Chapter Twenty Two

1492 Words
Halos hindi ako makatulog ng gabing iyon dahil sa halik ni Enzo. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko siya yung nakikita ko at pakiramdam ko, nandun pa rin yung halik niya sa labi ko. Alam kong weird pakinggan 'to para sa isang lalakeng tulad ko pero hindi ako mapakali at palipat-lipat ako ng posisyon sa kama habang hawak-hawak yung labi ko. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog nun, tila nawala at hulas na rin yung pagkalasing ko dahil sa nangyari kanina. "M-mhalaga ako sa'yo? Mahalaga ka rin sa'kin, Rylan." paulit-ulit 'yon nagbounce sa utak ko. Totoo kaya yung mga sinabi niya? Hindi ko tuloy alam kung paano haharapin si Enzo bukas. UGH. Bahala na! Enzo's point of view. "Ano ba'ng ginawa mo Enzo?!" inis na sambit ko sa sarili ko matapos umalis ni Rylan sa kwarto ko. Hinalikan ko siya at ang tanga ko lang kung bakit ko ginawa 'yon! Siguro dala na rin ng kalasingan kaya bigla ko siyang hinalikan. Pero hindi ko na rin kontrolado yung sarili ko nun, eh. Parang may nagtulak sa'kin para halikan siya. Aminin ko ma't hindi, nagustuhan ko yung ginawa ko. Itago ko man, alam ko sa sarili kong nasarapan ako sa paghalik ko sa kanya. Mali man na sabihin ko 'to pero iba yung halik na 'yon, eh. Iba sa mga halik ng mga babaeng nakilala ko. Siguro dahil hindi siya babae pero yung halik na 'yon? Yun yung pinakamasarap na halik na natikman ko sa buong buhay ko. Hindi ko alam kung totoo yung sinabi niya sa'kin na mahalaga ako sa kanya pero umaasa ako. Dahil doon, mas naging klaro na sa'kin yung nararamdaman ko para kay Rylan. Alam kong masyadong mabilis pero mahal ko na siya. Lalo pa't ngayon na nakikita kong may pag-asa yung nararamdam ko para sa kanya. Hindi ako nag-aassume pero dahil sa mga sinabi niya at sa mga narinig ko? Mas lalo ko siyang gustong mahalin. 3AM na ng makatulog ako dahil sa kakaisip kay Rylan. Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa rin kung paano ko siya haharapin bukas. Nahihiya kasi ako sa ginawa ko sa kanya. Natatakot rin ako na baka magalit siya sa'kin. Bahala na! KINABUKASAN... Nagising ako pasado 12pm na ng tanghali. As usual, puyat na naman ako dahil kaninang madaling araw lang ako nakatulog. Sobrang sakit pa ng ulo ko, may hang-over ako dahil sa sampung bote ng beer na ininom ko kagabi. Kahit wala pa ako sa kondisyon ay minabuti ko nang bumangon para pumunta sa banyo. I need to take a deep bath, para naman matanggal 'tong sakit ng ulo ko. After almost 30 minutes, lumabas na ako ng banyo para magbihis. Wala ako sa mood pumorma ngayon, sando nalang ang sinuot ko para presko. Hindi na rin ako nag-ayos ng buhok ko. Medyo magulo pa 'yon pero I've decided to go outside to breath some fresh air at para na rin makita si Rylan. Gusto ko rin sanang humingi ng sorry sa kanya, for the kiss last night. Nang makababa na ako ng hotel, agad kong hinanap kung nasaan sila Rylan. Inikot ng paningin ko ang buong lugar pero hindi ko sila makita. Maya-maya pa ay nakita ko si Luna na pabalik ng hotel at mukhang nakasimangot. Bago pa siya makapasok doon ay hinarang ko siya para tanungin. "Luna, ikaw lang mag-isa ngayon? Nasaan sila? Si Rylan?" tanong ko sa kanya. "Ah, hindi. Kasama ko sila kanina, kaso dumating yung asungot kaya umalis ako." inis na sagot niya. "Asungot? Sinong asungot? Teka, anong nangyare?" tanong ko pa. "Si Faith, yung patay na patay kay Rylan. Ewan ko nga kung bakit pumunta 'yon dito, eh. Kung pupuntahan mo sila, nandun sila sa may bandang dulo." sambit niya habang tinuturo yung direksyon kung saan siya galing. "Sige, Enzo. Mauna na ako sa'yo. Kita nalang tayo mamaya." "Sige, salamat." sagot ko nalang bago siya umalis. Kung hindi ako nagkakamali, yung Faith na 'yon yung pinagke-kwentuhan nila kagabi. Bakit parang mukhang ang laki ng galit nila sa kanya? At anong kaugnayan niya kay Rylan? Agad akong pumunta sa sinasabing lugar ni Luna at naabutan ko silang apat doon, lima pala. May isa pa silang babaeng matangkad, sexy at maganda. Iyon na siguro yung Faith na sinasabi nila. Agad naman akong sinalubong nila Renz at Vin ng mapansin ako. "Uy, pare! Nandyan ka pala? Bakit parang late ka yata ngayon gumising?" tanong ni Renz at inakbayan ako. "Wala, hindi lang ako masyado nakatulog kagabi kaya medyo puyat." sagot ko. Napukaw ang tingin ko at kay Rylan na napatingin rin sa akin. Nang mapansin ko