Nilinaw na sa'kin ni Enzo ang lahat at naniniwala na ako sa kanya. Hindi na ako nagdududa pa dun sa picture dahil pinaliwanag na niya rin sa'kin 'yon. Sinabi niya sa'kin na magiging busy siya sa pagta-trabaho sa business nila at gano'n din naman ako sa bago kong trabaho. I told him na singer na ako sa bar ni Tito Lando at natuwa siya para sa'kin. Nagkaintindihan na kami sa mga oras na pwede kaming magtawagan sa isa't-isa dahil nga pareho kaming busy. We decided na every 11pm na lang ng gabi kami mag-uusap sa telepono dahil 'yon ang oras ng uwi ko sa bar at out niya sa opisina. So that's it! Everything is set, wala na kaming problema. Open naman na magtext kami sa isa't-isa kahit anong oras basta once na na-receive yung message, kailangan magreply agad. That's the rule at nagkakaintindihan

