Enzo's point of view.
It's been 11 days simula noong makilala ko si Rylan at ang mga kaibigan niya. Nagsimula iyon noong unang araw na dumating sila dito sa El Nido Resort. Masyado akong brokenhearted noon. Hanggang sa lumapit siya sa kinauupuan ko at tinanong kung ano raw ang problema ko. Ako naman 'tong si lasing, sinabi ko that I was broken dahil sa love. Kinwento ko sa kanya noong gabi ring iyon lahat ng sama ng loob ko. I don't know why I'm talking to a stranger pero dahil na rin siguro sa kalasingan ko, naging komportable akong kausap siya. Days passed by at mas naging malapit kami sa isa't isa pati ang mga kaibigan niya. Pinakilala niya sa'kin sila Renz, Vin, Luna at Kate. They are so happy to be with, pakiramdam ko nakahanap ako ng bagong kaibigan. At that point, masakit pa rin sa'kin yung pinagdadaanan ko dahil sa break up namin ng two years-girlfriend kong si Janna. I love her but she she chose to broke my heart at ang sakit-sakit nun. Pakiramdam ko, hindi na ako mabubuhay ng wala siya. Siya yung babaeng mahal na mahal ko, eh. Akala ko, siya na yung babaeng pakakasalan ko at mamahalin ko habang buhay, hindi pala. Mali pala ako.
Noong gabing una kaming nagkakilala ni Rylan? Balak ko talagang magpakalasing noon ng todo at gawin ang isang bagay. Isang bagay na pagtatapusan ng lahat ng problema ko. Magpapakamatay na sana ako ng mga oras na 'yon. Ang nasa isip ko lang noon? To end the painful s**t, I'm feeling right at that time. Masakit, eh. Sobrang sakit noong nararamdaman ko at ang naisip ko lang para mawala 'yon is to end my life at magpakalunod nalang sa dagat o magpakain sa pating. At that very moment, lumapit si Rylan sa'kin pero tumalikod ulit siya. Hindi ko alam kung bakit ko siya tinawag noong gabing iyon pero humarap ulit siya at tinabihan ako. And that's where all started. Siguro kung hindi niya ako nilapitan noong gabing 'yon? Baka patay na ako ngayon.
He teached me to learn how to move on. Sinabi niya na hindi lang isa ang babae sa mundo, marami pa raw akong makikilala. Palagi niyang pinapaalala sa'kin na kahit gaano pa kalaki ang problema ko, I'll get over it. Lahat na siguro ng mga meaningful word of wisdoms, nasabi na niya sa'kin. Hanggang sa isang araw, naisip ko na tama siya. Marami pang babaeng darating sa buhay ko at hindi lang si Janna. I thought he's right, kaya noong araw ding iyon niyaya ko siyang pumunta sa lugar kung saan nakatira si Janna. Akala ko kaya ko nang harapin si Janna ng walang kaba pero hindi pa rin pala. Kung di pa ako minotivated ni Rylan, hindi ko masasabi kay Janna yung mga bagay na gusto kong sabihin sa kanya. I've told her that I'm over her at hindi ko na siya guguluhin. Sinabi ko na magpapaalam na ako sa kanya at hindi na niya ako muling makikita pa. I let her go and set her free kahit na alam kong may kaunti pang sakit na natitira sa puso ko.
Rylan pushed me to move on. Sabi niya nandito lang daw siya to support me, as a friend. Kaya mula noong araw na 'yon, ganap na kaming magkaibigan. Maraming araw pa ang lumipas at maraming nangyare. Marami ring nagbago sa paglipas ng mga araw na kasama ko si Rylan.
Hanggang sa dumating sa puntong mahulog na ako sa kanya.
I know it's too gay para sabihing nagugustuhan ko na siya na kapwa ko lalake pero 'yon ang nararamdaman ko, eh. Noong una, akala ko wala lang 'to dahil kaibigan ko siya and I'm considering him as my brother. I don't know kung paano 'to nagsimula and it's too fast for me to fall for him in just few days, knowing na lalake siya. Kabaklaam na yata 'to o sabihin na nating nababakla na talaga ako kay Rylan pero alam ko sa sarili ko na straight ako. Ang hindi ko lang maintindihan is that why I'm starting to fall in love with him? Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa kabaitan niya bilang tao o dahil sa mga advice niya, pero isa lang ang alam ko, I'm comfortable whenever I'm talking to him. Iba siya, eh. Ang sarap niya kausap, napapatawa niya ako at kapag kasama ko siya nakakalimutan ko ang mga personal issues ko sa buhay.
I don't know kung kailan ko naramdaman 'tong feelings ko para sa kanya. I don't know if nagsimula 'yon tuwing kasama ko siya sa beach every night, noong kumanta siya sa harap ng maraming tao, noong may sakit siya at inaalagaan ko o noong nakasakay kami sa bangka, na kaming dalawa lang habang nililibot ang buong isla. Ewan but one thing is for sure, gusto ko na siya. And worst? I think I'm starting to love him.
Now I can say, naka-move on na talaga ako kay Janna at totoo 'yon. Habang tumatagal, mas lumalalim yung pagtingin ko para kay Rylan.
It's funny how I fell in love for a stranger like him. Although, hindi na siya stranger ngayon sa paningin ko. We're on our 11th day here in Palawan, ilang araw nalang at aalis na ako. Ilang araw na rin lang, uuwe na sila Rylan sa Manila. 3 days nalang at magkakalayo na kami sa isa't-isa ng hindi ko manlang nasasabi yung nararamdaman ko para sa kanya. I know it's to gay for him kapag nalaman niya pero hindi naman ako humihingi ng kapalit, ang mahalaga ay masabi ko kung ano yung nararamdaman ko.
I'm falling for a stranger...
I'm falling for him...
I'm falling in love with Rylan.