Chapter 6

1486 Words
“Tara maligo na tayo!” yaya ni Laraine sa kaniyang mga kaklaseng nakatayo sa palibot ng pool. Naka-shirt at shorts sila samantalang ang mga lalaki ay ganoon din ang kasuotan. “Oo nga! Ligong-ligo na ako!” ani JV, nakaupo sa gilid ng pool habang sinisipa-sipa nakagiginaw na tubig ng pool na iyon. “Hindi ba malamig iyong tubig?” tanong ni Anja. Umupo si Hardy sa tabi ni JV. Inilapat niya ang kaniyang paa sa tubig. “Hindi, mas malamig pa sa first love mo,” ani nito. Anja rolled her eyes. Nagkibit-balikat siya at tumalon sa pool. Napayakap siya kaagad sa kaniyang sarili dahil sa nagyeyelong tubig. Hindi raw malamig! “Gago ang lamig nito!” Anja bit her lower lip. She caressed her hair gamit ang kaniyang kamay. “Sabay-sabay tayong tumalon. Hayaan n’yo ‘yang si Anja excited!” sambit ni Bea. Humanay silang magkakaklase sa paligid ng pool, magkakahawak ang mga kamay. Si Anja naman ay dali-daling umahon mula sa pool para humabol sa mga kaklase niyang naghahawak-hawak kamay. “One!” Wilson smiled. Si Laraine naman ay nanginginig ang kamay habang nakakapit kay Bea. “Two!” Nagtulakan sina JV at Hardy pero walang nahulog sa pool. Umayos silang lahat at nagkapit-kapit muli ng mga kamay. “Three!” Sabay-sabay silang nagtalunan sa pool. Ang iba ay napayakap sa kani-kanilang mga sarili. Ang mga babae ay napapahiyaw sa lamig ng tubig. Mabuti na lang talaga na walang kapitbahay sina Wilson kaya walang makakarinig ng ingay na kanilang ginawa. “Hoy ang saya ulitin natin,” sabi ni Patrick habang humahagikhik. “Ayoko na, aba! Napakalamig kaya ng tubig,” ani Reine, at pinunasan ang kaniyang mukha. “Nilalamig na kaagad ako. Tangina, parang yelo amputa.” Napatingin si Vernique sa pagmumura ni JV. Her eyebrows were crossed. Napaiwas ng tingin si JV at napatingin kay Wilson. “Take your shirt off. Ang sabi ni mommy ay tanggalin daw ang suot pantaas kapag nilalamig habang nagsu-swimming.” Umahon si Wilson sa pool. Dahan-dahan niyang hinubad ang kaniyang t-shirt at ipinatong iyon sa isang bench malapit sa pool. Ang mga girls ay napatingin sa kaniyang katawan. Hindi naman siya hot kagaya ng ibang lalaki. It’s a plain body. Flat abdomen, flat na biceps, at balingkinitang katawan. It’s not too much or too little, it is satisfying for the girls to look at. Hindi payat na parang may sakit na o kaya naman ay masyadong maskulado na may ugat-ugat na ang abs. “Just like this.” He showed his half-n***d body to everyone. Umahon din sina JV, Patrick, John Lloyd at Hardy. Naghubd din sila ng t-shirt at inilagay iyon sa pinaglagayan ng basang t-shirt ni Wilson. Sa kanilang apat, si Hardy ang pinakamalaki ang katawan. Si JV at Patrick may may developed na muscles ngunit walang abs. Si John Lloyd naman ay parang tingting sa kapayatan. Nang makalapit sa pool ang lima ay itinulak ni JV si Hardy sa pool. “Ayan para sa’yo!” Tumawa ito pati na rin ang iba nilang kaklase, pagkatapos ay tumalon na rin ito sa nagyeyelong swimming pool. Sumunod sa kanilang pagtalon sina Wilson, John Lloyd, at Patrick. Habang lumalangoy ay napansin ni Reine ang isang kulay itim na balat sa likod ni Wilson. Kahugis ito ng isla ng palawan ngunit maliit lang. It is the scar caused by the accident. The scars the would not heal anymore. Kahit na ano pa ang gawin ni Wilson sa mga balat na ‘yon ay hindi na ito maghihilom. Parang pag-ibig lang na magtatagal habambuhay. “Ano’ng tinitingnan mo, Reine?” Umiwas ng tingin si Reine sa tanong ni Wilson. “Tama naman ‘di ba? Reine ang pangalan mo.” Tumingin si Reine dito at napalunok ng hangin. “Bangag lang,” aniya at tumawa. “Huwag mong pansinin iyon.” Kung tutuusin ay suwerte si Reine kumpara kay Wilson dahil wala siyang natamong sugat nang kagaya nang kay Wilson. Hindi rin siya nawalan ng ama. Hindi rin siya nagkaroon ng mga balat na magtatagal hanggang siya ay mamatay. Mahigit isang oras silang nagpalipas sa pool. Nang lamigin at mapagod na kalalangoy ay umahon silang lahat at nagpalit ng damit sa banyo nina Wilson. Hindi mawala ang ngiti sa kanilang mga labi habang naliligo. Naunang magpunta si Wilson sa kuwarto niya. Inayos niya ang setup ng TV para makapamili sila ng movies sa Netflix. Sunod-sunod na ring dumating ang mga kaklase ni Wilson hanggang sa makumpleto ang mga ito. “Kukuha lang ako ng chichirya at inumin. Pumili na kayo ng movie na panonoorin natin.” Nang makalabas ng kuwarto si Wilson ay nag-unahan silang lahat sa pagkuha ng remote ng telebisyon. Ang nagwagi at nakakuha ng remote ay si Reine. “Dali Disney Movie tayo! Iyong mga barbie o kaya Cinderella!” suhesyon ni Anja. “Anja, para kang tanga. Tanda-tanda mo na tapos Disney movies ang panonoorin,” sambit ni Bea sa kaibigan. “Oo nga,” ani Laraine, nakakunot ang noo. “Horror na lang panoorin natin. Boring masyado ang mga animated,” singit ni Vernique sa kanilang usapan. “Hoy huwag magugulatin ako!” parang batang sabi ni Vannah. “Ang g**o n’yo naman!” Hinablot ni JV ang remote kay Reine. Inilipat-lipat niya ito hanggang sa makakita siya ng interesting para sa kaniya. Napakagat labi ang iba niyang kasama dahil sa napili nito. “Huwag ‘yan, hoy!” “Parang tanga naman, eh!” “Ah, ah yari tayo kay Wilson!” Ibinalik ni JV ang remote kay Reine. “Parang Fifty Shades lang naman iyon. Hindi naman iyon p**n, ah” “Kahit na, nandito tayo sa bahay nina Wilson, eh,” ani Reine. “Reine, horror para masaya,” suhestyon ni Vernique. Mamimili na sana si Reine ng horror movies nang pumasok si Wilson na may dala-dalang dalawang pizza box sa kaliwang kamay at tatlong malaking chichirya at isang malaking bottled juice na may kasamang plastic cups naman sa kanan. “May napili na kayo? I got some pizzas, drinks and chips,” malamig na tugon ni Wilson. “Marami ka palang dala. Sana natulungan ka nina JL kung sinabi mo sa amin,” Vannah replied. “Kaya naman, hindi na kailangan ng katulong pa.” Inilagay ni Wilson ang mga pagkain sa kanilang gitna. “Let’s pick a movie.” “Oh, sino na ang pipili?” tanong ni Patrick na inaayos ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri. “Si Wilson na lang para walang g**o,” sagot ni John Lloyd. “Oo nga si Wilson na lang,” dugtong ni Bea. Ibinigay nila kay Wilson ang remote. Ilang minuto ito pabalik-balik para maghanap ng movie na gusto niya. Nang makapili ito ay napakagat labi ang kaniyang mga kaklase. Gustuhin man nilang tumutol pero ito na iyong napili ni Wilson. Romance. Ang pinaka-cheesy’ng genre. “Hoy akin na ‘yang honey butter.” Hinila ni Hardy kay Patrick ang chichirya at nagsimula na ang movie. Ang palabas ay tungkol sa isang biker na nakakilala ng isang stranger sa isang madilim na kalsada habang nagba-bike dahil nasira ang sa kaniya. Iyong group of friends noong stranger ay napadaan sa lugar na iyon kaya siya natulungan. They started to exchange conversations with each other. Then, a romantic feeling bloomed to the two of them, but they don’t have a label. They are sweet, they kiss in streets, they date wherever they want to, and they bike along the infinite roads of their place. Ano nga ba silang dalawa? Landian pero walang pagmamahalan? The girl found out that the guy has a different fling on his place (Long distance relationship kasi sila). They had fight and fight until they met again in the road where there paths collided. The girl ended everything between the two of them while cycling back to her hometown. When she’s going to look back, the lights in that road turned off, and the place becomes dark. They met each other, but they were not destined to be with each other forever. "I don't like romance but that was tragic." Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa kwarto nang banggitin iyon si John Lloyd. "What film is that? Sobrang worth it manalo ng maraming awards,” sabi naman ni Vernique. "Akala ko happy ending love story na naman, eh,” ani JV. "Not all love stories are boring and Not all stories end in a Happy one. It's for the author to end the story. He can kill anyone in the story or make all of the characters fell inlove in the main character." Wilson’s words are powerful enough to turn anyone in the room silent. Tama ang sinabi niya hindi naman lahat ng kuwento ng pagmamahalan ay boring, kailangan lang talaga ng spice ng scenes. "Inaantok na ako. Let's sleep,” yaya ni Vannah. "No! Gusto ko pang manood ng movies,” pagtutol naman ni Laraine. "We're all tired Laraine. We should all take a rest now. Pwede naman kayong mag-stay dito anytime you want." After Wilson told that, they shut down all of the lights in the room and they sleep calmly. On the rightest side, Vernique is still thinking. Is their is story one of those happy endings or is it a tragic one?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD