Chapter 3

1984 Words
“Ano’ng gagawin natin ngayong free time natin?” tanong ni John Lloyd sa mga kaklase, kababalik lang nito mula sa meeting ng kanilang club. Ang kaniyang mga kaklase ay may sari-sariling ginagawa. Iyong iba ay nakatutok sa cellphone, iyong iba ay may isinusulat sa notebook, at iyong iba ay may pinag-uusapan. Idineklara ng kanilang natitirang tatlong guro na wala silang klase sapagkat naghahanda ang mga ito sa paparating na periodical test. Naupo si John Lloyd sa kaniyang inuupuan. Habang papunta rito ay nadanggi niya ang kanilang classroom television na nakapatong sa kanilang sahig. “What if we watch some of our memories? That would help Wilson!” Lahat ng kaniyang mga kaklase ay napatingin sa kaniya kabilang si Wilson. “Sino sa inyo ang may dalang flashdrive na may mga videos natin?” “Wala ako, pero I have some videos on my phone. Iyong mga sayaw natin at performances. Nakakapag-mirror screen naman sa tv ‘di ba?” Lumapit si Juliana kay John Lloyd. Ang dalawa pa nilang kaklase ay tumulong sa pagbubuhat ng tv upang mailagay sa gitna. Inayos ni Juliana ang pag-connect ng kaniyang cellphone sa tv. Hinanap niya ang kaniyang folder kung saan nakalagay ang mga videos ng kanilang magkakaklase. “Ano’ng mas magandang panoorin?” tanong ni Juliana sa mga kaklase. Lahat sila ay itinuro ang kanilang wellness dance ngayong taon. “Okay.” Pinindot ni Juliana ang wellness dance na iyon at nag-play sa kanilang tv. Sigawan ng iba’t ibang grade ten students ang bumungad sa kanilang video. Ang iba nilang kaklase na hindi kasama sa sayawan ay ipinakita rin sa video na iyon. Napangiti si Wilson nang mahagilap niya ang kaniyang sarili, nakasuot ng itim na t-shirt at maong pants. Ibang-iba ang kaniyang hairstyle noon ‘di tulad ng ngayon na nakababa ang kaniyang buhok. Ang sa kaniya ay nakaturo sa kalangitan. Hindi man sila sabay-sabay ay napakaganda pa rin ng kanilang performance. Ang bawat isa ay humahataw talaga sa tugtugin lalong-lalo na ang mga mananayaw sa unahan. Ito ay ginanap noong Intrams nila noong nakaraang taon, kung saan nakipaglaban sila sa mga lower years. “Nanalo tayo panigurado.” Lahat ay napatikhim nang magsalita si Wilson. Walang may gustong umimik man lang sa kaniya. “We’re so great on that video. Imposbileng hindi tayo nanalo.” “Grade seven ang nanalo noon, Wilson,” saad ng kaklase nilang si Bea. “Hmm, second place?” Umiling silang lahat. “Grade eight,” si Gwen ang sumagot. “T-Third?” Vernique heaved a sigh. “We didn’t win, Wilson. At least we did our best.” Natahimik ang lahat, hindi sila nanalo noon. Lahat ay napatingin kay Wilson nang humagikhik ito. “We lost, but it didn’t mean we’re the worst. Bakit tayo malulungkot sa isang pagkatalo kung panalong-panalo sa tayo dahil magkakasama tayo?” Simula sa apat na nakapaligid kay Wilson ay napasa ang hagikhikan hanggang sa pinakasulok na puwesto ng klase. Hindi kailanman magiging rason ang pagkatalo para sumuko sa buhay dahil kasama iyon para patuloy tayong magpatuloy sa ating buhay. “I didn’t expect that I can dance. Sa halos isang buwan kong walang maalala ay hindi ko pa nasusubukan na sumayaw,” ani Wilson. “Oo, pero mas sexy sumayaw si Nicko.” Palihim na ngumiti si Vannah. “Akala ko ba JV ka tapos ngayon kay Nicko ka naman?” Hinampas ni Reine ang katabi ni Vannah. Nag-asaran ang kanilang mga kaklase. Para kanino nga ba si Vannah, kay JV o kay Nicko? “Hindi naman, eh! Pinuri ko lang naman!” “Talaga ba, Vannah?” Dahil sa huling sinabi ni Reine ay naging kulay kamatis ang mga pisngi ni Vannah. Ang kaniyang labi ay nagpipigil ng ngiti, kinagat niya ang kaniyang ibabang labi. Nang mapansin niyang nakatingin sa kaniya ang lahat ng kaniyang mga kaklase ay napatungo na lamang siya. Aasarin na naman siya ng lahat panigurado. “Next video naman dali!” singit ni Yvon sa mga kaklaseng nakatingin kay Vannah. “Iyong music video natin sa EK!” Hinanap ni Juliana ang kanilang ginawang music video sa Enchanted Kingdom. Napagdesisyunan nilang i-shoot ang music video ng kantang ginawa ng isa sa kanilang mga kaklase na si Theo. Ang kantang iyon ay may malalim na kahulugan tungkol man sa pag-ibig o pakikipagkaibigan. Ang music video na pinamagatang ‘Umaga’. Ang kanta ay nagsimula sa mga tunog ng gitara. Sa kabilang banda, ang music video ay nagsimula sa kanilang bus na sinakyan kung saan naghahanda ang lahat sa pag-alis. Madaling araw pa lamang ito kaya’t madilim-dilim pa ang kapaligiran. Ang lahat ay nagkakasiyahan sa loob ng bus, nagbabatuhan ng unan, nag-aagawan ng pagkain, at iba pa. Ipinakita pa sa music video na ‘yon ang ilan sa mga scenes nila habang gumagala sa Enchanted Kingdom, kabilang na ang pagsakay nila sa iba’t ibang rides dito. Ipinakita rin ang paggamit ng gitara ni John Lloyd sa lugar na iyon. Ang lahat ay nakangiti, at ang lahat ay nalungkot nang matapos ang araw na iyon. Ang lahat ay naiinis sa tuwing matatapos ang araw, at nae-excite naman sa pagkakaroon ng bagong umaga kinabukasan. “Vela, nami-miss ko iyong mga gala natin. Kailan na ba susunod?” ani Vernique. “Pres, ano pres? Kailan na ba pres?” Lahat ay napatingin kay Vannah. Kung mayroon man dapat hintayin sa pagdedesisyon sa mga gala ay si Vannah iyon. “Ha? Bakit ako?” “Wait, may naisip pala ako since holiday naman bukas,” ani Vernique. “Ano dali!” “G ako riyan!” “Naisip ko na puwedeng mag-movie night tayo kina Wilson ngayong gabi!” Lahat ay napapalakpak at napasigaw. Gustong-gusto kasi nila ang bagay na iyon lalo na kung silang lahat ang pupunta sa bahay nina Wilson. “What? Magkakaroon tayo ng Movie Night sa amin?” Nanlalaki ang mga mata ni Wilson nang maisip niya ang dahilan kung bakit nagsisigawan ang kaniyang mga kaklase. Hindi sa hindi niya gusto ang ideyang ito, biglaan kasi. Kahit na may kasambahay siya ay hindi niya ipinapalinis ang sariling kuwarto. Kung ang lahat ng mga kaklase niya ang pupunta ay kasya naman ang mga ito sa kaniyang kuwarto at kanilang guestroom. “Ayaw mo ba? Ang tagal na rin kasi nating hindi nakakapag-bond as a section kaya naisipan kong ito ang isa sa magandang way para makapag-bond tayong lahat.” Natigil ang pagkabigla ni Wilson. Isa na ito sa mga paraan upang mas mapalapit siya sa kaniyang mga kaklase. Baka maibalik na ang ilan sa mga alaala niya. Hindi siya dapat tumanggi. Siya na itong tinutulungan, eh. “Okay lang naman. Talagang nagulat lang ako. Thank you for these efforts. I will tell this to mom later.” Ngumiti siya. Pagkatapos na pagkatapos nitong klase ay sasabihin niya ito sa kaniyang ina upang maipagluto nito ang kaniyang mga kaklase. Paniguradong pauwi na iyon ngayon sapagkat alas-quatro ng hapon ang uwi nito. “Don’t worry, ite-text ko rin si Tita Wilma ngayon.” Vernique assured him with a smile. “Magdadala ako ng mga snacks!” ani Hardy. “Wait, sino ba’ng mga sasama mamaya? Magtaas kayo ng kamay.” Sina Vernique, Vannah, Hardy, Reine, John Lloyd, Patrick, Laraine, JV, Bea, at Anja lamang ang nagtaas ng kamay. “Iyong iba?” tanong ni Vannah. “Hindi ako papayagan.” “Wala akong pera.” “Mayayari ako ng nanay ko!” Bumaligtad ang ngiti sa mga labi ni Wilson. Inaasahan pa naman niya na ang lahat ng ito ay sasama sa kanilang bahay. “Mag-meet kayo sa isang lugar para ipapasundo ko kayo kay kuya.” “Don’t worry, Wilson. Magco-commute na lang kami sa inyo. Nakapunta na kami roon.” Vernique assured him with a smile. Bumalik sila sa kani-kanilang upuan matapos ang usapan. “Seryoso ka, Anja na sasama ka mamaya,” bulong ni Hardy sa kaniyang katabi. Tinanggal ni Anja ang kaniyang salamin at pinunasan iyon. “Oo nga, Anja. Seryoso ka talaga,” sambit naman ni Laraine na nakaupo sa likod nito. “May problema ba?” Umiling ang katabi at nasa likod niya. “Wala naman pero...” ani Laraine. Napigilan siya ni Anja sa pamamagitan ng pag-ngiti. “Don’t worry wala ‘yon. Sasama lang ako para gumala.” Patingin-tingin sa kaniyang relo si Wilson. Kapag pumatak na ang alas-tres ay uuwi na siya. Kaya nang pumatak ang oras na iniintay niya ay nilisan na niya ang loob ng kanilang classroom. He still needs to prepare all of his stuffs. Maraming bagay na nakakalat sa kanyang kwarto tulad ng hanger, libro, ballpen at iba pa. Kahit na gusto ng kanilang maid na linisin iyon ay hindi siya pumapayag. For him, it is his personal space. Noong naaksidente lang siya ‘tsaka nalinis ng kanilang maid ang kaniyang kuwarto dahil hindi niya kaya, pero nang gumaling ay siya na ang muling naglinis nito. Habang naglalakad pauwi ay hinanap ni Wilson ang pangalan ng kaniyang ina sa kaniyang contacts upang mai-text ito. To Mommy: Mom, some of my classmates are going to crash on our place tonight. Can you cook for us? Baka makatulong ito sa akin upang maibalik ang mga alaala ko. Akmang papatayin na niya ang cellphone nang mag-reply kaagad ito. From Mommy: Oo nga raw sabi ni Vernique. Nag-text siya kanina sa akin. Ilan ba kayo? Natipa siya kaagad ng kaniyang reply. Tumingin muna siya sa kalsadang nilalakaran bago pindutin ang send. To Mommy: I guess we’re ten or eleven. Nang makatawid siya ng kalsada ay nag-reply ang kaniyang ina. From Mommy: Okay. Pupunta kaya iyong anak ng workmate ko? To Mommy: What is his name?” From Mommy: Hardy raw. To Mommy: Oo, I saw him raising his hand. He’s nice btw. From Mommy: Mabuti naman at sana maging friends kayong dalawa. Ano ang gusto mong lutuin ko mamaya? Favorite mo ba ang gusto mo? To Mommy: Anything, finger foods and some pastas. Thank you po. From Mommy: Sabihin ko na rin sa kuya mo na bumili ng pizza para sa mga kaklase mo pag-uwi niya. Gagabihin daw siya ng uwi dahil sa ibang projects, eh. To Mommy: Pauwi ka na po? From Mommy: Oo, actually pababa na ako ng parking lot. To Mommy: Okay, I’ll have my ride home too. Thank you for all of this. I love you! From Mommy: You’re always welcome, Wilson. I love you too. Tila naramdaman ni Wilson ang isang virtual kiss at hug ng kaniyang ina nang itago niya ang kaniyang cellphone sa bag. Naghintay siya nang ilang minuto nang walang jeep na dumaan sa lugar kung saan itinuro ng kaniyang kapatid na maghintay. Nagkibit-balikat si Wilson kaya sinuong niya ang tulay na malapit sa kaniya sa pagbabakasakaling may masakyan siyang jeep pagkatawid doon. Warm fresh air brushed his body. Kahit na hindi iyon malamig ay tila nanigas ang kaniyang katawan. Napahawak siya sa bakod ng tulay. Ang kaniyang kanang kamay naman ay nakahawak sa kaniyang kaliwang braso. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman nang makaakyat sa tulay. Para bang may kakaiba siyang pakiramdam dito. Para bang palagi niya itong nadadaanan kahit na ito pa lang ang unang beses niyang dumaan simula nang mawalan siya ng alaala. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at sinubukang ilakad ang kaniyang mga binti ngunit sa bawat paglapat ng kaniyang paa sa sementadong sahig ay tila nakukuryente ang kaniyang mga paa. Napatingin siya sa ilog sa ilalim ng tulay. Payapa naman ang agos ng tubig sa ilog, sa katunayan ay may mga bata pa’ng naglalaro sa tabi nito. Tumingin naman siya sa knaiyang kanan kung saan may iba’t ibang sasakyan na dumadaan, ang iba ay mabagal lang at ang iba ay napakabilis. He gripped his hand on his backpack para kahit papaano ay hindi siya kabahan sa paglalakad. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa gitna. Lalong lumakas ang bugso ng hangin sa gitna ng tulad kasabay nang pagtigil siya sa paglalakad. Akmang lalakad na siyang muli nang may humawak sa kaniyang balikat. He slowly turned his head on the guy holding his arm. He nearly stumbled when he’s familiar to the guy, wearing a navy blue hoodie, smiling at him as if this guy has a bad plan against him. Danger. The only thing he can sense right now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD