Chapter 10
Break time. Lalabas sana si Yvon ng room nang mapansin niyang siya at si Juliana na lang ang tao sa loob ng kanilang room. Nakatutok ito sa cellphone n’ya. Nag-i-scroll nito, tila nasa f*******:. Pagkatapos ay ipinatong niya ang cellphone n’ya sa ibabaw ng desk. May kinuha itong kung ano sa bag, polbo at makeup. Kahit kumakalam na ang sikmura ni Yvon at nagpaiwan pa rin siya para obserbahan si Juliana. Ito ang una nilang pinaghihinalaan na gumawa ng kung ano kay Wilson.
“Yvon, ‘di ka pa kakain? Mga wala sila sa room.” Napaiwas ng tingin si Yvon kay Juliana nang tanungin siya nito.
“Iniintay ko pa kasi sina Gwen,” aniya.
“Kasama niya sina Jerica, ah. Bibili raw sa bakery.” Nagkunwari siya na nanlaki ang mga mata at nalungkot. Kanina niya pa alam iyon, pero kailangan niyang magpanggap para maniwala sa kaniya si Juliana.
“Anubayan iniwan na pala ako nina Gwen! Makalabas na nga.” Halos padabog niyang lumabas ng room. Bago tuluyang makalabas, pinagmasdan at tiningnan niya muna ang ginagawa ni Juliana. Nagpatuloy ito sa pagpapaganda ng sarili.
Habang inoobserbahan ni Yvon si Juliana ay onakatipon naman sina Verniqye, Hardy, Anja, at John Lloyd sa Main Canteen. Nakaupo sila paikot sa isang table roon. Nasa gitna ng lamesa nila ang isang makapal na notebook. Lupot na rin iyon na tila ba ay naipit o naupuan.
“So, kinuha mo ‘yan kina Wilson?” John Lloyd asked, furrowing his brows.
“Uhm, yes. To find answers at para mapigilan siya na malaman ang mga masasamang alaala. Mabuting alaala lang ang dapat nating ipaalala sa kan’ya. Since nakatira ka pagsamantala sa kanila, Hardy. I want you to seek more infos about him. Journals, papers, diary, and other stuffs. It might help us.”
“Gagawin mo ba akong espiya sa bahay nina Wilson? Bakit ayaw mong siya na lang ang tumuklas sa katotohanan. It would be better if he’s the one who’s gonna do that,” ani Hardy.
Ngumisi si John Lloyd. “Malamang ayaw niyang malaman ni Wilson ang ginawa niya noon.”
Vernique clenched her fist. “Wala kang alam! Don’t judge me. I only want the best for him.” Hinagod ni Anja ang likod ni Vernique nang mapaupo ito.
John Lloyd crossed his arms. “Ano’ng best? Ang hindi malaman ang totoo?”
Napapikit sa inis is Vernique. Napatayo ito at hinampas ang lamesa.
"Calm down..." pigil ni Anja dito.
"Dahil ayokong magkaroon ulit siya ng depression. I caused him to feel that way. Maraming nambully at nakalimot sa kan’ya bilang kaibigan. Pero, may kasalanan ka rin naman sa kan’ya ‘di ba?”
"If that's what you wanted and then that's it..." Tumayo si John Lloyd at nilisan sina Vernique. Kung ayaw ni Vernique na sabihin ang totoo kay Wilson ay siya ang magsasabi nito. Pero kahit siya ang pinakamalapit na kaibigan ni Wilson ay kulang ang mga nalalaman niya para sabihin ang totoo.
Wala na si Juliana nang makabalik si Yvon mula sa pagbili ng turon. Bumababa siya para tingnan kung may bakas ba si Juliana sa ibaba ng canteen ngunit wala. Nang makaramdam siya ng tawag ng kalikasan ay tumungo siya sa palikuran. Doon ay nakita niya si Juliana na isinara kaagad ang pintuan ng cr. Patay na.
“Why are you following and spying on me?”
Napalakad patalikod si Yvon para makalayo siya kay Juliana. So, alam pala nito na sinusundan niya ito.
“Ha? Hakdog!” Tumawa na lang si Yvon upang hindi masagot si Juliana. Masyado naman kasi siyang obvious, eh. What if may gawin ito sa kan’ya? Dapat kasi ay naging maingat siya sa mga glaaw niya para hindi siya mahuli.
“Seryoso ako, Yvon! Bakit?”
“Ba’t naman kita susundan? Ang praning mo, Juliana.” Ngumiti-ngiti si Yvon kahit na lumalapot na ang kaniyang pawis at tila may nakabara sa kaniyan lalamunan.
“Narinig ko ang dulong parte ng pinag-uusapan n’yo kanina nina John Lloyd. Ano’ng meron sa’kin, ha?” Naging seryoso ang mukha ni Yvon at napatungo.
“Sorry. Akala kasi namin ikaw ang may kagagawan noong aksidente dahil sa sobrang pagkakagusto mo sa kan’ya.”
Napahawak sa noo si Juliana. “What the... Motor nga hindi ko kayang i-drive. Mag-manipulate pa ng kotse. I liked Wilson, but that was before! Sana ‘wag kayo basta-basta magturo. Pare-pareho nating gustong bumalik ang alaala ni Wilson kaya ‘wag agad kayo manghusga kung sino ang gumawa ng bagay na ‘yon. I can’t do that f*****g thing kahit pa nagkagusto ako sa kan’ya.It was summer time when my feelings overdeveloped...”
Para bang isang video playback ang nakaraan na nagpe-play sa utak ni Juliana
"Juliana, ayokong paasahin ka but I want to give you a chance on a date." Ilang araw na lamang at magpapasukan na noon nang makita muli ni Juliana ang ultimate crush niyang si Wilson. Dalawang taon na niyang gustung-gusto si Wilson at nakita niya ulit ito matapos ang isang buwan at kalahating bakasyon.
"Hindi ako aasa, promise. Thank you for giving me a chance." Kahit siya na babae ang nagbigay motibo ay hindi siya nahiya. Para sa kanya, kung ikaw ang may gusto, ikaw ang magbigay ng motibo. Hindi ka dapat nakatunganga lamang at mag-iintay ng lalaking liligawan ka. Kung gusto mo talaga, ikaw ang manguna.
They went on Romeo and Juliet's, a famous restaurant near the seacost. For lovers it was one of the most romantic place and restaurant because of it's ambiance and scenery.
Magbabayad na sana si Juliana ng mga in-order nila nang biglaang mag-abot si Wilson ng pera sa cashier.
"Kahit ikaw ang nag-aya, ako pa rin ang dapat na magbayad nito."
"Nakakahiya naman sa 'yo...."
Sa buong oras nila sa restaurant ay si Juliana lamang ang palaging nagsasalita. Si Wilson ay minsanan lamang tumatango o sumasagot sa usapan. Ngunit hindi pa rin sumusuko si Juliana na makasabay si Wilson kaya puro kwento pa rin siya dito. Natapos ang gabi at hinatid ni Wilson si Juliana sa paradahan bago siya umuwi sa kanila.
Isang linggo bago sila bumalik sa paaralan ay nag-date sila nang nag-date. Sinusubukan niya ang lahat para tumibok na rin ang puso niya sa kan’ya.
Araw noon ng pasukan, dala-dala niya ang regalo niya para kay Wilson. Nang makapasok siya ay ibigay niya iyon sa naglalarong si Wilson. Ngumiti lamang si Wilson at nagpasalamat sa kanya.
"It was one of our last moments. Kaya hindi ko kayang magawa ang bagay na 'yon. Beside I moved on and I also have my boyfriend. Hindi ko siya ipinagkakalat pero para sa pangalan ko gagawin ko."
"I'm really sorry Juliana. Inakala lang talaga namin na ikaw ang may kagagawan." Yumuko lalo si Yvon sa kahihiyan.
"Ayos lang pero sana ‘wag na kayong magturo agad-agad. Masyado kayong padalos-dalos ng desisyon. Paano kung ang may kagagawan no'n ang makarinig sa inyo ay lalo niya kayong lituhin?"
"Thank you Juliana. Bumalik na tayo baka mag-start na ang next class,” anyaya ni Yvon dito.
If it wasn’t Juliana, who did it?
Pabalik si Wilson sa room nila nang mahulog ang wallet niya. Pupulutin na sana niya iyon nang may sumipa dito. Dinampot niya iyon bago linungin kung sino ang sumipa dito.
"Ano Wilson! Gwapo na'tin ngayon, ah. Kilala mo pa ba ako? Ako si Dixon, pre." Napansin niyang nakatingin sa kanila ang mga estudyante sa paligid. Ngumiti na lamang siya dito. "Huwag mo silang pansinin, pre. Pareho lang kasi tayong pogi kaya sila ganyan makatingin. Ikaw naman kasi, pre sumalubong ka pa sa akin kaya nagkita ang dalawang pogi." Nanatiling seryoso si Wilson.
"I have to go...." pagpapaalam niya rito. Magpapatuloy na sana siya sa paglalakad nang hilahin muli siya nito.
"Ingat, pre. Mag-ingat ka sa kanila."
"Sinong sila?" Ngunit hindi na siya nito narinig. Matagal siyang tumingin dito ngunit nagpatuloy na lang siya sa paglalakad nang wala siyang sagot na natanggap.
"Basta sila.." Iyon na lamang ang narinig niya kaya nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad.
Sila? Bakit kailangang mag-ingat sa kanila?