"S-sigurado ka ba hija? B-baka nabibigla ka lang?" tarantang tanong ni mom. Kasalukuyang nasa sala kami ngayon, kararating lang nila kanina. Subalit hindi na ako makapaghintay pa, para sabihin sa kanila ang pakay ko. "Hindi mommy, nakapagdesisyon na po ako. Sa tagal kong pananatili kay Jake, wala pa ring nagbago, instead sa nakikita ko, nagmamahalan na ang dalawa, at ayokong hadlangan pa ang dalawang iyon mommy. Tanggap ko na po, na hindi talaga kami ang para sa isat-isa," mahinahon at nakayukong wika ko sa mga ito. Samantala si daddy, walang imik at malungkot lang na nakatingin sa akin. "Paano ka na niyan kung aalis ka dito sa mansyon? Babalik ka ba sa mga magulang mo? Alam na ba nila ang lahat?" sunod-sunod pa ring tanong ni mommy. "Yes po mommy. Uuwi na po ako sa amin, at 'wag na

