bc

Memories To Last

book_age12+
556
FOLLOW
1.7K
READ
others
drama
tragedy
comedy
sweet
mystery
like
intro-logo
Blurb

Mawala man ang alaala sa isipan, mananatili ito sa puso at kaluluwa.

Dahil sa isang aksidente, nawala ang alaala ni Wilson Velasquez. Nang bumalik siya sa paaralan, hindi niya makilala ang mga mukhang nasa harapan niya. Ang kaniyang mga kaklase na gagawin ang lahat para maibalik ang alaala niya kahit pa ang kapalit nito ay ang pagkabunyag ng mga sikretong gusto na nilang ibaon sa hukay.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Chapter 1 "Welcome Back Wilson!" Napangiti si Wilson nang bumungad sa kan’ya ang mga estudyanteng nakatipon. Ang mga ito ay nakangiti, nakataas ang mga kilay, at mariing nakatindig upang hintayin siya. Inilibot niya ang kanyang mga mata ngunit kahit isa sa kanila ay hindi niya maalala. Kahit na isang letra lamang ng kanilang mga pangalan ay hindi niya alam. "Sila na ba?" tanong niya sa kanyang isipan. Pinipilit niyang ngumiti upang hindi naman maging malamig ang pakikitungo niya sa mga ito. Isang larawan ang namuo sa kanyang isipan, nakatumbang kotse, mga taong kumukuha ng larawan, malamig na sahig. Ang aksidenteng iyon, ang natira sa kanyang mga alaala. Nang dahil sa aksidenteng iyon, nawala ang lahat ng mga alaala niya. Kasama na rito ang mga pangalan ng kanyang mga kaklase, kapamilya, guro, at iba pang taong nakapaligid sa kanya. Kasama na rin sa mga nabaong alaala ay ang kanyang ama na nasawi rin sa aksidente. Gustuhin man niyang mayakap muli ang ama ay hindi na niya magawa. Tanging litrato na lamang nito ang nakita niya, nakangiti habang nakahawak sa kanyang balikat. "Bakit ang tahimik mo Wilson?" tanong ng isa sa mga kaklase niyang babae. Hinawi nito ang buhok nito. Pinilit ni Wilson na ngumiti. Wala siyang masabing kahit na ano. Sa halos isang buwan niyang pagpapagaling ay ang ina, kuya, at kasambahay lang niya ang kanyang kasama. "Bobo ka ba, Juliana. Malamang may amnesia 'yan." Hinampas ng isa sa mga kaklase niyang lalaki ang likod ni Juliana. Pumaunahan ang kanilang class president, si Vannah. "Huwag sa harap niya,” bulong nito at natuptop ang mga labi ng kanyang kaklase. Kabutihan lamang ang hangad niya kay Wilson, pero sa ipinapakitang ito ng iba niyang mga kaklase ay maaring mag-iba ang impression nito sa kanila. Lahat sila ay ngumiti nang sabay-sabay kay Wilson. Walang kahit na isa sa kanila ay napilitan. Pilit na ngiti naman ang iginawad ni Wilson sa kanila. Hindi niya gustong ma-disappoint ang kanyang mga kaklase sa kanya. Hindi niya gustong maging malamig sa mga ito. Mabait ba ako noon? Palangiti ba ako? Do I made friends with them? Iyon ang tatlo sa mga katanungang hindi niya masagot-sagot kahit na ano ang gawin niya may malaman lang sa kanyang nakaraan. Sinubukan niyang maghanap ng litrato o mensahe sa kanyang social media ngunit wala siyang ibang makita maliban sa pagtatanong ng kanyang mga kaklase kung nakagawa na siya ng takdang aralin. Tila nawalan na siya ng pag-asa kaya binasa na lang niya ang mga librong nasa tabi ng kanyang kama. Sa pamamagitan no’n ay may pagkakaabalahan siya. Ginagawa niya ang lahat upang makalimutan ang masalimuot na aksidenteng iyon. Nilibang niya ang kanyang sarili sa pagbabasa ng libro at pakikipag-usap sa kanyang kapatid na si Ethan ngunit nangangailangan siya ng sagot. Kahit na pinili ng kanyang ina na mag-homeschool muna siya ay ipinilit niya ang pagpasok sa paaralan upang humanap ng kasagutan. Kasagutan sa kanyang nakaraan. Kahit na ilang beses niyang kulitin ang kanyang ina at kuya tungkol sa kanyang nakaraan ay wala itong mga ibinibigay na sagot. Tango at iling lamang palagi ang iginagawad ng mga ito sa tuwing magtatanong siya. Inisip na lang niya na walang alam ang kanyang pamilya sa mga kaklase niya. He will seek the truth, he will seek for his memories. "I still have classes.” Ethan threw a glare at Vernique. Napalunok si Vernique ng hangin. “Vernique, ikaw na ang bahala kay Wilson. Please take care of him.” Tumango si Vernique sa nakatatandang kapatid ni Wilson na si Ethan. Siya ang pinagkatiwalaan nitong magbantay kay Wilson habang nasa paaralan ito. Sa kabilang banda, kumunot ang noo ni Wilson. Bakit sa lahat ng tao ay si Vernique Nang pinaharurot ni Ethan ang kanyang kotse ay natahimik ang lahat. Walang may gustong magsalita o kumausap kay Wilson. Ang iba na nasa likod ay nagbubulungan tungkol sa kanilang takdang-aralin. Iyong iba naman ay tungkol sa Wilson. Sinisigurado naman nila na hindi iyon maririnig ni Wilson. "Tara sa room!" pagbasag ni Hardy ng katahimikan. Ito ang isa sa mga palakaibigan ng klase, madalas maingay at napapagalitan ng guro. Mariin siyang tumindig sa harap ni Wilson, nakangiti at kumportableng hinawakan sa balikat ng kaklase. Lumuwag ang pakiramdam ni Wilson. Hindi magiging malamig ang pagpasok niya sa paaralan. May mga kaklase pa siguro siyang katulad ni Hardy na kakausapin siya sa oras na kailangang may magsalita. “Sure,” tugon niya sa mga ito. Nakapatong sa kanyang balikat ang braso ni Hardy habang naglalakad sila pabalik ng room. “Iyan ang Gabaldon Building. Sa pagkakaalam ko ay iyan ang pinakamatandang building dito sa Guevara.” Hardy pointed on the old gabaldon building na nasa kaliwa nila. May mga lower years na nakasilip sa bintana kahit na may mga gurong nagtuturo sa loob ng bawat silid. Mga pasaway. “Ito naman ang Science LRC.” Itinuro naman nito ang nasa kanan nila. “Iyon naman ang mga faculty building ng iba pang subjects.” Itinuro rin ni Hardy ang ibang building na katabi ng Science LRC. “Siya ba si Wilson Velasquez? Ang gwapo nga kahit may band aid sa noo!” Isang grade seven student ang napatili nang dumaan ang kumpol-kumpol na estudyante ng 10-Velasquez, lalong-lalo na nang si Wilson ang dumaan. Hindi katanggi-tanggi ang pagiging magandang lalaki ni Wilson. Balantok ang kanyang mga kilay at manipis ang labi. His stares are deadly because of his hawk-like eyes. Matangos ang ilong at bagay na bagay ang kanyang buhok na faded sa kanya. Matangkad din at boyfriend material para sa iba. Umakyat pa ng hagdan ang magkakaklase bago makarating sa kanilang silid. Napapatingin ang mga estudyante mula sa ibang silid sa kanila. Para kasing may event silang pinuntahan dahil sa kanilang pagkakakumpol-kumpol. “Alam mo, miss ka na ng mga kaklse natin,” panimula ni Hardy sa kanya nang makarating sa kanilang silid. Ang iba nilang kaklase ay nag-aayos ng kani-kanilang mga upuan. Parating na rin ang kanilang adviser. “You’re one of our remarkable classmates. Sana maibalik na ‘yung mga alaala mo.” Hardy tapped his back, at iniwan siya sa kanyang upuan. Sa mga kaklase niya ay si Hardy pa lang ang lumalapit sa kanya. Hindi niya tuloy alam kung mailap ba siya o hindi lang talaga siya malapit sa iba. Napaisip si Wilson, "If that accident didn’t happen, I would have cherishing my moment with them right now. With those happy faces, I’m surely lucky to have them.” May kaunting section ang kanyang desk. May paglalagyan ng gamit sa ilalim nito. Kinapa niya ang mga gamit niya nang may mahawakan siyang malambot at makinis na kamay. “Chance-ing ka sa’kin, Wilson!” Mabilis siyang umiling. Hindi namna niya intensyon na mahawakan ang kamay ng kaklase niyang babae. Napatayo siya mula sa pagkakaupo, umiiling. “Wilson, ano’ng nangyayari?” Nilapitan siya kaagad ng kaklaseng si Vernique. Niyakap siya nito at nakaramdam ng comfort. “H-Hindi ko gustong hawakan ‘yung kamay mo...” Vernique threw a glare on Ara, Wilson’s seatmate. “Ara, ano ba’ng ginagawa mo? Tita told us not to make jokes on Wilson hangga’t hindi pa bumabalik ang mga alaala niya.” Yumuko si Ara. “I’m sorry.” Bumuntonghininga si Vernique. Inalalayan niyang maupo si Wilson sa upuan nito. “If you need help, puntahan mo lang ako sa upuan ko.” Vernique pointed her seat, nasa katabing column iyon ng desk nina Wilson, sa may ikatlong row nakaupo si Vernique at ang katabi nito. Wilson nodded, bumalik na rin si Vernique sa kanyang kinauupuan. “Good Morning, Velasquez!” nakangiting bati ng kanilang adviser. "May Activity tayo ngayon...” Ang ngiti ng mga estudyante ay naging malungkot na mukha. Hindi pa naman sila naghanda ng kahit na anong gamit na nakapatong sa kanilang desk. "Mam naman," biro ng isang maliit na babae sa kanilang guro. "Mam kakapasok lang po ni Wilson, oh. Baka naman..." dugtong na biro ni Hardy. Gano'n ang lagi nilang eksena sa tuwing may activity sila sa Science. Gagawin lahat ng paraan upang maudlot ang gawain. Lalo na ngayon, kapapasok lang ng kaklase nilang si Wilson. Napatingin si Mrs. Untivero kay Wilson na tahimik lang na nakatingin sa kan’ya. "Eh? Andito ka na pala Wilson. Bukas ka na lang mag-take ng na-miss mong long tests at activities Magbasa ka nalang sa libro o kaya humingi ka ng tulong sa mga kaklase mo. By the way Velababies, sa Thursday at Friday na ang Third Periodical Test natin." Lalong lumungkot ang buong classroom. Dumaan lang sa kanila ang dalawang linggong Christmas vacation at pagbalik nila ay exam na. Ito iyong tinatawag nilang hell week kung saan dadagsa ang mga gawain at pasahan ng mga requirements sa iba’t ibang subjects. Tumingin muli ang kanilang guro sa kaklaseng si Wilson. "Welcome back, Wilson! Dahil bagong dating si Wilson, wala tayong activity ngayon. Gusto kong tulungan niyo muna si Wilson na makilala kayo isa't isa. Bababa muna ako at aasikasuhin ko lang ang paparating na event ng Science Department." Kinuha muli ng kanilang guro ang mga dala nitong aklat at papel ‘tsaka lumabas ng silid. Nang makababa si Mrs. Untivero mula second floor ay nagsigawan ang lahat sa sobrang tuwa.. Minsan lang ito sa kanilang magkakaklase, ang walang gawin sa oras ng Science time. “Velasquez!” pagtawag ng