Huminto kami sa isang sikat na hotel. Inalalayan ako ni Niel pababa ng sasakyan nito. Papunta kami sa loob ng pagdadausan ng birthday ng daddy nito. Hindi ko maintindihan kung bakit malakas ang kabog ng dibdib ko ng mga oras na iyon. Nakahawak ang kamay ko sa braso ni Niel. Pagbungad pa lang namin, napansin ko kaagad na maraming nakatingin sa amin, na ikina-ilang ko. Pakiramdam ko may kakaibang nakatingin sa akin, na hindi ko maipaliwanag. "Hi dad, mom," bati ni Niel sa daddy nito at sa mommy. Bibitiwan ko sana ang pagkakahawak ko sa braso ni Niel, subalit pinigilan ako nito. "H-happy birthday po Sir," magalang kong wika sa daddy ni Niel. "Oh, is this your girlfriend hijo? Napakaganda namang dalaga," sambit ng daddy ni Niel, na siyang ikinagulat ko. Narinig ko naman ang tawa ni N

