Episode 49

1296 Words

Mabilis lumipas ang mga araw, hindi na muling nagpakita ang dati kong asawa. Aminin ko man o hindi, nakakaramdam ako ng kalungkutan. Ang ipinagtataka ko pa, kahit si Niel, hindi na rin napunta ng hospital para sunduin ako katulad ng dati. Hanggang isang araw, nagulat ako ng makita ko si Niel sa labas ng hospital. Day-off ng araw na iyon ang kaibigan ko na si Cassie, kaya ako lang ang pumasok sa trabaho. "A-anong nangyari sa mukha mo Niel?" takang tanong ko rito. Paano ba naman kasi may sugat ang labi nito, parang pumutok ang labi nito. "Wala ito," nakangiti pang wika nito, ngunit kita sa mukha nito ang pagkaseryoso. Nagulat pa ako ng i-abot nito ang bulaklak sa akin. "For you," wika pa nito. "H-ha bakit mo ako binibigyan nito?" tanong ko rito. Nakakaramdam ako ng kakaiba sa kilos n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD