Nagising ako dahil rinig ko ang tawanan sa labas ng kuwarto ko. Second floor na rin ang bahay namin dahil napaayos nila ito dahil sa pagpumilit na rin ni Jake na ipagawa ng maayos ang bahay ng mga magulang ko, noong mag-asawa pa kami nito at noong bulag pa ito. Naligo muna ako at nagbihis. Maikling shorts lang ang suot ko at sando. Kaya lumitaw ang kasexyhan ko. Nawala sa isip ko na ngayon darating si Jake tulad ng sinabi ni Niel. Parang wala lang ng bumaba ako. Ngunit nagulat ako sa nakita. Nandoon sa sala ang mga magulang ko, mga kapatid ko, magulang ni Jake at ang asawa kong si Jake. Nakatingin silang lahat sa akin. Pawang nakangiti. Si Jake lamang ang seryoso at matiim na nakatitig sa akin. Hindi rin nakaligtas sa akin ang tingin nito mula taas hanggang pababa sa akin. Bigla na l

