Chapter 2

2075 Words
Chapter 2 Recess time. Nang lapitan siya ni John Lloyd para pumunta sa canteen. "Tara, Wilson samahan na kita mag-recess,” yaya ng John Lloyd. May makakapal na kilay at labi ito, malalim na mga dimples sa tuwing ngingiti ang mga labi. Napakunot ang noo ni Wilson nang yayain siya nito, hindi niya pa alam kung sino ito o kung magkaibigan ba sila. “Ayaw mo?” tanong muli nito. Pilit na ngumiti si Wilson. Napakamot siya sa kaniyang ulo. “Gusto kaso nakakahiya...” John Lloyd tapped his shoulders, then he smiled. “Don’t worry about that, pards. Ayos na ayos lang iyon sa akin.” Nawala ang kunot sa noo ni Wilson. Huminga siya nang malalim at sumunod kay John Lloyd na palabas na ng kanilang classroom “Iyan ang Palacol building, mga grade ten regular students din ang nand’yan, pero mga regular sila. Special Science class kasi tayo,” sabi nito nang ituro ang building na iyon na may apat na palapag. Lumiko sila pakaliwa at natanaw naman nila ang Provincial Library, bakery, at computer room. “Ayan na pala ang bakery. Tara na...” Wilson roamed his eyes around the bakery. Sa right side ay nandoon ang mga upuan, tables, at mga estudyanteng kumakain. Sa kaliwa ay ang mga napilang estudyante na bumibili ng kani-kanilang pagkain. May turon, baked macaroni, siomai, iba’t ibang tinapay, at mga ulam ang mayroon sa bakery. Pumila silang dalawa, sa pinakadulong linya. Naghintay ng ilang minuto hanggang makabili ng turon si John Lloyd. “Hindi ka bumili?” tanong ni John Lloyd sa kaniya. Umiling-iling si Wilson, wala siyang nagustuhang pagkain doon. “Let’s look for something else.” “Sige, doon tayo sa may burgers.” Pumunta ang dalawa sa likod ng Gabaldon building kung saan may kantina na nagluluto ng burgers. Wilson bought one cheeseburger, si John Lloyd naman ay bumili ng dalawa. Habang naglalakad pabalik ng room ay may nadaanan silang grupo ng tatlong babae na hanggang siko lang ni Wilson, may tali sa buhok, at may pare-parehong headband. "Guys, I think niloloko ako ng Bebe ko,” sabi noong isa na may makapal na kolorete at pulang-pula ang mga labi dahil sa lipstick. “Sabi ko naman sa iyo na playboy siya, Eunika,” ani ng isa na may hawak na juice. “Ang haharot n’yo kasi kaya hindi kayo mga nagtatagal nang matagal. Tingnan n’yo kami ni Jay, magti-three weeks na. Ganoon ang relationship goals,” sabi naman ng isa na walang hawak na kung ano. She crossed her arms at inirapan ang mga kasama. "Sana all may bebe,” bulong ni John Lloyd kay Wilson at humagikhik ito. Kung ang mga mas bata pa sa kanila ay nagkakaroon na ng mga boyfriend o girlfriend, sila itong ga-graduate na ang wala pa. Love takes time, minsan kahit tumanda na ay wala pa. Kung may nag-crush back lang kay John Lloyd sa sampu niyang crush, apat sa loob ng classroom, dalawa sa labas, apat sa lower years, eh ‘di sana ay may girlfriend na siya ngayon. "Sana all may Memories," banat naman ni Wilson at ngumiti. "Ang Memories naman naibabalik. Ang jowa hindi," sagot ni John Lloyd sa sinabi ni Wilson. Wilson smiled. Sana nga ay naibabalik. Sana ay may mga naaalalang muli. "Ilan na ang nabasa ko. Namamatay ang iba na hindi naibabalik ang alaala. I’m doing everything to bring all of those memories back, but I’m second thinking if that memories will really come back. What if katulad lang ako ng mga nababasa ko? What if I’m going to die without those memories?" Malamig na ngumiti si Wilson. Nanginginig ang kaniyang kamay at tuhod nang sabihin niya ang bagay na iyon. Isa lang naman iyon na nakakapahindik-hindik na ‘what if’. "Psh, don’t worry. Ibabalik natin iyan bago matapos ang school year na ‘to.” "What if hindi?" Ipinatong ni John Lloyd ang kaniyang kamay sa balikat ni Wilson. "Then we will create new and better ones. You’ll experience the best memories. Iyong hindi mo na malilimutan. Iyong hindi na mawawala. Iyong madadala natin hanggang sa pagtanda." Tumango siya kay John Lloyd, sumasang-ayon siya rito. Kung hindi man maibabalik ang kaniyang mga lumang alaala ay gagawin naman nila ang lahat para lamang gumawa ng mga bagong alaala. They will bring fresh and unforgettable memories to him. Memories that will last forever. "I’m very thankful that I have the whole class, that I have Velasquez. Kung sa iba ay pababayaan na lang nila ako, hahayaan na lang nila akong makaalala, pero kayo, tinutulungan n’yo pa ako.” It was a pang shot through John Lloyd’s chest. Mabilis na kumirot ang puso niya sa sinabi ni Wilson. They are doing this for Wilson, and for his memories. Their section is one of the best. Masaya at nagkakaisa ang lahat. Para itong piksyon, kung isa ka sa kanila ay hindi ka mapapaniwala na nagagawa nila ang lahat. Sila ang iba’t ibang main character ng kani-kanilang akda. Ang bawat isa ay may ipinaglalaban. Ang bawat isa ay may angking kasiyahan na bubuo ng mga ala alang hindi malilimutan. Sa kanilang paglalakad, isang babaeng hanggang dibdib lang ni Wilson, ang humarang sa kanilang daan. Nakasuot ito ng kulay blue na t-shirt na may tatak na ‘English and Forensic Club’. "Kuya Obog, tawag ka po ni Mam Jhen." Sumenyas si John Lloyd kay Wilson na hintayin siya saglit. Lumayo nang bahagya ang dalawa mula kay Wilson. May mga pinag-usapan ito na hindi naman maintindihan ni Wilson, hinintay ni Wilson na matapos ang usapan ni John Lloyd at ng officer. Matapos mag-usap, humarap ang dalawa kay Wilson. “I’m the president of the club kaya kailangan kong umalis dahil may aasikasuhin kaming club. Vernique and Vannah are there para samahan ka.” "Kaya ko na naman,” saad ni Wilson. “Sige, thank you!” Umalis si John Lloyd at ang officer. Naiwan si Wilson na tulala, nakatingin sa malayo. Nang maglaho sa paningin ni Wilson si John Lloyd ay dumiretso na siya pabalik sa building ng room niya. Habang naglalakad ay nakarinig siya ng mga kuwentuhan ng lower years. "Siya ba 'yung Mr. Intrams last year? Takte ang guwapo niya, sis." "Ang tangos ng ilong! Yummy siya ‘te!” sigaw pa ng isa. "Ang kinis ng mukha niya. Kainggit naman, sis. Ano kaya skin care niya?" Hindi naman gano’n kakinis ang kaniyang mukha, may pimples siya sa ilalim ng kaniyang mga labi, hindi lang ito dry katulad nang sa iba. Napangiti na lang siya sa sinabi ng mga lower years. Sina Vannah at ang kambal lang ang naabutan niya sa kanilang classroom. Iyong iba ay bumibili pa ng mga makakain sa mga canteen. Mahaba ang pila kaya natagalan. "Saan ka galing? Sinong kasama mo?" tanong ni Vannah. "Don't over react. Si John Lloyd sinamahan niya ako pero may kailangan siyang asikasuhin kaya bumalik akong mag-isa dito." "Baka kasi mawala ka. Hindi mo pa naman saulo ang buong Guevara.” He chuckled. “I’m not a child.” Matapos kumain ng cheeseburger ay lumabas si Wilson para itapon ang kaniyang basura sa trash can sa labas ng kanilang room. Accidentaly, he overheard the conversation of the two students who’s residing beside their classroom. “Gosh, pasahan pala ngayon ng journal. Ang dami ko pa na hindi nasusulat!” ani noong babaeng parang dora ang buhok. “Oo nga, English pa naman ang kasunod!” Nang dahil sa narinig, bumalik si Wilson, he roamed his eyes around the room. Tiningnan kung may locker ba sila o kahit anong pu-puwedeng paglagyan ng mga gamit. Pumunta siya sa kaniyang desk at tila may kinukuha sa lagayan sa ilalim nito. Tiningnan niya ang iba’t ibang notebooks hanggang sa tumalima sa kaniyang mata ang isang notebook na may cover na ‘Journal In English’. Ito ang hinahanap niya kanina pa. Tiningnan niya ang pangalan sa ilalim nito para siguraduhin sa kaniya nga ang notebook na ito. Napangiti siya nang mabasa niya ang kaniyang pangalan ‘Wilson Velasquez’. Nanginginig ang kaniyang kamay habang dahan-dahang binubuklat ang cover page nito. The answers to his questions are here. His memories were junked here... Ipinikit niya ang kaniyang kaliwang mata nang mabuksan niya ng unang page. ‘Third Grading Period’ lamang ang nakalagay. Inilipat niya iyon muli, may nakalagay na date, ang pagsisimula ng third grade. May dalawang paragraph... “Today...” pagbasa niya sa unang salita nang hatakin ni Vernique ang kaniyang Journal. Tumaas ang kaniyang kilay sa ginawang iyon ni Vernique. Bakit naman nito basta-basta kukuhanin ang kaniyang journal. Mababasa na sana niya ang mga nakasulat dooon, it would help his memories. “Kailangan na raw ipasa sabi ni mommy. Don’t worry ibabalik din naman ito pagkatapos.” Ngumiti si Vernique sa kaniya at tumalikod. “Guys, iyong mga journals daw ipasa na ngayon...” Nagtakbuhan ang kaniyang mga kaklase papunta kay Vernique upang ipasa ang kani-kanilang mga journals. “Wait!” “Teka lang matatapos na!” Napahawak sa kaniyang mukha si wilson, bigo siyang malaman ang kasagutan sa mga tanong. He could’ve read it nang hindi pa iyon nakukuha ni Vernique kung hindi siya naunahan ng kaaba. What are the things written down there? May malalaman kaya siyang mga kasagutan tungkol sa sarili niya? Tumungo siya sa kaniyang desk, while knocking the desk using his fingers. Tunog ng hinagis na bag ang gumising kay Wilson mula sa pagkaka-idlip. Napabalikwas siya ng tayo. Ang kaniyang ibang kaklase ay napatayo na rin at napasilip sa bintana. Isang matangkad na lalaki, nakatirik ang buhok, makakapal na labi, at galit na galit ang mga mata, yakap-yakap ang bag na nasa sahig. “Umalis ka na rito kung magwawala ka lang!” taboy ng isang babae rito. Sumugod ang lalaki sa pinto ng kabilang classroom, isinara kaagad iyon ng babae kaya hinampas-hampas ng lalaki ang pinto ngunit hindi niya iyon nabuksan. Sinipa-sipa niya iyon at tila masisira na. Gamit niya pa ang siko para mabuksan iyon. Pinihit ang doorknob ngunit walang nangyari. “Buksan n’yo ‘to! Mga gago kayo! Pagbuksan n’yo ako ng pinto! Kaklase n’yo rin naman ako, ah!’ Isa pang sipa ang pinakawalan nito at naupo siya sa sahig. Ang mga lower years sa kanilang kaliwa ay nakadungaw rin sa nagwawalang lalaki ng katabi nilang section. “Isara n’yo na ang mga pinto. I-lock n’yo na rin...” bulong ni Vannah sa mga kaklase. Ang mga nakaupo sa magkabilang dulo ng classroom ay isinara kaagad ang pinto. Maski ang bintana ay isinara rin nila para sigurado nang hindi makapapasok ang lalaking iyon sa loob ng kanilang room. “Sino iyon? Bakit siya nagwawala? What is happening?” sunod-sunod na tanong ni Wilson sa mga kaklase’ng pabalik na ng sari-sariling upuan. Kahit isa sa mga ito ay walang may gustong sumagot. He heaved a sigh at sinubukan muling magtanon. “Who’s that guy, and why he is acting like that?” A cold hand shivered his spine. Napalingon siya sa kung sino ang nagsalita. “It was Dixon. He’s deadly, huwag kang lalapit sa kaniya.” Tinalikuran siya ni Jaminnah at bumalik ito sa kaniyang upuan. Naiwanan si Wilson sa kaniyang nagtatakang mukha. ... “Bakit mo kaaagad kinuha ang journal ni Wilson? Hindi ba dapat malaman niya ang mga nakasulat d’yan dahil parte iyan ng mga alaala niya?” tanong ni Dara kay Vernique. Naglalakad sila ngayon sa hallway ng paaralan para dalhin ang mga ito sa English department. "We want, but only the best. Hindi natin puwedeng sabihin at ipaalam 'yung bagay na gusto na nating kalimutan lahat. Pinagsisihan na naman na 'tin lahat 'yon 'di ba." A picture flashed inside their mind. Papers everywhere, inks were scattered. Everyone is biting their lower lip. What a scenario! "Oo pero sa tingin mo hindi 'yon magagalit kapag nalaman niya 'yon sa ibang tao. Mas mabuting tayo na magsabi." "Wala naman sigurong ibang makakapagsabi. Mapagkakatiwalaan naman natin ang kabila tungkol do'n. Kung si Dixon ang problema, ilalayo natin si Wilson sa kanya." "What if naikuwento niya kay Tita Wilma ang lahat? What if may diary siya sa bahay at do'n niya naisulat lahat?" Natigilan sa paglalakad si Vernique. Tama si Sandara. Napakarami ng possibilities na malalaman ni Wilson ang bagay na ayaw nilang ipaalam. Ano nga ba ang gagawin nila? How can they just get rid of the bad memories to give him the best? Paano nila makukuha ang diary ni Wilson sa bahay kung meron man? "Wala bang pasok bukas?" Tanong ni Vernique. "Ang alam ko holiday. Paniguradong wala." "I think the days are just fine for our move. Tamang-tama at maisasagawa ko ang plano ko. All for you Wilson!" she smirked, then she placed the journals on the top of the teacher’s table.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD