Chapter 4
"Kumusta, Wilson! Maayos ka na pala,” sambit ni Dixon sa kaniya. Hinawi nito ang buhok at sumipol kay Wilson.
Wilson remained silent. Hindi siya makapagsalita. Itong lalaki na ito, siya iyong nagwala kanina sa katabing classroom nila.
“Hindi mo pa yata ako kilala. Ako si Dixon, isa sa mga matalik mo’ng kaibigan noon.” Ngumiti si Dixon sa kaniya. Ipikinit ni Wilson ang kaniyang mata. Mainit naman ang panahon, pero parang niyeyelo ang kaniyang buong katawan.
“Hmm, okay. I’m fine. Ginagawa ko ang lahat para maibalik ang alaala ko.” Wilson blurted an awkward smile. “How about you?”
“Ito miserable pa rin.” Dixon chuckled. “Matagal nang sira buhay ko, eh.”
“W-Why?” Kumunot ang noo ni Wilson.
Tumawa si Dixon. “Basta ayon!”
Hinawakan ng nagyeyelong kamay ni Dixon ang braso niya. Nanlambot ang kaniyang sistema kaya hindi niya ito maiiwas sa lalaking kaharap. Hindi siya nagkakamali, problema at kaguluhan nga ang dala ng lalaking kaharap niya ngayon.
“You saw me, right?”
Wilson bit his lip. “What do you mean?”
“Nakita mo ako kanina na nagwala sa katabing room n’yo. Nakita mo ako kanina na galit na galit. Nakita mo ako kanina na wala sa sarili ko.” Binitawan ni Dixon and kaniyang braso. Pinagkikis nito ang kaniyang mga palad at tumingin sa kalangitan. “Gano’n na yata talaga ako, wala nang magbabago. Gago na kung gago.”
“Pero, sorry kung nakita mo ako na agresibo. Hindi ako iyon. Ibang Dixon iyon. Ito ako, good boy talaga.”
Mahirap paniwalaan ang sinasabi ng lalaking kaharap niya ngayon, lalo na nang sinabi ng kaniyang mga kaklase na layuan ito. Hindi niya alam kung papaano siya makakawala mula sa lalaking kaharap niya.
“Ano ang ibig mong sabihin?”
“Pinagkaisahan kasi ako. Kinawawa. Kaya ngayon, mas gago pa sa gago.”
Muling tumingin sa kaniya si Dixon at ginawaran siya ng kapahindik-hindik na mga ngiti. Kumikinang pa ang mga ngipin nito sa tuwing matatamaan ng sinag ng araw. Tumingin sila sa payapang ilog hanggang sa magtama ang kanilang mga mata.
"May pupuntahan ka ba? Tara tambay tayo sa bahay namin. We’ll do some gaming and such. Inom na rin kung gusto mo.”
Sa kaniyang isipan, umiling na siya at tumakbo paalis. Hindi niya nanaisin na sumama sa mga taong katulad ni Dixon. Makita pa lang ay makararamdam na kaagad ng problema. At kung gugustuhin man niya ay hindi pa rin puwede, may amnesia siya at maaring mag-break down kung sakali. Pupunta rin ang mga kaklase niya sa kanila para sa sleep over. Napakarami niya pa na dapat gawin.
"I can’t, may sleep over kasi kami ng mga kaklase ko mamaya sa amin. May mga kailangan pa ako’ng ayusin. Iyong kuwarto ko at tutulungan ko pa ang mommy ko sa pagluluto.”
“Puwede ba ako na sumama? Gagawin ko na masaya ang party ninyo at tutulungan ko pa kayo sa paglilinis at pag-aayos. Hindi na naman ako para hanapin ng mga magulang ko."
Hindi puwede. Iyon ang nasa isip ni Wilson ngayon. Hindi puwede’ng isama si Dixon.
Layuan. Iyon ang dapat niya na gawin.
"Sorry pero, hindi na yata puwede’ng sumama sabi ni Vernique. Nahihanda na raw kasi nila ang lahat. I’ll invite you next time," pagsisinungaling niya. “Confidential din kasi iyon kaya hindi talaga kami puwede’ng mag-imbita ng iba.”
Mula sa masaya na ekspresyon ni Dixon ay napalitan ito ng nakabaliktad na ngiti at mapungay na mga mata.
“Sige, G! Next time na lang. Ingatan mo ang sarili mo.”
“Mag-ingat ka sa kanila.” Hindi na gaano na narinig ni Wilson ang huling salita na sinabi ni Dixon. Hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig o mali.
Tinitigan niya lamang si Dixon at ang pag-ugoy ng mga braso nito. Nang makababa si Dixon mula sa tulay tinahak ni Wilson ang natitirang lakarin pababa nito. Pagkababa niya ay saktong may dumaan na jeep sa kaniyang kanan. Pinara niya ito at sumakay.
Nang makababa mula sa tricycle na sinakyan ni Wilson nang makababa siya ng jeep ay tinahak niya ang daan patungo sa kanilan bahay. Dalawang palapag ang kanilang bahay ay may kalakihan din naman. May kulay sky blue na gate, ang halaman na tanim ng kaniyang ina ay hitik na hitik sa mga bulaklak. Ang kabuuan ng kanilang bahay ay kulay puti ngunit may ilan pang mga kulay ang pintura malapit sa mga bintana at pinto.
Pagkabukas ng pinto ay humalimuyak sa kaniyang ilong ang niluluto ng kaniyang ina. Para ba’ng ito siya ay pumasok sa isang tahimik na restaurant na may payapang musika, at kaaya-ayang mga pagkain.
Pagkaliko sa kusina ay naabutan niya ang kaniyang ina na may balingkinitang katawan na nagluluto ng isa sa kaniyang paboritong baked macaroni. Kung papipiliin siya ng ina, ang kaniyang ina pa rin ang pipiliin niya. Walang kupas ang kasipagan at sakripisyo nito sa kanila ng kaniyang nakatatandang kapatid. Kahit na may katulong ay ito pa rin ang halos lahat ng gumagawa o kumikilos sa kanilang bahay. Kadalasan ay labada na lang ang ginagawa ng kanilang katulong na si Mary Joy.
“Good after noon po,” bati niya sa kaniyang ina. Pinunasan ni Wilma ang mga pawis na tumatagaktak sa kaniyang katawan gamit ang bimpong nakasabit sa kaniyang balikat. Kahit nangangalay ang balikat ay ngumiti ito sa kaniyang anak.
Sa mala-porselanang kutis ng balat nito ay hindi aakalain na nalalapit na ito sa edad na singkwenta.
"You're here na pala. Nasaan ang mga classmates mo?"
"Susunod daw po sila rito. Siguro mga alas-sais o alas-cinco pa po sila." Sumilay naman si Wilson sa frying pan na may distansya sa kanila. "I thought you're just cooking pastas and nachos, but why are you still frying some chickens? You’re tired, mom. Have some rest."
“It is okay, Wilson. Ganito talaga dapat tayo mag-entertain ng bisita. Don’t worry hindi ko pinapagod ang sarili ko. I also promised you that I’ll be cooking dinner for you. Nag-text na rin ang kapatid mo, pauwi na raw siya. Traffic lang sa may Charlton.”
“Okay, but don’t over work yourself, huh?” Wilson planted a kiss on his mother’s forehead.
“Thank you for all of this. Magpapalit lang ako sa kuwarto ko.” Ngumiti siya at pumunta ng kaniyang kuwarto.
Kalalabas lang ng kasambahay nina Wilson nang makarating siya sa kaniyang kuwarto. Nakasuot lamang ito ng tank top at shorts. Hanggang braso lamang ni Wilson si Mary Joy. Parang noong unang taon pa lamang ni Mary Joy sa kanila ay hanggang balikat lang ni Mary Joy si Wiilson, pero matapos ang anim na taon ay bumaliktad na yata dahil si Mary Joy na ngayon ang hanggang balikat ni Wilson. Hawak-hawak ni Mary Joy ang walis tambo at dustpan habang kumekembot palabas ng kuwarto ni Wilson suot ang knaiyang earphones.
"Yehey tapos na ang paglilinis ko ng kwarto ni Baby Gwapo!" Napahagikhik si Wilson nang marinig niya ang kaniyang nickname na ibinigay ng kanilang maid na si Mary Joy. Simula nang dumating kasi ito sa kanilang bahay ay binigyan na sila nito ng kani-kanilang nickname. Kung siya ay tinatawag na Baby Gwapo, ang kaniyang nakatatandang kapatid naman niya ay Kuyang Sexy. Pero, pagdating sa kanilang ina ay wala itong ibinigay na nickname.
Dahil sa kaniyang hagikhik ay napalingon sa kaniya si Mary Joy. “Ikaw pala ‘yan, Baby Gwapo. Inayos ko na ang kuwarto mo at nagdagdag ako ng mga kama. Iyon kasi ang utos ng mommy mo sa akin.”
“Sige po, Ate Mary Joy. Marami pong salamat.”
