Chapter 11
Mahigit isang linggo na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ang nakakaalam tungkol sa aksidente. Tumigil sina Yvonn, John Lloyd, Reine, at Laraine sa kanilang pag-iimbestiga simula nang magkamali sila ng turo kay Juliana. Maski ang mga may awtoridad ay wala pa rin na sagot sa tanong na ‘Sino nga ba ang gumawa ng bagay na ‘yon kay Wilson?’.
Nang pumasok si Yvon sa room, sina Gwen at Patrick pa lang ang nando’n. Kahit na malayo ang lugar ng magpinsang ‘to ay maaga pa rin ang mga ‘to kung pumasok.
“Good morning, Yvon,” bati sa kan’ya ni Gwen habang nagsusulat. Ngumiti siya ‘tsaka lumapit.
“Atribida ka masyado, Gwen. Katatapos lang no’ng Card Giving last week tapos nagsusulat ka na agad ngayon,” aniya sa top one ng kanilang klase. Tie sa ranking nila ngayong quarter sina Gwen at John Lloyd sa rank one na may ninety-six na average. Sumunod sa kanila ang iba pa nilang kaklase. Si Wilson na palaging nasa top ten to fifteen ay napunta sa twenty-five to twenty-eight. That accident caused him a lot.
“Nag-imbestiga kayo kay Juliana last last week, ‘no?” tanong ni Gwen. “Nagsabi kasi siya sa’kin na mabuti at hindi n’yo na raw pinagpapatuloy sa pagtuturo kung sino ang gumawa. Nainis daw siya no’n, eh. Para kayong mga detective gano’n?”
Yvon chuckled. “Si John Lloyd kasi pahamak, tinuro agad si Juliana. Buti hindi gaanong nagalit si Juliana medyo nainis lang. Ipapahamak pa ako, eh.”
Gwen pressed her hand on Yvon’s arm. “Mas mabuting ‘wag ka nang mangialam. Magaling naman ang daddy mong pulis. Malalaman niya rin kung sino ang may kagagawan no’n kay Wilson.”
"Sino nga ba kasi ang puwedeng gumawa no'n? Nacucurious lang ako kaya ako nakisali pero si John Lloyd talagang gustung-gusto niyang malaman."
"Oh, sige mamaya na ulit. I'm on the process of focusing on writing my notes. Sabihan na lang din kita kapag may alam ako." Bumalik na si Yvon sa upuan niya. Kumuha din siya ng notebook at pens para magsulat ng notes.
Who could have done it? Everyone is a suspect. Everyone can do it. Who could it be?
Nagmamadaling yabag ng mga paa ang narinig ni Yvon papalapit sa kanya. Doon ay napalingon siya at nakita si John Lloyd. Agad itong humawak sa balikat niya.
"Follow me.”
...
Hindi alam ni Yvon kung saan siya balak dalhin ni John Lloyd. Paniguradong nagtaka ang dalawa pa nilang kaklaseng nakakita sa kanila. Kanina pa sila naglalakad at nasa malayong parte na sila ng paaralan.
"Saan mo ba ako balak dalhin?"
"I think we should stop here..."
Luminga-linga si Yvon sa paligid. Dulong parte na ‘to ng school. Sa kaniyang kanan ay ang taniman ng school para sa mga TLE students. Sa kaliwa namana ay ang canteen sa pinakadulong parte ng school.
"Ano na? Bakit ba kasi ako nandito?" tanong muli ni Yvon kay John Lloyd.
"Ilang linggo rin akong nanahimik tungkol sa case ni Wilson at ngayon I list some suspects. I'm pretty sure about this." Kumunot ang noo ni Yvon pagkatapos niyang mabasa ang mga pangalan.
"John Lloyd, we should stop this. Wala pa tayong sapat na ebidensya. Besides, it's intruding the privacy of a person."
"Yvon, mas sigurado na ako rito. Me, You, Laraine and Reine can solve the thing."
Yvon heaved a sigh. "I'm done doing this, but I want to help you. Gagawin ko ito basta hindi ako mapapahamak kagaya no’ng nangyari kay Juliana." Tumango-tango si John Lloyd dito. He even assured her with a smile.
Tiningnan muli ni Yvon ang listahan ng mga suspects para lowkey na ma-obserbahan nila ang mga ‘yon.
"Anja?Why?"
...
Nagmamadaling nag-ayos si Anja dahil kailangan na niyang umalis para sa school. She put some light makeup before getting her bag and saying goodbye to her Mom. Nag-abang siya ng jeep sa tabi ng kalsada at mabilis naman siyang nakakuha agad. Sikip ang jeep na sinasakyan niya ngayon dahil sa mga estudyanteng patungo din sa paaralan niya.
For about twenty-minutes, the jeep arrived in its terminal. Tinanggal ni Anja ang earphones na nakasuksok sa tainga niya bago tuluyang bumababa sa jeep.
Sumakay naman siya ng tricycle para makapunta sa Pedro High. Hindi niya kasi gusto maglakad para hindi magmukhang haggard. Malayo-layo rin kasi ang paaralan sa terminal.
Nag-abot siya ng sampung piso sa driver bago bumababa ng tricycle. Iba talaga ang ambiance ng Pedro High. May mga estudyanteng naglilista ng pangalan nila dahil walang I.D. May mga magkakaibigan ding nag-aabot sa mismong gate.
She hopes for something special. She hopes for happiness she experienced in the past. Iyong pakiramdam na may mag-aabang sa 'yo sa labasan para lamang sa yakap, pero wala na ‘yon ngayon. Wala na talaga.
Papasok na siya ng Pedro High ng makita niya ang kaklase niyang si Melaine na papasok na rin. Isa si Melaine sa mga tahimik niyang kaklase kaya hindi niya ito gaanong nakakausap kaya sumabay na siya dito.
"Oh! It's you, Anja."
"Pasabay ako, ah. It's really sad when you're walking alone,” she replied.
"Yeah! I've always felt that. Kasabay ko naman sina Minerva kapag pauwi na but still I felt sad when I'm walking alone. It felt that I don't have friends and boyfriend." Melaine chuckled as they continue on walking.
Hindi nila napansin ang dalawa pa nilang kaklase na kabababa lang sa kotse.
"Nakakahilo pala sa kotse! Mas sanay kasi ako sa van ng lolo ko,” sambit ni Hardy at tinapik ang balikat ni Wilson.
"Mabuti na lang hindi ka nasuka kundi madudumihan ang baby ko." Ethan tapped his car.
"I should own that car right away! I want to learn how to drive,” singit ni Wilson.
"Wilson you'll be able to drive this soon. I will be the one to teach you. Besides, you're going back to normal. Your memories just faded but you're still the same Wilson. Magse-seventeen ka na rin ‘di ba?”
"Yes I improved a lot. Thanks to this boy." He points out Hardy who eventually smiles at them.
"It's normal for retrograde amnesia to heal. It affects your memories not your personality." Napatingin naman ang dalawa kay Ethan na tila malayo ang tingin.
"Hmm. Bro, why are looking that far? You saw some pretty chick?" biro ni Wilson sa kuya niya. Pero tila seryoso pa rin itong nakatingin sa malayo. Tumingin sa rin si Hardy sa posisyon kung saan nakatingin si Ethan. Doon ay nalaman na niya kung bakit.
"Wilson I think we should go by now,” anyaya ni Hardy sa kasama. They waved at Ethan before saying goodbye. Pumasok silang dalawa sa Pedro High habang kinukuting-ting ni Hardy ang bag para sa I.D.
"Bakit nga pala tumitingin si Kuya kay Anja at Melaine?" Napalunok si Hardy nang tanungin siya ni Wilson.
"I don't know..." he lied.
"I know that you have some thoughts about that. Narinig ko kayo ni Kuya kagabi pinag-uusapan niyo si Anja. Pwede ko bang malaman kung bakit? It will also help me in my recovery."
Wala nang nagawa si Hardy. Nabisto na sila.
"Anja was your brother's ex-girlfriend...."