguraduhin kong wala na talagang makakapigil sa gusto ko. I have a plan. Rylan's point of view. 6pm na at patuloy pa rin ang pangungulit nitong si Faith sa akin. Ewan ko nga ba dito at hindi na humiwalay sa tabi ko. Halos buong araw, siya lang yung kasama ko. At hindi ko gusto 'yon, pinakikisamahan ko lang talaga siya. I'm just trying to be nice to her. "Rylove, dito ka lang ha? I'm just going to my room muna para magpalit ng dress. Okay lang?" paalam niya na ikinatuwa ko naman. Hay, salamat! Yan yung gusto kong marinig sa kanya kanina pa. Gusto ko nang umalis siya sa tabi ko para naman makahinga ako ng maayos. Kapag kasama ko kasi siya, puro siya kwento. As if naman may pakealam ako. Tss. "It's okay. Take your time." sambit ko at pilit na ngumiti sa kanya. Bago pa siya umalis ay bigla niya akong hinalikan sa pisnge na ikinagulat ko. Ugh! Ang babaeng 'yon, talaga? Bakit niya ginawa 'yon? Nakakailan na siya, ah?! Ngunit bago pa ako makapagreact ay umalis na siya. Asar! Pilit kong inalis ang pulang marka ng kanyang lipstick sa pisnge ko. Ugh, nakakadiri talaga siya! Matapos iyon ay tumayo na ako to breath some air and to relax. Hinanap ko sila Renz at Vin pati yung dalawang babae, pero wala sila sa paligid. Hindi nga pala nila gustong kasama si Faith kaya ayun, lahat sila lumayo sa'kin dahil kasama ko siya. Parang namiss ko sila bigla at si Enzo. Isang araw na naman ang lilipas ng walang magandang nangyayari at mukhang panget pa ang kinalabasan ng araw na 'to dahil sa pagdating ni Faith. 2 days nalang pala at mage-expire na yung promo ng napanalunan ni Kate sa raffle. Uuwi na kami sa Manila, pagkatapos nito. Sa di ko malamang dahilan ay nakaramdam ako ng sobrang pagkalungkot at tila bigla nalang ako naging emosyunal habang tulalang nakatitig sa kalayuan ng dagat. Unti-unti nang lumulubog yung araw at sa paglubog nun, mas lalo akong nakakaramdam ng lungkot. Ewan ko ba? Siguro dahil ilang araw nalang at matatapos na ang bakasyon namin dito sa El Nido. At kapag nangyari 'yon, hindi ko na muling makikita pa si Enzo. Mahal ko na siya, eh. Yun yung nararamdaman ko. Bawat araw nalang, mas lalo ko siyang nagugustuhan. Mas lumalalim yung nararamdaman ko para sa kanya. 12 days palang pero pakiramdam ko, hindi ko kayang hindi siya makita araw-araw kapag bumalik na kami ng Manila. Babalik na kasi siya sa Paris, eh. Babalik na rin kami sa mga sari-sarili naming buhay. Wala, eh. Kailangan naming tanggapin yung katotohanan. Gano'n talaga. Kung may magagawa man ako ngayon bago pa mahuli ang lahat, iyon ay ang sabihin na sa kanya ang totoo. Oo, sasabihin ko na talaga sa kanya yung totoo. Sasabihin kong sa ilang araw na nagkasama kami, nagustuhan ko na siya at minahal ko na siya. Wala na akong pakealam kung anong magiging reaksyon niya o kung hindi man niya tanggapin. Basta masabi ko lang. Kasi kapag hindi ko nasabi 'to sa kanya? Babalik ako sa Manila ng mabigat yung loob. Ayoko namang magsisi sa huli. Ayoko ring lokohin pa yung sarili ko sa unang pagkakataong naramdaman ko 'to. Unang beses kong naramdamang magmahal at sa kapwa lalake ko pa, kaya hindi ko na palalampasin 'to. Sasabihin ko na talaga sa kanya. Papunta na sana ako sa hotel para puntahan si Enzo ngunit hinarang ako ni Faith. Ano na naman bang kailangan niya? Ugh. "Hi, Rylove! Are you looking for me?" nakangiting sambit niya. Looking for who? For her? Ugh, tindi rin nito, ah? Hindi, noh. Kahit kelan naman hindi ko siya hinanap. Lols. "Ha? No." walang ganang sagot. "You don't have to lie, baby. I know you missed me. Huh?" sambit pa niya na ikinabigla ko. Nag-cr lang namiss na? Ano ka? Atsaka baby? Kinikilabutan ako sa kanya, eh. Konti nalang talaga at maniniwala na ako sa sinasabi nila Kate at Luna, na baliw siya. "Are you in drugs? Or something?" inis na sabi ko sa kanya. "Huh?" tanong niya na tila hindi yata na-gets yung tanong ko. "Wala. Mauna na ako. May kailangan akong gawin." tugon ko na alis na sana pero pinigilan na naman niya ako. "Wait, samahan mo muna ako sa labas. I'm going to do something lang. Please?" pakiusap niya. "Pwede ba Faith? Maghapon mo na akong kasama, hindi ka ba napapagod? I'm sure you're on jetlag pa. I think you need to rest." sagot ko sa kanya. "Good idea! Tara na sa room ko!" masiglang sambit niya na ikinabigla ko. What?! "Ano?! No way, noh. May sariling kwarto ako. Sige na, magpahinga ka na." sagot ko at aktong aalis na pero hinawakan niya yung braso ko. "Ano na naman ba, Faith?!" asar na tanong ko. "Samahan mo muna ako dito. Dito muna tayo." nakangiting pakiusap pa niya na ikinapuno ko na. "Pwede ba Faith?! Pagod na ako sa maghapong kakasama sa'yo! Pwede bang bukas nalang?!" asar na sambit ko na ikinagulat niya. "Okay." tahimik na sagot niya. Biglang nagring yung cellphone ko lumayo ako kay Faith bago saguti iyon. Si Enzo pala. Bakit kaya 'to tumatawag? Tiningnan ko lang 'yon bago sagutin. Nagtataka kasi ako kung bakit siya tatawag, e nasa parehong lugar lang rin naman kami. Sinagot ko 'yon, kalaunan. "Oh? Napatawag ka Enzo?" tanong ko mula sa kabilang linya. "R-rylan, may masamang nangyari sa'kin. Puntahan mo ko sa kwarto, please. I need your help.." utal na sambit niya na ikinakaba ko. "Sige, pupuntahan kita dyan!" sagot ko at pinatay na yung telepono. Agad akong kumaripas ng takbo papunta sa hotel. Kinakabahan talaga ako sa sinabi ni Enzo. Ano na kayang nangyari doon? Lalo tuloy akong kinabahan. Mas bumilis yung t***k ng puso ko pero this time, dahil na sa sobrang nerbyos. Ugh! Dali-dali akong pumasok ng elevator at nang magbukas yun ay patakbo kong pinuntahan ang kwarto ni Enzo sa dulo. Pagbukas ko nun ay nagulat ako ng makita si Enzo na...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD