Dalawang araw akong hindi lumabas or pumasok ng trabaho. Na siyang pinayagan naman ni Niel. Bumalik ako sa dating malamig at parang walang pakiramdam. Makalipas ang dalawang araw, napag-desisyunan ko nang bumalik ng trabaho. "Sigurado ka ba babe? Paano kung nandoon ang kaibigan ko? Handa ka na bang harapin ang gagong iyon?" tanong sa akin ni Niel. Tiningnan ko ito na walang emosyon, malalamig na tingin. Feeling ko tuloy nadadamay ang isang ito sa amin ng manlulukong asawa ko. Asawa pa rin naman dahil 'di nga nito itinuloy ang divorce. "Yes Niel, handa na akong harapin siya. Hindi sa lahat ng pagkakataon, tatakasan ko siya, dahil siya ang nanluko at hindi ako. At sa pagkakataong ito ipapatikim ko sa kanya ang lahat ng ginawa niya sa akin," malamig na turan ko dito pero may galit at poo

