Kinabukasan nagulat pa ako dahil nadatnan ko ang secretary sa loob ng opisina ko. "Anong ginagawa mo rito?" kunot-noong tanong ko. "Ano pa nga ba eh, nagtatrabaho," pamimilosopong sagot nito. "Palit daw tayo ulit ng posisyon sabi ng asawa mo. Well, mukhang ang may gusto nito iyong kaagaw mo," nakangisi pa nitong wika. Nanggigigil na talaga ako sa pinaggagawa nito sa akin. Kumatok ako ng ilang beses sa opisina ng asawa ko bago ko marinig ang boses nito. "Come in." Kahit na galit ako rito, may kung anong pagkamiss ang nararamdaman ko para rito. Pero pilit kong iwinaksi. Pagbukas ko, nandoon na naman ang Zindy. Wala ba talaga itong balak man lang umalis kahit isang oras sa asawa ko? sigaw ng isip ko. Nakabantay na naman sa asawa ko habang nakapulupot ang kamay nito sa baywang ng as

