Chapter 8

1784 Words
Chapter 8 “I will miss this house.” Tiningnan ni Vernique ang bahay nina Wilson mula bubong hanggang sa pintuan nito. They will leave the house, but their memories on that place will remain. Vernique gripped on her backpack. “Iyong house lang ba talaga.” Anja furrowed her brows, she smirked, Vernique got intimitated. “Tse! Ikaw rin naman, Lorraine Anja!” They both rolled their eyes. “Tumigil na nga kayo! Uwing-uwi na kayo,” JV told them. Wilson shrugged, he didn’t know what others are talking about. Even though their time is limited, it’s still memorable. Having a cold swim in the night, binging movie while eating chips and pizzas, it is unforgettable. “Aalis na kayo.” They all turned to the source of the cold, stale voice. Magulo ang buhok ni Ethan, medyo gusto ang t-shirt, pipikit-pikit pa ang mata, kababangon lang mula sa higaan. Anja’s heart started to beat tenderly, it’s not stopping even though she tried to calm. Her eyes matched Ethan’s. She took a step backward. Hindi pu-puwede. “Yep, kuya,” tugon ni Wilson sa kapatid. Napakamot sa ulo si Ethan. “Ah, sige. Bye, take care of yourselves.” Tumalikod ito at hindi na lumingon pang muli. Napalunok si Anja ng hangin. “Parang tanga, eh,” bulong ni Anja. “Nagpapakatanga sa’yo.” Sumimangot si Anja, tiningnan niya ng masama si Laraine. Naglakad siya palabas ng gate nina Wilson. Sa bawat hakbang ay alaala ng nakaraan ang namumuo sa kaniyang isipan. Mga tawanan, kasiyahan, kagalakan, hindi siya puwedeng maluha. Hinding-hindi. Humawak si Laraine sa balikat ni Anja. “Mas tanga ako.” Laraine chuckled, napatakip ito ng bibig. “Makaka-move on ka rin, Anja.” Her friend tapped her back. Bea bolted toward them, sumingit ito sa pagitan nilang dalawa. “Hoy, hoy, hoy, ano ‘yan?” Umiling si Anja. “Nothing.” “You look pale. Ano’ng nothing?” “Ethan,” Laraine said. Napatikhom ng labi si Bea, pinipigilan ang tawang lumabas ng kaniyang bibig. “Kaya shut up muna. Sa gc tayo mag-usap mamaya.” Anja covered her ears, pretending that she didn’t hear anything from her friends. Bakit ba siya naapektuhan sa nakaraan na hindi na dapat pa binabalik-balikan? Wala silang naabutan na tricycle sa paradahan nang makalabas mula sa looban. Naghintay sila ng ilang minuto bago makasakay ng tricycle palabas ng subdivision. Highway ang labas ng subdivision nina Wilson at doon may dumadaan na jeep. Lahat naman sila ay papuntang kaliwa kaya iisa lang ang sasakyan nila. “Bye Wilson! Next time ulit!” Ang lahat ay kumaway at ngumiti kay Wilson. “Ingat kayo.” Unti-unting naglaho sa mga paningin ni Wilson ang mga kaklase niya, kasabay nang pagbaligtad ng ngiti sa kaniyang mga labi. Wilson rushed toward his room. He’s only with his brother and Mary Joy. Binuksan niya ang TV, inilagay iyon sa isang tinatapos niyang TV series. Habang nakabukas iyon ay bumababa siya para kumuha ng pagkain sa ref. “Chocolate?” Ethan asked. Wilson shrugged his shoulders. “Yup.” He smiled awkwardly. “Huwag masyadong marami. May history tayo ng Diabetes, sa side ni mommy.” “I won’t,” aniya. “Babalik na ako sa kuwarto. Ngumiti sa kaniya si Ethan. Nakaramdam siya ng kaginahawahan mula roon. Bumalik siya sa kuwarto niya habang tinititigan ang chocolate bar na kinuha niya mula sa ref. May nabasa siya noon, ang tsokolate ay nakatutulong sa pag-alala o pagbabalik ng memorya. Isa iyong study hack, pero hindi naman masama kung susubukan niya iyon sa kaniyang sakit. Hindi siya nakinig sa pinapanood. Nag-browse lang siya sa google tungkol sa sakit niya. Retrograde Amnesia -When you have this kind of amnesia, you probably lose all of your existing memories including the best and the worst ones. The memories can be regain, but there’s no exactly procedure to bring it back. Nagdadasal siya tuwing gabi, hinihiling na sana ay mawala na ang kaniyang sakit, sakit na wala siyang maalala bukod sa panibago niyang buhay. Hindi masakit and sakit na ganito, pero mapait sa pakiramdam na wala kang maalala. Iyong ikaw lang ang hindi maka-gets sa topic ng mga kasama mo sa bahay o sa paaralan. Magulo at nakalilito, pero iyon ang buhay at wala siyang magagawa. Nadako ang tingin niya sa ilalim ng tv sa pader ng kaniyang k uwarto. May maliit na kahoy na lamesa roon, nakapatong ang apat na picture frame na may iba’t ibang larawan. Ang unang picture frame ay may isang litrato, litrato ng kaniyang pamilya. Bata pa siya sa litrato, gano’n din ang nakatatanda niyang kapatid na si Ethan. Karamihan ng features niya ay nasa daddy niya kahit na may kaunti siyang pagkakahawig sa kaniyang ina. Napakagat siya ng labi nang mapagtantong ang mga alaala niya sa kaniyang ama ay wala na, mahirap nang maibalik. Hindi man lang niya nakita nang iburol ito o kaya ay noong inilibing. Noong nakaraang taon kinuhanan ang litratong iyon, nakangiti silang lahat sa sobrang tuwa. Siguro ay masaya ang pamilya niya at marami pa siyang alaalang maalala sa oras na bumalik ang mga ito. Sa ikalawang litrato ay naroroon naman ang litrato nila ng kaniyang nakatatandang kapatid. They are wearing the same shirts. May tatak pa na ‘best bro’. Naka-akbay sila sa isa’t isa at nakangiti. They are really the best brothers. Gusto niya tuloy makasama ang kapatid niya sa mga susunod na araw. He was holding handful of medals on the third picture. May matatalbog pa siyang mga pisngi, maliit pa siya roon, elementary pa lamang. Sa kanilang bahay nila kinuhanan ang litratong iyon. Kahit papaano pala ay hindi siya nangungulelat kung talino ang pag-uusapan. Mayroon din pala siya no’n. Sa ikaapat na frame, may tatlong naka-grid na pictures. Sa una, nakahawak siya ng mic, aliw na aliw sa pagkanta. It’s one of his hobby, singing. Hindi man siya katulad ng mga totoong mang-aawit sa kanilang paaralan o lugar ay marunong pa rin naman siyang kumanta. May malagom siyang boses na bagay na bagay sa mga panlalaking kanta. On the second grid, he’s holding five thick books na kinuhanan sa kaniyang bookshelf. It is the time where he celebrated having a hundred books. Books were his best friends, sa tuwing bored ay ito ang kaharap niya. Sa biyahe, ito pa rin ang kaharap niya. On the last grid, he’s holding a chessboard and a trophy. Mula iyon sa pagkapanalo niya sa Division Chess Contest. May korona rin na nakasuot sa kaniya at sash na nakalagay na Mr. Intrams. He’s a model and a chessplayer at the same time. The last frame has a broken part. Basa ang litrato sa loob nito kaya blurd ang mukha niya roon. May pilas ang kabilang bahagi nito na naging kadahilanan kung bakit hindi niya makita kung sino ang kaakbay niya roon. Sino iyon at bakit iyon punit? Nang may kumatok sa pinto niya ay naipatong niya iyon. He bolted toward the door. Nang buksan iyon ay si Mary Joy lang pala na may hawak-hawak na maliit na dustpan at walis tambo. “Wilson, nandiyan na ang mommy mo kasama ‘yung isa mong kaklase. Lumabas ka muna dahil lilinisin ko ang kuwarto mo,” sabi ni Mary Joy. Tumango siya at ngumiti sa kasambahay. Pagkababa ng hagdanan ay naabutan niya ang kaniyang ina na nakaupo sa may sala. Inaalis ng kaniyang ina isa-isa ang mga gamit na ipinamili sa kahon. Gano’n din si Hardy sa isa pang kahon. “Mom, saan kayo galing?” he asked. Tumigil ang ina sa ginagawa. Tumayo ito at hinila si Wilson papunta sa may upuan. “Supermarket lang, Wilson. There’s something you should know.” Strawberry and tomatoes were the color of his cheeks. His heart beats harder, being struck by a wrecking ball. “Hardy, your classmate will stay here for now. He’s going to help you on your Retrograde Amnesia. I decided to pull off one of your classmates to be with you in your everyday life. Nang sa gayon ay mas bibilis ang pagbalik ng mga alaala mo.” Lumunok siya ng hangin. His classmate is going to stay in their home, pero hindi pa siya marunong makipag-socialize. “Ang kuya mo ba, gising na?” Luminga-linga sa ikalawang palapag si Wilma. There were no traces of Ethan Velasquez. “Kanina pa po siya gising bago umalis ang mga kaklase ko,” he said. “He’s in her room, using his phone.” He made up that answer. It has a chance that it is true, but it was only his way to reply even though he didn’t know anything. “Okay,” she said, then she glanced at Hardy. “Umuwi ka muna sa inyo. Spend time with your parents. Balik ka na lang dito mamaya. Please tell your mom that I am very thankful of her.” She averted her look on Hardy, nalipat ang tingin niya kay Wilson. “Join him, hintayin mo siyang makasakay ng tricycle palabas ng subdi.” Wilson nodded. “Sure, mom.” Lumabas silang dalawa ng bahay. There is a distance between the two of them, no one bothered to talk or glance on another. It is ghost-quiet between the two of them. “Close ba tayo?” he sincerely asked. Hardy looked at him. “I’m sorry if I offended you. I want to know if we’re close or we were friends before the accident.” Hardy smirked. “Apat na taon na tayong magkaklase. We’re close actually, but we’re not friends. We treat everyone in our class as our second family. There would be a flood caused by our tears when it is already time to leave each other. High school is the most memorable part of your life, but leaving it is the most difficult and most painful to do so. I can’t imagine myself throwing a party after graduation.” “Can you tell me more about me? I want to know myself even though it is only a brief one.” Tumingin si Hardy sa kalangitan pagkatapos ay sa kaniya. “Sikat ka sa school, hindi maitatanggi iyon. You’re good-looking that’s why. Palagi kang nasa photoshoots, ikaw rin ang standee na makikita sa ibang parte ng school. Dahil do’n ay hindi ka palaging nakaka-attend ng klase, but you have good grades, better than mine. You’re a silent type of person, but you talk when you are with your friends.” “Thank you. I am really grateful for that.” Ipinatong ni Hardy ang braso niya sa balikat ni Wilson. “You’re always welcome, Wilson. Maaalala mo rin iyan.” When they stopped talking, they’re already on the place of interest. Nasa may paradahan na pala sila ng tricycle. Kumaway si Hardy sa kaniya nang makasakay ng tricycle. Wilson was left alone. He had been dreaming of being his old self. He will try to be back on his usual self tomorrow. Sapat na ang mga sinabing iyon ni Hardy para subukan niyang maging kagaya siya noong dati. He will create memories that will last forever.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD