Chapter 9

1168 Words
Chapter 9 "How to post here?" tanong ni Wilson sa katabing si Hardy. Kasalukuyan silang nakaupo sa hapagkainan habang kumakain ng hapunan. Napapasulyap sa kanila sina Wilma, Ethan, at Mary Joy. "Just tap the blue circle with quill. Tapos magsulat ka na ng thoughts mo. It’s twitter, a microblogging platform." Hardy taught him the basics of the app. Wilson is eager to know how to use social media and other apps. "You can continue that later. Nasa harap kayo ng hapagkainan..." Tumigil ang dalawa nang magsalita si Wilma. Itinago ni Wilson ang cellphone niya sa kaniyang bulsa, ang kay Hardy naman ay itinago niya sa kaniyang bulsa. ... Matapos kumain ng hapunan, nagtungo si Vernique sa kaniyang kuwarto. Hinalughog niya ang kaniyang bag, tinanggal ang bawal gamit na nakalagay sa loob no’n. Inihiwalay niya ang maruming damit sa malilinis. Nang matanggal niya ang mga gamit doon ay napangiti siya nang makita ang notebook na itinago niya. Nadagdagan ang lupot niyo sa tabi. It’s Wilson’s journal. Napahawak sa kaniyang dibdib si Vernique, dinama niya muna ang dumadagundong na t***k ng puso niya. Ang kaniyang kamay ay dumulas sa cover page ng notebook na iyon. It is Wilson’s privacy, pero kailangan niya pa rin na malaman kung ano ang laman no’n. Para bang sinayang niya lang ang pagkakataon na kuhanin iyon kung hindi niya bubuksan. Hindi niya kaya iyon buksan mag-isa. Hindi niya kayang basahin ang lahat ng iyon. Kailangan niya ng tulong ng mga kaklase niya. She’s too fragile to discover the informations of the past. The past and the memory that doomed her. ... Kulilig ng mga insekto na lamang ang naririnig ni Yvon bukod sa tunog ng telebisyon na kaniyang pinapanood. Tulog na ang nakababata niyang kapatid kaya minabuti niyang manood ng telebisyon upang hintayin ang kaniyang ama. Ang ina naman niya ay nasa ibang bansa upang mag-trabaho. Nang dahil sa mataas na posisyon ng daddy niya ay gabi na ito kung umuwi. Sikat din kasi ang daddy niya na si Chief Crisostomo. Habang nanonood ng TV ay tumunog ang cellphone niya. It’s a call from her dad. Napabalikwas siya ng bangon mula sa pagkakahiga sa sofa para kuhanin ang cellphone niya. It’s her dad. “Yvon, gabing-gabi na ako makakauwi. Puwede ka nang matulog. May susi naman ako ng bahay.” Napatango si Yvon kahit na nasa cellphone niya lang ang kausap. “Sige po, ‘ddy. Tulog na po ‘ko.” “Kaklase mo ba iyong Velasquez?” “S-Sino pong Velasquez?” “Iyong naaksidente noong nakaraang buwan.” “Ah, si Wilson po. Kababalik niya lang po ulit sa school nito lang. Bakit po, ‘ddy?” Napahawak sa kaniyang kamay si Yvon. Napakagat labi siya, nag-aabang ng isasagot ng kaniyang daddy. “Iyong aksidente kasi na ipinaimbestigahan pa noong kumpanya ni Mr. Velasquez. May kakaiba sa kotse, may inibang mga parts. Naging dahilan iyon ng aksidente. Sasabihin ko rin ito kay Mrs. Velasquez. Sige, matulog ka na.” Pinatay ng daddy niya ang tawag. Naiwanang tulala si Yvon. May nag-planong pumatay kay Wilson? ... Maagang pumasok si Yvon sa paaralan. Kakaunti pa lang sila roon, tanging sina John Lloyd, Reine, at Laraine ang nandoon. Nakabilog ang mga ito at may pinag-uusapan. “Come here, Yvon!” tawag ni John Lloyd. Inilagay ni Yvon ang kaniyang bag sa upuan niya at lumapit kina John Lloyd. “Totoo ba iyong chinat mo sa gc kagabi? Sa gc na wala si Wilson?” nakakunot noong tanong ni Reine sa kaniya. Tumango ito nang mabilis. “Oo, si daddy ang may sabi no’n na posibleng may gustong pumatay kay Wilson dahil sa kakaibang ayos ng mga parts ng kotse ni Mr. Velasquez.” “So, hindi ‘yon aksidente. May nagplano?” ani Laraine. “Sino naman may kagagawan no’n? He or she must have a great angst to Wilson. Sa tingin n’yo sino?” tanong ni Reine sa mga kasama. “Aba, hindi ako! Wala akong dahilan para patayin na si Wilson,” pagtatanggol ni Yvon sa sarili. “Lalo na ako. Pakialam ko sa mga issue na ‘yan,” singit ni Reine. “Tanungin n’yo pa si Anja. Kailanman hindi namin naging topic si Wilson,” sabi naman ni Laraine. Ang lahat ng mga mata ay nalipat kay John Lloyd. “Hindi ako,” tanggol nito sa sarili. “Pero ikaw...” Pinigilan niya si Reine na magsalita. “Oo, pero hindi ako para pumatay ng tao. Ano naman alam ko sa pagpatay. Alam kong wala sa ating apat ang may kagagawan ng bagay na ‘yon. I trust the three of you. Wala tayong dahilan para pumatay. We also don’t have the capability to kill a person.” Nakalma sila sa sinabi ni John Lloyd. Kung wala sa kanila ay sino ang may kagagawan no’n? “Wilson is very famous in our school. Maraming estudyante sa school ang maaring gumawa no’n. Maraming babae ang nagkakandarapa kay Wilson, pero sigurado naman akong hindi sila para pumatay. Iyong daddy naman niya ay maraming katunggali sa business tycoons. There are a lot of suspects, but I think that the culprit is inside this room. Mukhang kilala niya si Wilson kaya niya nagawa iyon. Pu-puwede ring nagbayad siya para gawin ang bagay na iyon,” sabi ni John Lloyd sa mga kasama. “May mga suspects tayo. Lahat ng nasa loob ng room na ‘to ay suspect, pero kailangan nating malaman kung sino sa kanila iyong may dahilan at wala sa pagtatangkang pagpatay kay Wilson,” dugtong ni Yvon sa sinabi ni John Lloyd. “I’ve been thinking that Juliana could have been the one who did it!” “Ano naman ang proof mo, John Lloyd? Hindi tayo dapat basta-basta mangialam dito dahil alam na ng taong iyon na may alam ng bagay na tinangka niyang gawin!” ani Laraine. “Siya agad ang una kong naisip. There is a high possibility that this woman did it. She’s crazy for love! Grade seven pa lang ay gusto na niya si Wilson. Palagi niya itong sinusundan hanggang sa i-reject siya ni Wilson. What if there is a high possibility that she...” “Ano’ng pinag-uusapan n’yo? Pasali naman sa chika.” Lahat ay napatingin sa pintuan, kay Juliana. Juliana Umali, a great fan of Wilson Velasquez. Kaklase nilang lahat simula noong grade seven. May gusto kay Wilson hanggang sa pagsisimula ng klase nitong grade ten. Simula no’n ay naging tahimik na ang dating Juliana na sanay na sanay mag-ingay at magbigay motibo sa gusto niya. Siya nga ba ang may kagagawan no’n? Madalas na nakatungo at natutulog sa kaniyang upuan na nasa dulo ng klase. Minsan naman ay kinakausap ang seatmate niya na si Lien o kaya naman ay nakaupo sa sahig at nagbabasa. Kahit na marami siyang kaibigan, namamataan pa rin siyang mag-isa, minsan pa nga ay nagsusuklay ng buhok o naglalagay ng liptint. May posibilidad ba na siya talaga ang gumawa ng bagay na iyon? Kaya niya bang pumatay ng tao dahil lang sa pag-ibig na hindi pinagbigyan? “Wala naman. Tungkol lang sa chinat ko kagabi.” “Ah, iyong may kagagawan ng aksidente. Sino nga kaya iyon?” Napaiwas ng tingin sina Yvon mula kay Juliana. There’s a high chance that she is the one who did it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD