Chapter 5

2198 Words
Chapter 5 Lumubog na ang araw. Ang buwan ay nagniningas sa kaniyang kaliwanagan. Nakaupo si Wilson sa sofa at patingin-tingin sa oras ng kaniyang cellphone. Lumipas na ang alas-sais ngunit wala pa rin ang kaniyang mga kaklase. “Wilson, nasaan na ang mga kaklase mo?” tanong ng mommy niya sa kaniya. Ngumiti siya rito. “Hindi pa po sila nagcha-chat simula kanina pero ang sabi naman po ay papunta na.” Mag-aalas-sais nang mag-chat si Vernique sa ginawa nitong groupchat na papunta na sila. Tatlumpung minuto na ang nakalilipas sa alas-sais ay wala pa rin ang mga ito. Hindi naman gano’n katagal ang biyahe papunta sa kanilang bayan. Isinilid ni Wilso nang cellphone sa kaniyang bulsa nang may mag-doorbell sa kanila. Napabalikwas si Wilson nang tayo at nagmamadaling pumunta sa pintuan. It must be his classmates. Nang buksan niya ang pinto ay bumungad sa kaniya ang sampu niyang kaklase, nakasuot ng bag at nakangiti sa kaniya. Lumawak ang ngiti sa mga labi ni Wilson. Sa wakas, nandito na ang mga kaklase niya. “Bakit ngayon lang kayo?” tanong niya. “May isa kasi riyan, pa-late aba!” sabi ni Vernique, habang nakatingin kay Reine. “Ito kasing si Patrick pabalik-balik sa bilihan kanina. Hindi alam kung bibili ng chichirya o hindi,” ani Reine. “Ako pa ang sinisi. Ikaw nga ‘tong hindi mapayag-payagan.” “Good evening sa inyo.” Lahat ay napatingin sa mommy ni Wilson na nagsalita mula sa likuran ni Wilson. Lahat sila ay napatango at bumati rin ng magandang gabi kay Wilma. “Ang ganda pa rin ng bahay n’yo, Wilson. Noong huling nakapunta ako rito ay ganito pa rin ‘to,” sabi ni Hardy. Pumikit si Wilson, inalala kung kailan iyon, pero walang larawan na lumabas sa kaniyang isipan. “When was the last time you’ve been here?” “Noong gumawa tayo ng research project. Kagrupo ka namin nina Anja at Laraine. Sayang wala si Sandara. Hindi yata pinayagan.” “Ah, okay...” Wala na siyang iba pang masabi. Wala na rin siyang ibang maalala tungkol sa bahay na iyon. “Enjoy your stay, ha! Thank you sa pagpunta n’yo sa bahay para kay Wilson. Let’s just wait for Ethan para sa dinner.” Lumiko sa kusina si Wilma. Naiwanan sila sa paanan ng hagdan. “Itaas n’yo muna iyong mga bags sa room ko. We’re going to stay there. Pumunta na rin tayo sa backyard pagkatapos,” Wilson stated. Sumunod ang mga kaklase niya sa kaniya. Ang kanilang mga mata ay pawang mapaglarong tadhana, kung saan-saan napapadpad. Mula sa mga paintings at medalya na nakasabit sa dingding patungo sa ikalawang palapag hanggang sa family picture ng pamilya ni Wilson. Umihip ang malamig na hangin mula sa bintanang nasa kanan ni Laraine. Napayakap siya sa kaniyang sarili at napasinghap sa presko at malinis na hangin na ‘yon. Nasa looban ang bahay nina Wilson kaya hindi ito nadadapuan o nadadaanan ng maruruming hangin. Wala rin namang naninigarilyo sa kanilang pamilya kaya presko at bayad ang hangin dito. Namuo ang letrang o sa kanilang mga bibig nang buksan ni Wilson ang kaniyang kuwarto. Dahil sa lalaki si Wilson ay hindi nila in-expect na magiging ganito kalinis ang kuwarto nito. Ang napakalaking telebisyon kung saan makikita nilang lahat ang panonoorin nila mula rito. Iyong mga beds ay