"So, paano? Maiwan ko na kayo. Angelo, ikaw na ang bahala dito at kay Rylan. Talk to him kung ano yung mga dapat niyang malaman dito sa bar." nakangiting bilin sa'min ni Tito Lando at pareho kaming tinapik sa balikat bago siya umalis. "Salamat po ulit, Tito." tugon ko naman at naglakad na siya palabas ng bar. Naiwan kaming dalawa ni Gelo na nakatayo habang ang mga kaibigan ko naman ay busy sa pagke-kwentuhan sa table nila. "Wala ka namang dapat alalahanin dito sa bar. You just need to sing and that's it." paliwanag sa'kin ng nakangiting si Gelo. Habang nagsasalita siya ay hindi ko maiwasang maalala sa kanya si Enzo. Kawangis na kawangis nya kasi yung hubog ng katawan at itsura ni Enzo. Add the fact na pareho pa silang tisoy kung titingnan. Ang pagkakaiba lang nila siguro ay yung bigote

