Chapter 7
Nang dahil sa tawag ng kalikasan, nagising si Vernique mula sa pagkakatulog. Napakamot siya sa kaniyang ulo at dumungaw sa bintana nina Wilson. Wala pang araw pero unti-unti nang lumiliwanag ang kapaligiran.
Lumabas siya ng kuwarto at isinara iyon upang hindi pumasok ang init sa loob. Habang pababa ng hagdanan ay humalimuyak sa kaniyang ilong ang nakapanlalaway na simoy ng nlulutong pagkain.
Amoy pa lang ay busog na siya. Isang larawan ang namuo sa kaniyang isipan nang mapagtantong hindi pa pala sila nakapag-aayos ng kalat kinagabihan. Nang siya kasi ay magising ay malinis na ang kuwarto. Sino kaya ang naglinis no’n?
“Vernique, maaga ka yatang nagising?” tanong ni Wilma. Nakasuot ito ng apron sa pagluluto, may hawak na pamprito sa kanang kamay. Tunog ng tumatalansik na langis ang tuluyang gumising sa diwa ni Vernique. Unti-unting namuo ang ngiti sa mga labi ni Vernique.
“Naiihi lang po,” sagot niya. “Mukhang maaga po kayo magluto, tita?”
Wilma chuckled. “Gano’n talaga ang mga ina. Ewan ko ba kung bakit ang aga ko magising para magluto.” Tiningnan siya ni Wilma mula ulo hanggang paa at sumulyap sa ikalawang palapag. “May cr naman sa itaas. Nag-abala ka pa sa pagbaba.”
“Ah, nakalimutan ko po kasi.” Ngumiti si Vernique. Inilibot niya ang tingin. “Dito po ba ang cr?” Tumango si Wilma sa kaniya. “Thank you po, tita.”
Inilibot niya ang tingin nang makapaso ksa loob ng cr. Iihi lang naman siya pero iba ang nararamdaman niya. Para bang may panlalamig na pagtataka. Huminga siya nang malalim at kumalma.
Matapos umihi ay naghilamos siya ng mukha gamit ang sabon doon. Nginitian niya lang si Wilma nang madaanan ito. Tulog pa ang mga kaklase niya nang makarating sa kuwarto, ang iba pa nga ay naghihilik siya.
Something came into her mind. May rason nga pala kung bakit siya nandidito at muntikan na niyang makalimutan iyon. She roamed her eyes around Wilson’s room. Tumama ang kaniyang mata sa dalawang bookshelves na magkatabi. Para bang may kung anong mahika ang dumapo sa kaniyang paa at kusa iyong lumapit doon.
“Ang dami naman nitong libro,” bulong niya sa kaniyang sarili.
Mula kaliwa papuntang kanan ang galaw ng kaniyang mga mata. May iba’t ibang uri ng libro si Wilson sa bookshelf na iyon. Mula sa mga sikat na libro tulad ng Harry Potter at Ice and Fire series ay mayroon din iyong mga textbook at ibang reference materials sa pag-aaral.
Hindi na kataka-taka kung bakit magaling sa wikang ingles si Wilson. Kung may libro man siya mula sa halos dalawang daang libro roon na Filipino ay iisa o dadalawa lamang iyon.
Dumampi sa palad ni Vernique ang mga makikinis na spines ng libro. Ang iba ay textured din na nagbibigay sa kaniya ng magaspang na pakiramdam. Minsan na niyang hiniling na magkaroon ng ganitong karaming libro.
Nang matapos sa mga libro sa itaas ay lumuhod siya para tingnan ang mga textbooks at notebooks na nasa ibaba. Isang kulay puting notebook na may logo ng ballpen ang nandoon. May tupi ito sa sulok at may kaunting pilas sa ibaba.
Vernique brushed her hand to the book. It’s a ceramic tile, brushed thoroughly with brushes and mop.
Binuklat niya ang cover ng notebook. Nanginginig pa ang kaniyang hinliliit nang gawin iyon. She gasped when she finally opened the notebook.
“Here lies the secrets and truths of Wilson Velasquez. If you’re not him, and he’s still alive, you better not invade his notebook.” Naisara niya ang notebook sa nabasa. It is Wilson’s privacy and memory. Hindi niya nararapat na galawin iyon, pero iyon talaga ang pakay niya sa pagpunta sa bahay nina Wilson.
She needs to know something. Her curiosity is oozing up. It is commanding her to read what’s inside that journal. Binuklat niyang muli iyon at inilipat sa ikalawang pahina.
First Day of school
It’s hell time again, but I’m kind of excited doing school works and projects. I’m gonna see my classmates again since 7th grade. Everything was clear as water, introduction, grade computation, etc. I don’t have any words to describe for today except for having a really hot day. It’s hotter than summer actually. There’s nothing special on the day, but before I left school, someone gave be a gift. A classmate of mine.
When we’re in 8th grade, she confessed her feelings on me, but we’re better be friends. She’s kind, bubbly, talkative (sometimes), and I kinda like her personality. She is an open person. She talks a lot about herself.
When I got home, I opened the gift that I received from Juliana. It has a letter, telling that we’re better to be friends, that it’s fine that we two remained friends. My eyes are kinda exhausted. I’m going to sleep since it’s already midnight.
Isinara ni Vernique ang journal matapos basahin ang unang entry roon. Juliana, one of their classmate gave Wilson a gift, but why? Nang tumayo siya ay may nahulog na pilas na papel mula roon.
THEY ARE KILLING ME SLOWLY
Nanlaki ang kaniyang mga mata, pinulot ang papel kahit na nanginginig-ngini ang kaniyang braso. Isinilid niya muli iyon sa journal. Luminga-linga siya sa paligid, tulog pa ang lahat. Pumunta siya sa kaniyang hinihigaan kanina, isinilid niya sa bag ang journal. Ipinikit niya ang mga mata at bumalik sa kaniyang pagkakatulog.
“Drawing-an n’yo ng hotdog sa noo!”
“Ambastos naman no’n, JV, aba!” ani Reine.
Nagising si Vernique sa parang basang pakiramdam sa kaniyang noo. Nang imulat niya ang kaniyang mata ay mukha ni Reine ang bumungad sa kaniya. May hawak itong pentelpen na malapit na malapit na sa kaniyang noo.
“Ayan nagising na!” Nagtawanan ang mga kaklase niya. Napabalikwas siya ng bangon, napasandal sa pader. Pinagti-trip-an na naman siya ng kaniyang mga kaklase.
“Ang lalakas ng trip n’yo,” namamaos niyang sabi. Ganoon talaga ang boses niya kapag bagong gising.
“Ang tagal mo kasing magising. Gutom na gutom na kami, aba!” sabi naman ni Vannah. Sumangayon ang iba nilang kasama sa pamamagitan ng pagsasabi ng ‘oo nga’.
“Para kang mantika kung matulog aba. Kung ‘di pa sumigaw itong si Reine malamang tulog ka pa rin at may hotdog ka na sa noo,” natatawang sambit ni JV.
Binunot niya ang cellphone sa bulsa. Binuksan ang camera at ch-in-eck kung may drawing siya sa kaniyang noo. Napangiti siya nang isang tuldok lang ng pentelpen ang nandoon.
“Ang lalakas talaga ng trip n’yo!” Bumangon siya mula pagkakahiga. “Tara na, kumain na tayo.”
“Makapagyaya akala nasa bahay n’ya, ah,” asar ni Bea rito. She rolled eyes at lumabas na lang ng kuwarto. Pagbaba niya ay naabutan niyang nakahain na ang mga pagkain sa lamesa. Nakaupo si Wilson doon at si Mary Joy naman ay nakasandal sa upuang inuupuan ni Wilson.
Maraming nakalatag na pagkain doon. May bacon, egg, ham, tocino, longganisa, hotdog, at itlog. Para na naman silang nasa piyestahan sa dami ng kakainin nila.
“Nandito na pala ang mga kaklase mo, Wilson,” ani Mary Joy. Tinapik-tapik nito ang balikat ni Wilson at umalis sa kusina.
“Kain na tayo,” yaya ni Wilson sa mga kaklase.
“Nasaan nga pala si Hardy?” tanong ni Vernique nang mapagtantong wala si Hardy.
“Kasama raw ni Tita Wilma. Mamaya na raw iyon kakain,” sabi ni John Lloyd.
“Ah, bakit kaya.” Vernique sat on the monoblock chair. Bakit nga ba wala si Hardy?
Huminga nang malalim si Hardy nang pumasok siya sa supermarket. Sumalubong sa kaniya ang nakapanlalamig na hangin na nagmumula sa aircon nito. Napayakap siya sa kaniyang sarili, pero napabitaw rin nang makadali siya ng ibang tao.
Bakit ba siya nandito? Tinanong lang siya ng mommy ni Wilson kung puwedeng humingi ng tulong sa kaniya para kay Wilson, pero bakit sa lahat ng mga kaklase niya ay siya. Hindi siya malapit kay Wilson noong may alaala pa ito. Hindi rin sila magkaaway para iwasan ito.
May mga mas karapat-dapat na tao ang nasa posisyon niya ngayon, mga taong mas malalapit at mas nakakikilala kay Wilson. Baka naman wala talagang ibig sabihin ang pagsama niya rito, tutulungan niya lang mamili ang ina ni Wilson. Kahit na gano’n ay hindi pa rin nawawala sa isip niya ang mga posibilidad kung bakit siya ang isinama.
Kanina ay nag-agahan sila sa isang fastfood restaurant, pu-puwede namang sa bahay na lang kanina. Pagkatapos ay nandito sila ngayon sa supermarket, may hawak na basket, lumilinga-linga sa paligid.
“Tita, can you tell me the truth? Why are we here?” Sa wakas, naitanong na niya ang kanina pa bumabagabag sa kaniyang isipan.
“Hardy...” Wilma gasped. Tumingin ito sa iba’t ibang sulok ng supermarket, humahanap ng tiyempo sa sasabihin nito. “After Wilson had recovered from his accident along with his father’s death, you mom and I already talked about this thing. Ang sabi ko ay ako ang magsasabi sa’yo kaya kita dinala rito.”
Ano nga ba ang bagay na ‘yon? Ano nga ba ang dapat na niyang nalaman noon pa man? Ano ba dapat ang sasabihin ng ina niya na hindi nito nasabi?
“What is that thing, tita?” he coldly asked.
“I need your help. I want you to help my son to recover his memories. He needs that. He needs to back on his normal self.”
Kumunot ang noo ni Hardy. “Ginagawa na po namin iyon. Tinutulungan po namin siyang makaalala. The whole class is doing the best in order to bring back his memories.” Hardy smiled, telling Wilma that everything is fine.
“It’s not fine. Minsan n’yo lang siya nakakasama. I want you...” Wilma gasped. “To stay with us.”
Bumilis ang t***k ng puso ni Wilson. He’s going to stay with Wilson and his family in order to bring his memories back. He can do it, but it shocked him.
“Why me? I’m not even your son’s friend,” he said. “I don’t wanna be rude, but I’m not even his friend. Kung may...”
“Hindi ka niya kaibigan, pero ikaw iyong pinagkakatiwalaan ko sa inyong magkakaklase. We all know the past. Kahit na alam na nila iyong mali nila ay hindi pa rin iyon sapat para ilapit ko sila sa anak ko. If it’s still unconvincing for you, let me beg and make you feel what a mother feel just for the sake of her son.”
Akmang yuyuko na si Wilma nang hawakan ni Hardy ang braso nito. “No need, I’m in for Wilson and for his memories.” He assured Wilma with a smile. “But, can I go home whenever I want to?” Tumango naman si Wilma. That is the only condition he needed to assure for him to accept the offer.
“Don’t worry, you are free to do everything. You also have weekly allowances. You could also wish anything that you need. Thank you for the help.” They exchanged smiles with each other. It is a deal then.
Hindi ka-close ni Hardy si Wilson. Kung may kaibigan o ka-close siya sa buong pamilya ng mga Velasquez ay si Ethan iyon, ang nakatatandang kapatid ni Wilson dahil ex-boyfriend ito ng kaibigan niya na si Anja. John Lloyd was the one who can fill the task, but since he already agreed, there’s no turning back.
“Since we’re here already, you can fetch everything that you need, and I’m going to pay for all of that.”
Hardy can do the task of bringing Wilson’s memory back, but how?