siya ay agad din niyang tinanggal ang tingin niya at humarap doon sa babaeng nasa tabi niya. Mukhang iritang-irita siya habang yung babae naman, todo hawak sa braso niya. "Ay, pare. Since nandito ka na rin naman, meet Faith. Classmate namin noong high school. Faith, siya si Enzo. Bago naming kaibigan." pagpapakilala sa'min ni Vin. "Well, hi Enzo. Are you American?" bati sa'kin ni Faith habang ino-offer yung kamay niya. "Hi, half-british." nakangiting sagot ko. "I see. Nice to meet you." tugon niya at gumanti rin sa'kin ng ngiti. Matapos iyon ay bumalik na siya sa pagkapit kay Rylan at pinipilit hawakan ang kamay nito. Tinignan ko siyang mabuti. Nakasuot siya ng isang mini-skirt na fit na fit sa kanya at sa kanyang medyo may kalakihang boobs. Naka-heels rin siya habang putok na putok naman yung kulay pulang labi niya. Well, hindi ako magsisinungaling. Maganda nga siya, parang model. Pero don't get me wrong, she's not my type of girl. "Kumain ka na ba, Enzo?" tanong ni Kate na halatang naiinis sa mga pangyayari. "Hindi pa nga, eh." sagot ko naman sabay hawak sa aking tiyan. "Tara, gutom na rin kasi ako." sambit niya sabay hila sa braso ko palayo. Nagulat naman ako ng gawin niya 'yon. Ako nama'y tumingin muna kay Rylan bago umalis. Nakatingin lang siya sa'kin na parang naiilang pa rin dahil sa nangyari kagabi. Hindi ko naman siya masisisi dahil ganun rin ako sa kanya. Hinila ako ni Kate palayo hanggang sa makarating kami sa hotel. Umupo kami sa palagi naming pinagkakainan at inis siyang nagkwento sa akin. "Nakakaasar talaga yung babaeng 'yon! Napakalandi niya talaga! Sarap sakalin hanggang maging violet yung pulang lipstick niya! Kairita!" nanggigil na sambit ni Kate. "Bakit? Ano bang meron sa kanya at parang lahat kayo may galit kay Faith?" nagtatakang tanong ko. "Classmate namin siya noong high school. Actually, naging kaibigan namin siya pero hindi na ngayon. Gustong-gusto niya si Rylan, noon pa man. Ayaw sa kanya ni Rylan pero hindi siya tumitigil para maging sila. Sa sobrang kadesperadahan niya, marami siyang ginawang kalokohan." asar na pagke-kwento niya. "Kalokohan?" tanong ko. "Pinagkalat niya sa buong campus na sila na ni Rylan, that time kasi hearthrob si Rylan ng school. Pero hindi iyon natapos doon, may isa pa siyang ginawa na talagang ikinasira ni Rylan." inis pang sabi niya. "Ano 'yon?" tanong ko. "Gumawa siya ng s*x video at ikinalat iyon sa buong campus. Sinabi niya na s*x video nila iyon ni Rylan pero hindi iyon totoo. Nang dahil doon, muntik nang mapatalsik si Rylan sa school. Mabuti nalang at nalinis yung pangalan niya noong malapit na ang graduation. That's why, galit na galit kami sa kanya. Hindi ko lang siyang magawang sabunutan dahil sabi ni Rylan, hayaan nalang." paliwanag pa niya. Kung gano'n pala, malinaw na ang lahat kung bakit gano'n nalang sila kainis kay Faith. Ang tindi pala nung ginawa niya, noh? She's such a desperate. "Eh, bakit daw siya nandito?" tanong ko pa. "As usual, ano pa nga bang ginagawa ng mga taong malalandi? Edi, lumandi forever! Siguro, gusto na namang makuha si Rylan. Nakita mo ba yung tingin niya sa'yo kanina? Baka ikaw na yung isunod niya!" tugon ni Kate na ikinagulat ko. "Hindi naman siguro." sagot ko. "Ah, basta! Sa oras na landiin ka nun, kami yung makakalaban niya!" sambit pa niya. "Huwag kang mag-alala, hindi ko siya papatulan." sagot ko. "Teka, maiba tayo. Ano nga palang nangyari sa inyo ni Rylan kagabi? Diba kayo yung naiwang magkasama mula noong umalis na kami? Anong oras kayo bumalik ng hotel?" tanong niya. Hindi ko nga pala pwedeng sabihin yung nangyari sa amin ni Rylan kagabi at kung ano yung kalokohang ginawa ko sa kanya. Bigla tuloy akong nailang dahil sa tanong niya kaya nagsinungaling nalang ako. "Ah, wala naman. Pagkatapos niyong umalis, sumunod na rin kami." sagot ko sa kanya. "Ah, gano'n ba? Pero teka, magkaaway ba kayo? Hindi kasi kayo nagkikibuan kanina, eh. May problema ba?" tanong niya na ikinagulat ko. "Ha? Kami? Wala, noh. Siguro, hindi niya lang ako napansin dahil nandun si Faith. Pero ayos naman kami." nakangiting tugon ko. Actually, wala naman talagang kaming problema eh. It's just that, siguro nagkaka-ilangan lang kami dahil sa nangyari kagabi. Napansin ko rin yung pang-iisnob sa'kin ni Rylan at naiintindihan ko 'yon. Sana lang at hindi siya nagalit sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD