ISANG TAON ANG LUMIPAS. Santiago's Hospital. Kung saan ako nagtatrabaho bilang isang nurse. Dito ko nakilala si Niel Santiago, anak ng may-ari ng hospital na pinapasukan ko. Sa isang taong lumipas, walang katapusang pagpaparamdam nito ng pagmamahal sa akin. Ngunit hindi ko ito pinapaasa, dahil sa kabila ng isang taong lumipas, hindi pa muling nagbubukas ang puso ko para sa ibang lalaki. Kaibigan lang ang turing ko kay Niel pero masyadong makulit ang lalaki at walang sawang panliligaw ang ginagawa nito. "Babe, hintayin kita mamaya, hatid na kita pag-uwi," masayang wika ni Niel sa akin. Kasalukuyang nasa hospital pa ako noon at nagtatrabaho. "Overtime ako Niel, huwag muna akong ihatid. Ang daming pasyente, hindi ako makakauwi basta-basta," wika ko. "Puwede naman kitang hihintayin

