Paglabas namin ng hospital, nakaabang na kaagad si Niel sa labas. "Kita na lang tayo bes, sa bahay. Nandiyan na si Fapa Niel eh. Sinusundo ka na. At syempre nandiyan na rin ang sundo ko, ang baby loves ko," wika ng kaibigan kong si Cassie. "Sige na mauna ka na, baka mabatukan pa kita diyan," pagbibiro ko rito. Paano kasi kung makakilig, daig pang walang jowa. "Bye-bye bestie. See you later." Sinalubong ako kaagad ni Niel. Nagtataka ako at tipid lang itong ngumiti ngayon at seryoso ang mukha. Hindi na lang ako umimik, hanggang sa tumigil kami sa isang restaurant. Tiningnan ko siya ng may pagtatanong. "Kain muna tayo," ngiting wika nito at kaagad bumaba para ipagbukas pa ako ng pinto. "Libre mo?" pagbibiro ko rito. Kahit na alam kong siya naman talaga ang nagbabayad. "No, ikaw naman ma

