Chapter Twenty

1343 Words
Rylan's point of view. Ika-labing isang araw na namin dito sa Palawan. Tatlong araw na lang at aalis na kami pabalik ng Manila. Ang bilis ng mga araw, parang kailan lang simula noong dumating kami dito. Akala ko noong una, sobrang tagal ng two weeks na mawawala ako para magbakasyon pero hindi pala. Masyado palang maikli ang panahong binigay sa'min para magsaya dito sa El Nido. Ewan ko nga ba sa sarili ko. Dati, bago kami umalis sa Manila ay may pag-aalilangan pa akong sumama. Pahirapan pa nga nila akong pinilit at kinumbinsi para lang mapapayag ako. Iniisip ko kasi yung trabaho ko sa shop, eh. Yung mga orders at paintings na maiiwan ko. Ang buong akala ko, magiging boring para sa'kin ang pagpunta dito. Akala ko maiinis lang ako sa tagal namin dito pero bakit ang bilis ng oras at araw na lumilipas? Parang ang hirap nang magpaalam sa lugar na 'to. Lalo pa ngayong napapalapit na ako kay Enzo. Habang tumatagal kasi mas lumalalim yung nararamdaman ko para sa kanya. Bakit parang mahal ko na siya? Posible ba 'yon kahit ilang araw pa lang kaming nagkakakilala at nagkakasama? Imposible pero sa nararamdaman kong 'to? Tingin ko, may nabubuo nang pagmamahal dito sa puso ko. Alam ko namang walang patutunguhan itong nararamdaman ko para kay Enzo dahil alam kong straight siya at ganun din naman ako. Kahit nga ako nagdududa na sa sarili ko, eh. Straight nga ba talaga ako? Kung ano't anumang mangyari pagkatapos ng trip na 'to, maayos akong uuwi sa Manila. Pero bago 'yon, sasabibin ko yung nararamdaman ko para sa kanya. Ayoko namang dayain at lokohin ang sarili ko, gusto ko lang na bago matapos ang pananatili namin dito ay masabi ko na sa kanya. Hindi naman ako humihingi ng kapalit dahil wala naman akong hihinging sagot. Hapon na at napagkasunduan naming magkakaibigan na mag-inuman sa tabi ng beach mamaya. Well, dahil mamayang 9pm pa naman iyon ay dumiretso muna ako sa aking kwarto para magrelax. Alam niyo na, para fresh akong haharap sa kanila mamaya. Hehe. 6pm palang at nagkaroon kami kanina ng early dinner sa baba kaya hindi ko na kailangang kumain pa. Ang kailangan ko ngayon ay magpahinga dahil masyado kaming maraming ginawang water sports kanina at masyado akong napagod sa paglalaro. Eh, paano ba naman kasi? Lahat na yata ng sports na pwedeng laruin sa tubig, ginawa na nila. Sinusulit daw yung mga natitirang araw namin dito kaya nilubos-lubos na nila. Bago ako umidlip ay hinubad ko muna ang sandong suot ko at nagpush-ups ng 50 rounds. Pakiramdam ko kasi, tumataba na ako dahil sa mga pagkain dito. Mahirap na, baka mawala yung 6 pack abs ko. Simula kasi noong naging busy na ako sa pagpipinta, hindi na ako nakakapag-gym o jogging manlang sa umaga. Routine ko nalang ang magkape at magpush ups ng ilang rounds. Hays. Matapos akong magpush ups at pinagpawisan ng kaunti ay humiga na ako sa kama para umidlip. Pero bago pa ako tuluyang makatulog, bigla namang nagring ang cellphone ko. Panira naman, eh. Baka si mama na naman 'to. Kinuha ko sa side table yung cellphone ko at tiningnan kung sino yung tumatawag. Nagulat ako ng hindi si mama yung tumatawag kung di si Faith, ang dati kong kaibigan. Hindi ko pa nga pala nabubura yung number niya sa cellphone ko. Ano na naman kayang gusto nito? Ugh. "Hello?" walang buhay na sambit ko ng sagutin iyon. "Hello, Rylove!" masiglang bati niya na tinawag na naman ako sa pangalang inimbento niya. Asar. "Bakit ka napatawag?" tanong ko. "Masama na bang kamustahin ngayon ang baby ko?" sabik na tugon niya na ikinainis ko. "Faith, hindi mo ako 'baby'. Hindi naging tayo." paliwanag ko. "Magiging tayo palang?" sambit niya na may halong pagkasabik  Ano ba 'yan? Hays! "Ano ba talagang pakay mo sa'kin?" masungit na tanong ko. "Ang sungit naman ng Rylove ko. Anyway, nakauwi na ako ng Pilipinas galing Canada. Dumaan ako sa bahay niyo pero wala ka daw at nasa Palawan ka?" kwento niya. "Oo, magtu-two weeks na. Bakit?" tanong ko pa. "Wala naman, naisip ko lang na dalawin ka dyan hehe. Alam mo na, para sa naudlot na love story natin." sagot niya na ikinabigla ko. What the f*ck she's saying? "Anong pinagsasabi mo dyan? Wala naudlot, walang tayo. Okay?" inis na sambit ko. "Hay nako, wala ka pa ring ipinagbago. Pero basta! I'm going there tomorrow. Wait for me my love! See yah! Mwuah!" tugon niya bago pinatay yung telepono. Ano?! She's going here tomorrow? For what? Sigurado ako, walang magandang maidudulot 'yon dito. She's my high school friend, dati pero hindi na ngayon. Patay na patay siya sa'kin kahit noon pa man pero ayoko sa kanya. Hanggang sa dumating yung araw na ipinagkalat niya na kami na at nagkaroon daw kami ng s*x video. Kumalat yun sa buong campus at dahil doon, na-guidance ako and worst, muntik pang mapatalsik sa school. Hindi totoo 'yon, hindi ako yung lalakeng nasa video at hindi totoong kami na. Nag-iilusyon lang siya at galit ang mga kaibigan ko sa kanya. Hanggang sa dumating yung araw ng graduation, doon ko lang nalinaw yung pangalan ko at napaniwala ang lahat na hindi totoo yung mga sinabi ni Faith. Last na pagkikita namin noong graduation. Ang pagkakaalam ko, pumunta na sila ng Canada matapos iyon. At ngayon? Bumabalik siya? Ugh. Hindi na rin ako nakaidlip noon dahil sa badtrip na dala ni Faith. Nagshower nalang ako at nagpalit ng bagong sando. Binura ko na rin yung number niya sa cellphone ko at binlock na para hindi na siya makatawag o makatext sa'kin. Asar, eh. Nag-ayos nalang ako ng aking sarili at naghanda nang bumaba para sa inuman namin mamaya. Alas otso palang at kahit 9pm pa yung usapan, bumaba na ako at dumiretso na sa tabing dagat. Nakatayo lang ako doon at nakatingin sa malayo habang dinadama yung hanging humahampas sa katawan ko. Ang sarap. Habang nakatingin sa mga nakakaantok na sea lights, biglang may humawak sa kaliwang balikat ko. Nagulat ako kung kaya't agad akong napalingon at nakita si Enzo'ng nakangiti. Sh*t, akala ko naman kung sino na. "Bakit nandito ka na agad? 9pm pa diba?" tanong niya habang hinahawi ang buhok niyang ginugulo ng hangin. "Wala. Gusto ko lang magpahangin kaya lumabas ako. Ang sarap kasi dito." tugon ko habang nakatingin sa malayo. "Pahangin? Malamig naman sa loob, ah? Sira ba ang aircon mo doon?" tanong pa niya. "Mas okay naman yung hangin  dito, pare. Ikaw ba? Bakit nandito ka rin?" pagbabalik ko ng tanong sa kanya. "Kanina pa ako nandito. Nakita kasi kita kaya lumapit ako." sagot niya. "Ilang araw nalang, noh?" wala sa sariling sabi ko sa kanya. "Oo nga, eh. Ang bilis ng araw." tugon niya. "Paano na 'yan, pareho tayong babalik na sa mga buhay natin pagkatapos nito?" tanong ko sa kanya. "Para ngang ayoko nang umuwe, eh. Gusto ko dito nalang ako. Kasama kayo at kasama ka.." sambit niya na nagpabilis muli ng puso ko. "Ako rin, gusto kong makasama ka pa." nagulat ako ng 'yon ang lumabas sa bibig ko. Sh*t. Sinabi ko ba talaga 'yon? "Talaga?" nakangiting tanong niya na napalingon sa'kin. "Ah, ang ibig kong sabihin gusto ko pang makasama kayo. Oo tama, kayo. Hehe." pag-uulit ko. Woooh! Muntik na. "Ah, gano'n ba? Sulitin nalang siguro ngayon natin 'yong mga natitirang araw natin dito." seryosong tugon niya. Ngiti nalang ang naging tugon ko sa kanya. Muntik na ako kanina, ah? Hindi pa ngayon yung tamang oras para sabihin iyon sa kanya kaya ayoko munang magsalita. Kung alam niya lang kung gaano ko kagustong sabihin sa kanyang gusto ko na siya and worst, mahal ko na pala. UGH. Maya-maya pa ay dumating na sila Renz at yung iba pa na may dalang mga alak at pulutan para sa inumang magaganap mamaya. "Ang aga niyo, ah?" nakangiting bati ni Renz na inilalapag ang mga dala niyang alak sa buhangin. Nagkatinginan lang kami ni Enzo at napangiti sa isa't-isa nang marinig iyon. Sinalubong na namin sila Luna at Kate na nahihirapan sa pagdadala ng mga pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD