Chapter Twenty Three

1079 Words
Matapos kaming kumain ni Kate ay nagpaalam na rin siya sa'kin para pumunta muna sa kwarto niya. Hindi pa raw niya kasi kayang harapin si Faith dahil baka masaktan niya lang ito. Mukhang matindi nga yung galit nila kay Faith. Ako nama'y naiwan doon at nag-isip-isip. Iniisip ko pa rin kasi si Rylan. Paano kung nagalit siya sa'kin dahil sa ginawa ko? Well, hindi malayo 'yon dahil lalake siya at sigurado ako na hindi niya nagustuhan iyon. Pero umaasa pa rin ako na sana hindi, sana okay lang sa kanya. Kahit imposible, sana may pag-asa 'tong nararamdaman ko sa kanya. Nababaliw na yata ako! Ugh. Naglakad-lakad muna ako sa tabi ng beach habang hindi pa rin mawala sa isip ko si Rylan. Napansin ko lang yung mga tao sa paligid ko, halos lahat ng mga nakikita ko ay mga couples. Namimiss ko lang yung pakiramdam na may nagmamahal sa'yo, although hindi naman talaga ako minahal ni Janna. Pero wala na sa'kin 'yon, eh. Hindi ko na siya iniisip pa at dahil iyon kay Rylan. Pati yung pananaw ko sa pagmamahal, binago niya. Ngayon ko lang nalaman na pwede pala 'yong ganito. Yung makakaramdam ka ng pagmamahal sa taong akala mo imposible mong mamahalin? He changed everything on me. Tumigil ako sa paglalakad at naupo sa isang malaking bato malapit sa ilang mga benches ng resort. Nakatingin lang ako sa malayo at malalim na nag-isip. 2 days nalang at matatapos na ang lahat, matatapos na yung mga araw na kasama ko si Rylan. 2 days na rin lang, uuwe na ako sa Paris at hindi na muling makikita si Rylan. 2 days left but the love I'm feeling inside? Hindi ko pa rin nasasabi kay Rylan. Iniisip ko na matatapos ang lahat ng 'to at kaming dalawa, babalik na sa sarili naming mga buhay. Nakakalungkot lang isipin na yung dalawang linggong naging masaya ako ay magkakaroon na ng katapusan. Nakakalungkot man, pero 'yon ang katotohanan. Siguro kung may isang bagay man akong magagawa, para gumaan yung loob ko? Iyon ay ang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko, bago pa mahuli ang lahat. Tama! Kailangan kong sabihin sa kanya yung totoong nasa loob ko at iyon ang gagawin ko! Rylan's point of view. Naglalakad akong ngayon pabalik ng hotel para tumambay sa kwarto ko at magkulong ng buong araw. Eh, paano? Dumating na si Faith dito sa El Nido, mukhang tinotoo niya nga yung sinabi niya kahapon. Asar. Mabuti nalang pala at nag-cr siya dahil kung hindi, malamang nakakapit pa rin siya sa'kin hanggang ngayon. Hindi ko na talaga siya kinakaya. Palagi nalang siyang nakakapit sa braso ko. She's getting on my nerve! Ayoko lang siyang tratuhin na parang galit na galit ako sa kanya dahil respeto ko na rin 'yon, kasi babae siya. Sinabihan ko na rin sila Kate at Luna na hayaan nalang siya at huwag nang patulan. Kung ako ang masusunod, ayokong nandito siya eh. Kaya lang, tao siyang pumunta dito. Kaya dapat, tao rin siyang tratuhin ko. Hays. Nang malapit na ako sa hotel ay nakita ko si Enzo na palapit sa direksyon ko. Bigla naman akong kinabahan ng mapansing palapit siya sa'kin. Naalala ko tuloy yung nangyari kagabi. Oh sh*t naman, oh. Nang mapansing papalapit nga siya sa akin ay agad akong umiwas at binilisan ang paglalakad ko. Papasok na sana ako sa loob ng hotel nang bigla niya akong tinawag. "Rylan, sandali!" Tumigil ako sa kinatatayuan ko at nilingon siya. Medyo nakaramdam na ako ng pagka-ilang nun dahil naglalakad na siya palapit sa'kin. "Galit ka ba dahil sa ginawa ko kagabi?" seryosong tanong niya. "Ha? Alin doon? Wala ka namang ginawa, ah?" pagsisinungaling ko. "Pwede ba, Rylan? Alam ko na alam mong hinalikan kita kagabi. Kaya sorry kung nabastos man kita." sinserong sabi niya na ikinagulat ko. He's being sorry for what happened last night? Hindi ko inaasahan na gagawin niya 'to. Akala ko nga wala lang sa kanya 'yon at nakalimutan na niya. Nagsimula na namang bumilis yung t***k ng puso ko. Anong sasabihin ko? "Wala 'yon. Okay lang. Lasing lang tayo pareho kagabi kaya nangyari 'yon." nakangiting sabi ko sa kanya. "Hindi wala 'yon, Rylan. Hindi lang 'yon dahil lasing ako o lasing tayo. Pwede ba tayong mag-usap? Yung tayo lang at hindi dito? May importante akong sasabihin sa'yo." sambit niya na mukhang seryoso sa gusto niyang sabihin. "Usap? Tungkol saan? Sige." sagot ko nalang kahit hindi sigurado sa gusto niya. "Pwede bang ngayon na?" tanong pa niya. "Sige, okay lang sa'kin." tugon ko. "Doon tayo sa kwarto ko." sambit niya na ikinabigla ko. Bigla akong nagtaka sa sinabi niya? Bakit sa kwarto pa niya? Eh, pwede namang dito nalang o kaya sa isang bench dito. Gano'n ba kaimportante yung sasabihin niya at talagang sa kwarto pa niya kami kailangang mag-usap? Luh. "Bakit dun pa? Pwede namang dito o kahit saan, basta hindi sa loob ng hotel." tanong ko. "Kung ayaw mo, pwede namang sa kwarto mo. Mahalaga kasi yung sasabihin ko sa'yo, eh." sabi niya na ikinabigla ko na naman. Nge? Gano'n din yun, eh. Sa kwarto niya o sa kwarto ko, pareho lang kwarto 'yon. Ano bang balak niya? Tss. "Sige, sa kwarto ko nalang." sambit ko at pumayag naman siya. "Tara?" pagyayaya niya. Papasok na sana kami ng hotel pero biglang may sumigaw at tumawag sa pangalan ko. Si Faith. "Rylove! Wait!" sigaw niya at lumapit sa'min. Napatingin naman kami sa kanya. Lumapit siya habang hirap na hirap na naglalakad suot ang heels. Hindi niya pa rin talaga hinuhubad yung heels na suot niya. Alam niyang buhangin ang meron dito, eh. Tss. "Akala ko ba nasa comfort room ka?" inis na tanong ko sa kanya. "Yeah, but may mga nakakatakot na guys out there and they're looking at me like they wanna r**e me!" eksaheradang sagot niya habang gamit ang nag-iinarteng accent niya. rape agad? Diba pwedeng na-curious lang sa kanya dahil beach ito at nagtataka sila kung bakit nakasuot siya ng mini-skirt at heels? Tss. "So, what do you want me to do?" walang ganang tanong ko. "Samahan mo 'ko doon. Para sure na safe ako. Pretty please?" maarteng tugon niya. Ano pa nga bang magagawa ko? Ugh. "Fine!" sagot ko. "Pasensya na, Enzo. Kailangan ko siyang samahan." sambit ko kay Enzo na tila na disappoint sa sinabi ko. "Let's go na!" pag-aaya ni Faith at hinila na ako palayo. Hindi ko na nagawang lingunin si Enzo dahil nagmamadaling hinila ni Faith ang braso ko. Ihing-ihi na yata. Lol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD