Dahil sa sama at sakit ng nararamdaman ko, umuwi ako ng mansyon kahit hindi pa tapos ang trabaho ko. Umiyak ako nang umiyak. Natatakot ako, nawawalan ng pag-asa, nanghihina, parang sasabog ang dibdib ko sa sakit ng nararamdaman ko. Paano niya ito nagawa! Minahal ko siya!" sigaw ko sa sarili ko habang walang katapusang pag-iyak sa kwarto. "Hindi, hindi ako maniniwala sa'yong Zindy ka! Gumagawa ka lang ng kuwento para mapilitan akong makipag-divorce! Kakausapin ko ang asawa ko, kung talagang totoo ang sinasabi mo!" sigaw ng isip ko. Kinabukasan, maaga akong pumasok, nagbabaka-sakaling nandoon na ang asawa ko at hindi kasama si Zindy. Kakausapin ko ang asawa ko. Hindi na ako kumatok, pumasok ako ngunit wala pang tao. Akmang tatalikod na ako ng may marinig akong boses ng babae. Sa kuwart

