Galit akong bumalik ng condo dahil sa kasinungalingan ng Zindy na iyon. Pabalibag na binuksan at sinara ang pinto ng condo ko at mabilis na hinanap ang babae. Naabutan ko itong nasa sala. Nakita ko pa ang pagkagulat sa mukha nito. "Hey, bakit mukha kang gali-" napahiyaw ito ng hawakan ko ang braso nito ng mahigpit. Wala akong pakialam kung buntis ito ng dalawang buwan sa karelasyon nito. "A-ano bang problema mo? Nasasaktan ako?" reklamo nito. Mabilis ko itong ibinalibag sa sofa. Nanlilisik ang mga mata ko rito habang nakatingin. Kita ko rin ang takot sa mga mata nito. "Anong mga kasinungalingan ang sinabi mo sa asawa ko ha?! Kaya siguro napilitan umalis sa bahay ang asawa ko dahil sa kasinungalingan mo!" bulyaw ko rito. Napansin ko ang pamumutla nito at pagkataranta. Pinilit ko