Hinampas siya ni Mary Joy sa braso. “Ikaw naman. Siyempre lilinisin ko kuwarto mo!” Kumindat pa ang maid at bumababa na sa kanilang hagdanan.
Nang buksan niya ang pinto ay bumungad sa kaniya ang mga mattress na nakalatag sa sahig. Ang kaniyang mismong higaan ay nakataan upang magkaroon ng kaginahawan at puwesto ang ibang mga beds. Ipinatong niya ang backpack sa sahig, tinanggal ang sapatos at nagkalad nang naka-medyas patungo sa isa sa kaniyang mga higaan.
Napapikit siya, kay lambot ng kaniyang hinihigaan. Ang lahat ng kabigatan na nararamdaman niya ay pasan-pasan na ng kaniyang hinihigaan. Napatingin siya sa kaniyang cellphone. May group chat pala na ginawa si Vernique.
Vernique: Nasaan na kayo? Papunta na kami nin Vannah at Reine!
JV: teka minute last game lods
Hardy: Sa wakas pinayagan na ako, kung ‘di pa sasabihin ni Tita Wilma, eh.
Bea: ito kaseng si Anja apakatagal pero papunta na.
Napangiti si Wilson sa mga mensahe na nabasa niya. Nagtipa rin siya ng reply.
Wilson: I’m at home. Take care :)
Pinatay niya ang kaniyang cellphone at ipinatong iyon sa kaniyang bookshelf. Pa-staircase ang kaniyang book shelf na gawa sa kahoy. May iba’t ibang genre ng libro roon ngunit kadalasan ay mystery o thriller. Noong walang pasok ay madalas siyang nagbabasa lang at hindi gumagamit ng kaniyang devices. Wala rin naman siyang makausap dahil wala siyang maalala.
Bumangon mula sa pagkakahiga, pumunta sa human sized na salamin sa sulok ng kaniyang kuwarto. Isa-isa niyang hinubad ang mga kasuotan na suot niya. Inilagay niya ang mga damit na iyon sa basket ng kanilang maruruming damit.
Pinagmasdan niya ang kaniyang katawan. Hindi siya mataba, flat ang kaniyang tiyan. Ang kaniyang braso naman ay walang kahit na anong korte. Ang kaniyang mga mata ay kulay hazelnut brown. Bumuo siya ng ngiti mula sa kaniyang maninipis na labi. Hinawakan niya ang kaniyang matangos ng ilong kasabay ng pagkurap ng kaniyang mapupungay na mata. Hinawi niya ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri.
He traced the scars caused by the accident. The scars that won’t heal anymore. Mayroon sa kaniyang dibdib, mayroon sa kaniyang braso, mayroon din sa kaniyang likod na hindi niya makita. Ngumiti siya sa harap ng salamin. Masuwerte pa rin siya na buhay siya ngayon kahit na ang buhay naman ng kaniyang ama ang naging kapalit.
Sa mundong ito, may mga suwerte at malas kung maniniwala ka. Kung hindi naman, patuloy lang ang buhay, hirap man iyan o ginhawa. Kung hindi ka susuko sa bawat pagsubok na kinakaharap mo, maabot mo rin ang kaginhawakan pagkatapos. Kung ikaw naman ay madaling susuko, asahan mong mas mahirap ang pagdaraanan mo sa matagal na panahon.
Binalumbon ni Wilson ang kaniyang katawan ng tuwalya. Pumunta siya sa cr sa loob ng kaniyang kuwarto. He set the temperature of his shower on warm. Nang buksan niya iyon ay yumakap sa kaniya ang maligamgam na tubig. Nang una ay bahagya siyang napaso pero nang lumaon ay dinama niya na ito.
Ang maligamgam na tubig na iyon ay nagbibigay sa kaniya ng kaginhawahan mula sa mga bagay na naiisip niya. Huminga siya nang malalim at kumalma. Wala siyang dapat isipin ngayon kundi ang sarili.
Nagpunta siya sa kaniyang closet pagkatapos magbanlaw ng tubig. Doon ay tiningnan niya ang iba’t ibang uri ng kasuotan na mayroon siya. Mula sa mga simpleng t-shirt, polo, v-neck hanggang sa mga mamahalin na blazer at formal suits. May mga shorts at pantalon din siya roon na nakatiklop.
Nang makapili ng susuoting ay tumingin muli siya sa salamin habang sinusuklay ang kaniyang buhok. Wala na ang mga sugat ng aksidenteng iyon. Hindi na kita ang mga mapapait na alaala ng nakaraan. Naitago na sila ng mga simpleng kasuotan na suot niya ngayon.
Alaala na lamang niya ang kaniyang natitirang problema.