pansin ni Vannah sa mga kaklase ngunit tila walang nakikinig sa kaniya. Ang iba ay may hawak na cellphone, ang iba ay nagsusulat sa kanilang mga notebook, ang iba naman ay may pinag-uusapan tungkol sa mga nangyari sa nakaraang buwan. Pumaunahan si Vannah, hinampas nito ng libro ang teacher’s table. Nakuha niya ang atensyon ng mga ito. "Velasquez makinig naman kayo, oh! Parang awa niyo na!" Ang lahat ay tumingin ng seryoso kay Vannah. “Kaapelyido ko ba ‘yung section natin?” tanong ni Wilson sa katabing si Ara. Tumango si Ara. “Oo, kaya nga noong nagpasukan ay nagtawanan dahil kapag may tinatawag na Velasquez ay hindi alam kung ikaw ‘yon o ang buong section.” Nang dahil sa pagkakaroon niya ng amnesia ay nahirapan siyang kilalanin ang mga bagay. Minsan na niyang pinukpok ang sarili ng libro para magbaka sakaling bumalik ang mga alaala niya, ngunit walang nangyari. "Dahil hindi tayo kilala ni Wilson ay magpapakilala ang lahat sa kanya. Kunwari lahat tayo ay hindi magkakakilala. Gets?" Ang lahat ay sumagot ng ‘oo’ kay Vannah. Ang pagpapakilala ay nagsimula kay Wilson at natapos sa kaklase nilang si Juliana, na huli sa listahan ng mga babae. Parang unang araw ng pasok ang naging eksena sa silid-aralan ng Velasquez. Nagpapakilala ang lahat na parang hindi talaga nila kilalang-kilala ang isa't isa. Pero ang lahat ng ito ay para kay Wilson. Para sa minamahal nilang kamag-aral. Hindi gaanong natandaan ni Wilson ang pangalan ng lahat ngunit pumukaw sa kan’ya ang iilan. Si Jaminnah at Janinnah na kambal, pareho sila ng features at mahirap malaman kung sino si Jam at kung sino si Jan. Kapwa mahina rin ang kanilang mga boses. Tanging pagkakaiba nila ay ang braces ni Jam, at ang manipis na kilay ni Jan. Si Paolynne, energetic na bumati sa kanya. Tila hindi ito nawawalan ng enerhiya. Marami rin itong sinabi tungkol sa mga pinapanood nitong mga k-drama, c-drama, thai-drama, at kung ano-ano pang drama. Si Vannah, ang class president ng klase. Mahina at malumanay ang kanyang boses. Maayos ang postura kung tumayo at may gandang katangi-tangi. Si Gwen at John Lloyd, kung katalinuhan ang pag-uusapan, sa kanilang dalawa ay walang may gustong lumaban. Ang dalawa lamang ang nag-with high honors noong nakaraang grading. Kahit na matalino, may mga kaibigan pa rin ang mga ito. Sa boses pa lang ni JV ay makikilala na agad ito. Para itong siga, madalas antok at natutulog sa klase. Napilitang magpakilala muli para lamang kay Wilson at sa mga alaala nito. Ang ibang mukha para sa kaniya ay nakalilito na. Halos pare-pareho kasi ng mukha ang mga ito kung titingnan. Tanging boses ang mag-iiba. Tumayo mula sa pagkakaupo si Wilson. Nginitian niya ang kanyang mga kaklase, ipinapakita ang kanyang makikinang sa mga ngipin. “Thank for all of this. I promise to do everything to bring my memories back.” "One Vela, All for Wilson," sabay-sabay na sigaw nilang lahat. If there is something more unified than two people who’s in love with each other, it is their section, 10-Velasquez.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
897.0K
bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

Want You Back (Filipino)

read
228.0K
bc

Denver Mondragon

read
72.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook