6pm, naghanda na ako para mag-ayos ng aking sarili. Nakaligo na ako at nakapagbihis na rin ng aking susuotin ngayong gabi. Ayokong masyadong magpaka-porma kaya normal na black pants at white shirt nalang ang sinuot ko, mas komportable kasi sa'kin pag simple lang. Hindi na rin ako nag-ayos pa ng aking buhok gamit ang hair wax o kahit anong hair spray dahil wala ako ngayon sa mood para gawin pa 'yon, bagkus nagsuot nalang ako ng sombrero na pa-swag yung dating. It's almost done! Kinuha ko ang gitarang nasa ibabaw ng sofa at gumawa ng isang mabilis na tunog sa mga strings nito. Maayos na rin pala ulit yung itsura ni Brady at maayos na rin yung adjustments ng bawat string. Nakapagpraktis na rin ako kanina, halos hindi na nga ako kumain ng lunch at dinner sa kakaensayo para lang makuha ko yung

