Matapos ang ilang oras na pagtambay namin sa bar ng mga kaibigan ko, ayun lasing na naman sila. Sabi ko naman sa kanila na huwag magpakalasing, eh. Pero ginawa pa rin nila, tsk. Paano nalang kaya sila kapag wala ako? Hay nako. Sasabihin ko sana sa kanila na si Gelo yung kaklase namin nung elementary na kilala sa tawag na Eloy, kaso baka hindi lang nila ako pakinggan dahil mga bangag na ang mga lokong 'yon. Ipinagdrive ko na sila pauwe at nagpasya akong bukas ko nalang sasabihin sa kanila yung tungkol dun. Dala ang kotse ni Renz, pumunta ako sa bahay ni Gelo gaya ng napag-usapan namin kanina. Gusto ko pang magkwento siya ng tungkol sa kanya sa 8 years na hindi kami nagkita. 10:30 palang naman ng gabi at hindi naman masama kung kahit isang oras ay magkwentuhan kami. Namiss ko kasi talaga yu

