Walang bumati kay Dixon. Sa totoo nga lang ay nahati ang buong section sa iba’t ibang maliliit ng grupo dahil sa nangyari. Ang pinakamalaking grupo ay sina Vernique. Sa katunayan ay siyam silang magkakasama. Siyempre ang topic nila walang iba kundi si Dixon. “Dixon is really dangerous. Anghel siya sa harap ni Wilson pero demonyo talaga siya. Ang ikinatatakot ko ay magpakalat siya ng kasinungalingan na makaapekto sa kondisyon ni Wilson.” Saad ni Hardy. “May tama ka! Noong Martes itinulak niya ako ng malakas. Mabuti na lamang at kasama ko si Pia kaya may tumulong sa akin noong panahong iyon. Kung hindi ko siguro siya kasama baka kung anong mas malala pa ang nangyari sa akin.” “Putangina naman ni Wilson tatanga-tanga siya. Inimbita pa iyong balimbing niyang bestfriend.” Galit na galit na s