pantay-pantay rin. Kahit saan sila pumuwesto at ayos lang. Ipinatong nila ang mga bags nila malapit sa pinto. Ang mga babae ay naupo sa mga beds na nakalatag. Samantalang sina JV at John Lloyd naman ay sumilay sa veranda na nasa kabilang bahagi ng kuwarto ni Wilson. Doon ay may flower vase na nakapatong sa may round table. May upuan din doon. Mula sa veranda ay makikita ang magandang likod-bahay nina Wilson. May pool ito na kung saan ay nangangalahati na ang tubig dahil pinupuno pa lamang. May mini basketball court din, at mga kagamitan sa pagwo-work out. “Sana all ganito bahay,” sabi ni John Lloyd nang makabalik mula sa veranda. “Ganiyan din naman bahay n’yo, JL!” “Hindi naman, Vernique.” "Gusto niyong bumababa para tignan ang backyard?" Natahimik ang lahat ng magtanong si Wilson. Lahat ng mga mata ay natuon sa kaniya "Siguro mamaya na. Papahinga muna kami saglit,” sagot ni Anja. "Mamaya na tayo magpahinga. Tignan muna na 'tin ang baba,” parang batang atungal ni Laraine. "Oo nga, Anja. Wala pa naman si...” Humahikgik si Bea. Anja crossed her brows. "Basta gumala na tayo.” Anja gritted her teeth, and she glared at Bea. “Pagkauwi natin humanda ka, Bea Serene!” Laraine and Bea chuckled. Anja rolled her eyes on her two friends. Gagantihan niya ang mga ito pagkauwi nila. “Let’s go na dali!” anyaya ni JV. Nauna si Wilson na bumababa. Nang mapasilip sila sa kusina ay may hinahalo pa ang kaniyang mommy gamit ang sandok. Dinala niya ang mga kaklase niya papunta sa kanilang likod-bahay. Makati sa mga paa ang synthetic grass na inaapakan nina Wilson. Ito kasi ang ginawa nilang terrain sa kanilang likod-bahay upang maging malinis tingnan. May bench at tables malapit sa pool. May dalawang puno rin sila na malapit sa bakod na nakapalibot sa buong bahay, sa punong iyon ay may duyan. May mga bulaklakang halaman naman malapit sa kanila. Kung ganito lang ang bahay nilang lahat ay mas masaya pa sila sa masaya. "Gusto ko na mag-swimming!" ani Vannah. "Puwede naman mamaya, Vannah. Matapos kumain para mas ma-enjoy natin,” Wilson said. “Hoy, Hardy hindi ka kakayanin niyang duyan. Tabi! Alis.” Hindi umalis sa duyan si Hardy kahit na pinilit siyang paalisin ni JV. “Hindi naman ako sobrang taba para hindi kayanin ng duyan na ‘to!” “Basta pasakay ako!” Kahit na hindi umalis si Hardy sa duyan ay umupo pa rin ang bossy na si JV dito kaya silang dalawa ang nakasakay. Nagtulakan ang dalawa hanggang sa pareho silang nahulog sa lupa. “Hoy, aba! Parang nasa bahay lang kayong dalawa!” saway ni Vernique sa dalawa. Lumingon siya at nakitang nagpi-picture sina Reine, Vannah, at Patrick. “Hoy, pasali naman aba! Mga hindi nangsasali!” Tumakbo siya papunta sa tatlo. Hinawakan ni Reine ang cellphone na hawak at kumuha ng litrato. Sumingit din ang iba nilang kaklase sa likod. Si Wilson naman ay nasa harap nila, masaya para sa kanila. “Wilson, sumali ka!” ani Reine. Sumenyas si Wilson, hindi niya gusto. Lumapit sa kaniya si Vernique, hinila ang kaniyang t-shirt para mapalapit si Wilson. Hindi na siya gumalaw pa habang kinukuhanan sila ng litrato. He’s now part of this memory. Matapos i-click ni Reine ang capture sa huling picture nila ay umalingasaw ang tunog ng busina ang makina ng kotse mula sa labas. "Anja ayan na,” kinikilig na bulong ni Bea sa katabi. Anja rolled her eyes. “Huwag mo nga akong asarin!” Siniko niya ang katabi. Humagikhik naman sina Laraine at Bea na nakasunod sa kaniya. “Mag-dinner na tayo.” They all followed Wilson, papunta sa kusina. Kasabay ng pagdating nila sa kusina ay ang pagbukas ng main door. Lahat sila ay napatingin sa kung sino ang dumating. Tinanggal ni Ethan ang helmet na suot at ipinatong iyon sa upuan malapit sa pinto. Pinunasan ni Ethan ang kaniyang mukha ng bimpong hawak-hawak. Tinanggal nito ang itim na blazer, ipinatong din iyon sa upuan katabi niya. Naka-white t-shirt na lamang ito ngayon na naka-tucked in sa itim nitong pants. May hawak-hawak itong tatlong box ng family-sized pizza at dalawang box ng Krispy Kreme naman sa kaliwa. His eyes met Anja, he captured how Anja faked a smile on him. He remained stoic at iniwas ang tingin mula kay Anja. Lahat ay napatingin kay Anja at napailing. “Ethan, nasaan ang uniform mo?” tanong ni Wilma sa anak. Itinuro nito ang bag. “Nandito po. Magpapalit lang po ako ng damit sa taas.” Ngumiti ito sa ina at tumaas sa kaniyang kuwarto. “Tara, dito na tayo sa kusina maghintay kay Ethan. Bababa rin siya agad-agad.” Pinasunod ni Wilma ang mga kaklase ni Wilson sa kaniya. Nag-unahan ang mga ito sa upuan. May natirang bakanteng upuan sa tabi ni Wilson, sa tapat ni Anja. Pagkababa ni Ethan ay nakasuot na ito ng bagong white shirt na may tatak na ‘Faults lies on the stars’ ‘tsaka pambasketball na shorts. Umupo ito sa bakanteng upuan sa tabi ni Wilson. Lahat ay napatingin sa mga pagkain na parang piyestahan sa dami. There were fried drumsticks, rice, baked mussels, sinigang na hipon, at ang mga dala kanina ni Ethan na nakahain na rin sa mahabang parihabang lamesa nina Wilson. Everyone looks excited on the food while praying, maliban kay Anja. Nakatitig siya sa tatlong Velasquez na nasa tapat niya, na nakapikit ang mga mata. Wilson got almost his features from his dad, sa pagkakatanda ni Anja sa mukha ng daddy nito. Si Ethan naman ay parang carbon copy ng mommy niya. Wilson has that serious and cold face while Ethan has that innocence and charm anyone cannot resist. Kumuha ng kani-kaniyang pagkain sina Anja. Inuna ni Reine at Patrick ang fried drumsticks. Sina Vannah, JV, at Vernique naman ay inuuna ang kanin. Si Hardy ay nag-aalinlangan sa pagkuha ng seafoods. Allergic kasi siya pero may dala naman siyang gamot. Iyong iba ay kumukuha na rin ng kani-kanilang mga ulam maliban kay John Lloyd na ipinaglalagay ng maiinom ang mga kasama sa kani-kanilang baso. Nakatikhim ang kani-kanilang mga labi, nilalasap ang mabango at malasang pagkain. Para silang kumakain sa isang mamahaling restaurant. Iba ang sarap ng mga pagkaing iyon. Napatingin si Wilma kay Anja na nakatitig sa mga pagkain. Wala pa rin itong kanin o ulam sa pinggan nito kahit na ang iba niyang mga kasama ay kumakain na. “Hija, hindi mo ba gusto ang ulam o allergic ka?” tanong ni Wilma sa kaniya. Natauhan si Anja sa tanong ni Wilma. Gusto niya ang mga pagkain na iyon. Mahilig siyang kumain pero nadi-distract siya sa lalaking kaharap niya na kahit isang tingin ay hindi siya ginagawaran. “Hinihintay ko po silang makakuha. I love these foods. Noong huli rin po akong napatambay rito ay nasarapan po ako sa luto n’yo.” Ngumiti siya. “Pero, tapos na silang lahat kumuha at hindi ka pa rin kumuha ng iyo.” “Ah, gano’n po ba.” Pumeke siya ng tawa. Ganoon ba siya ka-preoccupied ngayon. Tila may mga bagay o katanungan na gumugulo sa kaniyang isipan na gusto niyang hanap ng sagot pero paano. Paano malalaman ang kasagutan sa mga tanong na iyon kung hindi niya makausap ang taong may alam sa mga kasagutan sa tanong na iyon. Si Ethan Velasquez, nakatatandang kapatid ng kaklase niyang si Wilson Velasquez, ang lalaking inibig niya noon na hindi na niya makausap ngayon. May mga makakapal na kilay, perfectly chiseled jaw, slighty-tanned body. May kaakit-akit na katawan, iyong tipong magugustuhan ng sinuman. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa lalaking ito? “Ang sarap po ng pagkain. Sobrang nabusog ako roon,” ani Patrick habang hinihimas ang kaniyang tiyan. Kahit na payat ay may bump pa rin ang kaniyang tiyan dahil sa kinain. “Sana nga mommy ni Tita Wilma,” saad ni John Lloyd. “Masarap naman magluto mommy mo, ah!” ani Vernique. “Oo nga naman!” Tumawa si John Lloyd. Labinlimang minutong walang silang ginawa kundi ang maupo sa kani-kanilang upuan habang hihintay na matunaw kahit papaano ang kanilang mga kinain. Niligpit na ni Mary Joy ang ilan sa mga pinagkainan. “Tara magpalit na tayo ng damit pang-swimming,” yaya ni Wilson sa mga kaklase. Tumaas sila at naiwanan sina Wilma at Ethan para linisin ang kusina. “Mom, I didn’t know that Anja is here. If someone told that she’s here, I would have stayed in a hotel or in our condo in Manila. It’s awkward that we’re both here when everything between us is not fine.” “There’s nothing wrong with that, Ethan. Nandito lang naman siya para makipag-bonding sa kapatid mo at sa iba pa nilang mga kaklase. I also didn’t expect her to be here. Si Wilson lang naman ang nag-anyaya.” Her mother sighed. “And also, I didn’t think that breaking up with her is your best choice. Hindi kailangan na may masirang relasyon para lang maging mas maayos kayo ng kapatid mo.” “She’s one of them. I hate the fact that they broke my brother.” Ethan clenched his jaw. Kumuyom ang kaniyang mga kamao at nagkikisan ang kaniyang mga ngipin. "Sana inalam mo muna iyong side niya bago ka gumawa noon ng desisyon. Anja’s the right girl for you. Ginagawa na rin naman nila ang lahat para sa kapatid mo. Hindi masama ang magpatwad, anak.” Bumuntong-hininga si Ethan. Humawak siya sa balikat ng kaniyang ina. “I can forgive them, but I can’t have the relationship that I already broke.” Tumingin siya sa bintana, sa mga kaklase ng kaniyang nakababatang kapatid. He roamed his eyes even more, until it stopped on Anja. May ngiti ito sa labi, pero ang mga mata nito ay hindi kasingsaya ng kasiyahan na dapat na inilalabas niya. “Did I stole the spark in her eyes, mom?” he asked. “Ano? Hindi ko narinig iyong sinabi mo...” “Wala po, pupunta lang po ako sa kuwarto.” He plastered a smile on his face. If it already ended, there’s no turning back to the past.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD