Chapter 8 Mistake

2820 Words
Chapter 8 Mistake Sa nakaraang linggo ay halos hindi na naman ako mapakali. I kept thinking things. Ano ang sasabihin ko kay Basty pag dating niya? Welcome home? How are you? After four years, ngayon lang ako nawalan ng sasabihin sa kaniya! Kumakabog ang dibdib ko sa isiping bukas ay uuwi na siya. Lahat ata ng emosyon ay nararamdaman ko. Good... and bad. Malakas na katok ng gumising sa akin kinaumagahan. Gusto kong sigawan iyon pero ng marinig ko si mommy ay tinikom ko na ang bibig ko. "Kri! Are you still asleep? Anong oras na!" She shouted against the door. Napamulat naman ako. Damn. Sa kakaisip ko umaga na ako nakatulog. Pilit ko namang itinabon sa aking mukha ang unan at hinayaan si mommy doon. Hindi rin naman nag tagal ay bumukas ang pintuan, maybe, ginamit niya iyong spare key. "Krizhia! Susunduin natin si Basty! Bakit nakahiga ka pa diyan? Ma lalate tayo!" Patuloy siya sa pag sigaw sa akin. Hindi naman ako umimik. Maya maya ay hinablot na niya ang kumot at unan ko. "Ma! Kayo nalang sumundo. Hihintayin ko kayo dito..." napapaos kong sabi. "And why? Hindi ka ba excited na makita siya? Did you two fight?" She asked curiously. Oh. It's more than that, actually. Hindi ko nga alam kung kami pa ba and honestly, hindi pa ako handang harapin siya. "Hindi mommy, basta... sunduin niyo na, hihintay ako dito..." sabi ko habang nakasubsob parin sa kama. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at maya maya lang din ay lumabas na ng kwarto. Nag mulat naman agad ako ng mata. Nawala na iyong antok ko! I sighed as I sat on my bed. Inayos ko iyong lumaylay na sleeves sa damit ko. Uuwi na talaga siya and I can do nothing but to face him. Napatingin ako sa phone ko nang tumunog iyon. Nanlaki naman ang mata ko ng makita ang reminder na nandoon, oo nga pala! It's Bonbon's birthday! Wala pa akong gift sa kaniya! Agad naman akong tumayo at nag punta sa banyo. Naligo, nagbihis, nag ayos. I'll just go to a near mall to buy a gift. Tapos ay iaabot ko nalang sa kaniya mamaya. Though I know, if he see me or any of his family, they will remember what happened to Jam. Siguro ay ipapaabot ko nalang sa kasambahay nila. I just wanted to greet him through a gift. I wore an oversize shirt and my ripped jeans. Sandali lang naman ako doon depende kung may mapili ako kaagad. Dahil nga hindi ako makapag drive ay nag commute ako dahil kasama nila mommy iyong si manong driver. Hindi rin naman matagal ang byahe kaya nakarating ako agad. Para kong tangang napangiti nang makapasok ako sa mall. Ngayon nalang ata ako pumunta ulit dito. But my smile became weary when I remember her. I miss her so damn much, siya kasi ang laging kasama ko and now... it's just so hard. I shoo the thoughts away at naglakad lakad nalang doon. Napahinto ako sa isang jewelry shop... not bad for a gift, right? Common na kasi kung shirt or whatever na clothes. Tumingin ako doon, especially sa mga relo. Nang may makita ako ay agad ko iyong itinuro sa sales lady na nandoon. "Can I see this?" Tanong ko at napalingon ako sa katabi ko na ganoon din ang sinabi at nakaturo din sa relong titingnan ko. Magtataray sana ako kahit alam kong maraming stock noon pero nagulat ako sa kung sino ang nakita ko. "Bonbon!" He smiled at me, "I miss your Bonbon kahit ang pangit." Inirapan ko naman siya. "Anong ginagawa mo dito? It's your birthday..." I stated. "You remembered. Akala ko hindi mo na talaga ako papansinin..." Napayuko naman ako sa sinabi niya at ngumiti nalang. "Ah, excuse ma'am ito na po iyong relo..." bumiling naman ako doon sa babae. I like this watch. She told me it's a rolex yacht master watch. And kulay ay black and yellow gold. "I like that one too..." sabi ni Bonbon sa tabi ko. "I am buying this as a gift for you." Simpleng sabi ko naman sa kaniya habang tinitingnan parin iyong relo. Na sense ko naman ang tingin niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at sinabi sa babae na kukunin ko na iyon. "It's too much for a gift!" He hissed beside me. Agaran ko naman siyang tiningnan. I make face, "Ako naman mag bibigay. Pasalamat ka nga may regalo pa ako..." Napailing naman ito sa akin, "Masyadong mahal iyon Kri. Salamat pero ako na ang magbabayad..." Hinampas ko siya sa braso nang sabihin niya iyon, "May regalo bang ang nagbabayad eh yung niregaluhan? Bonbon, may sayad ka ba?" Naiinis na sabi ko sa kaniya. Hindi naman niya alam kung matatawa ba siya sa sinabi ko o maiinis. Bago pa siya makasagot ay ibinigay na sa akin nung babae iyong relo saka iyong card ko. Pag kakuha ko doon ay agad ko na itong inabot sa lalaking kaharap ko. "Happy birthday!" I said and turn away from him. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin. He called me but I didn't look back. Kaya lang nahagilap niya ang braso ko. I raised my eyebrows. "Yes? You're welcome!" Sabi ko agad. Ulit, napailing siya. "Ganoon nalang iyon?" "Dapat nga hindi naman ako mag papakita sa iyo. Ipapaabot ko nalang sa mga kasambahay ninyo..." diretso kong sagot dahil iyon naman ang totoo. "Bakit?" I shrugged, "Ayoko lang makita ka. Masisira araw ko, Bonbon. Kahit alam kong gaganda iyong sayo, ikakasira iyon ng akin." Seryoso kong sabi kahit hindi naman iyon totoo. He chuckled. Wala rin talaga itong sineseryosong tao. Tss. "I'll treat you then! Bilang pasalamat sa gift mo na ayaw mong ibigay sa akin ng personal." "Ayoko nga! Wala ka bang party?" "Ang tanda ko na para sa party Kri..." sagot naman niya sa akin at saka ako hinila. I rolled my eyes. "Merong ngang nag 50th birthday celebration pa ang arte mo talaga!" Sigaw ko naman sa kaniya habang hila niya parin ako. Hindi naman siya kumibo doon at hinila kang ako. I rolled my eyes for the nth time saka sumunod na sa kaniya. We ended up in a cozy restaurant. Agad ko namang hinila pabalik ang kamay ko bago pa kami makapasok. "Hoy ha! Hindi ako nag papabayad sa gift ko! Ang mahal mahal dito!" He groaned at me, "Could you just shut up? Saka treat ko ito sa sarili ko kaya wag kang mag assume." Hinampas ko naman siya doon at ang loko tumawa lang. Hindi ko naman na napigilan kaya pumasok na kami. Pinapili niya ko at halos lumuwa ang mata ko sa presyo. I mean, I am familiar with this kind of restaurant but I kind of find it not practical. Maarte ako pero alam ko namang gumasta ng pera ng tama. Hindi pa sa lunch natapos ang celebration daw niya para sa sarili niya. We've watch movie dahil gusto niya at hindi daw dahil sa akin iyon, mag thank you nalang daw ako kasi kasama niya ako. "No one is blaming you for anything, Kri. I hope you know that..." biglaang sabi niya nang nakasakay na kami sa sasakyan niya para umuwi. I looked at the window and smile sadly. I sighed and looked at him. "I am at fault and I chose to blame myself for that." Sagot ko. Hindi siya nag salita kaya umiwas na ako tingin. Siguro, iyon ang way ko para hindi ako kainin ng guilt ko. To take the blame, to know that I am the only one who whose at fault. Dapat tanggap ko iyon. "This is so far from what I've know of you. Spoiled brat ka tapos maarte. Parang wala naman sa characteristic mo ang sobrang maguilty?" Natatawa niyang sabi. I know he's trying to lighten up the mood pero... "Nakakainsulto ka ah!" I hissed and he just laughed even more. Feeling ko mas bumilis yung byahe kasi ang daldal niya talaga. Tapos wala namang kwenta yung mga sinasabi niya. Tss. Nauna pa siyang bumaba sa akin pag kahatid niya at pinagbuksan ako ng pinto. "Hindi naman bagay tss!" "Pasalamat ka nga pinagbubuksan ka ng pinto." I make face at that tapos ay nagtuloy na sa loob. Sabi niya sasama daw siya sa loob para mag mano sa parents ko. Kala mo mabait. Nang masilayan ko kung sino ang mga tao sa sala ay halos batukan ko ang sarili ko. Ngayon nga pala dadating si Basty! Walang sasakyan sa labas kasi syempre magkapitbahay lang kami. "Nandito na pala si Basty?" Tanong ni Bonbon kasi napansin niyang huminto ako. Hindi ko alam kung tatango ako lalo pa nang mapalingon yung mga tao sa amin. Nandito sila Tita at Tito. And Basty... after four years... is still dashing as always. "Krizhia! Saan ka ba galing?" Bungad ni mama kaya napalingon ako sa kaniya, "Kanina pa siya dumating ang sabi mo maghihintay ka dito?" "Ah," i stammered. "Pasensya na Tita, nagpasama kasi ako sa kaniya," singit ni Bonbon saka tumingin sa akin. He gave me a questioning look saka nagmano sa parents ko saka sa iba pang nandoon. Lumakad na naman ako palapit kasi mukha na akong tanga. I looked at Basty and his face is serious and his jaw is clenching. I tried to smile. He smile slightly saka lumapit sa akin at niyakap ako. I stood still. Gusto kong pumikit at huwag nang umalis sa pwestong iyon kahit hindi ko maitaas ang kamay ko para yumakap pabalik. His hug tightened. "I missed you..." he whispered in my ears. Kinilabutan ako. I miss him too. So much. Humiwalay siya sa yakap at pinagmasdan ako. Pinagmasdan ko din siya. His face feature hardened. Kahit na nakikita ko siya sa video call noon, parang iba parin iyong itsura niya ngayon. His physical appearance matured. From my guy, he became a man. His eyes is showing different emotions. Longing, sadness... na hindi ko alam kung para saan. Alam ko ring galit siya. The first time I land my eyes on him, iyon na ang nasa aura niya. He's mad, still mad at me. Napalingon ako ng magpaalam si Bonbon. "Bakit hindi ka pa dito mag hapunan?" My mom asked. "Hindi na tita, hinihintay ako sa bahay..." sagot nito at tumingin sa akin. He smiled. I smiled back. Siguro nga okay na kay Bonbon iyong nangyari. Now what I wanted is talk to Tita May and Tito Ros to cleared things up. Hindi ako nag pakita sa kanila simula noong huli kaming magkita sa ospital. Forgiveness is hard to earn but I will do my best to have it. Pumanik ako sa taas matapos kong mag paalam kay Basty na mag bibihis muna ako. Iyon lang ata ang nasabi ko simula noong magkita ulit kami. Ano nga bang sasabihin ko? I wore my pambahay na damit. Shorts and tshirt. Tapos ay bumaba na ako. Lahat naman sila ay nasa dining na kaya dumiretso na ako doon. I sat beside Basty kasi iyon naman talaga dapat. Hindi nila alam na nag break na kami, kung nag break man kami o away lang iyon. "Kailangan palang simulan na ang preparasyon sa kasal!" My dad begin. Halos masamid naman ako sa kinakain ko. My heart pounded as I looked at them smiling happily. Tumingin ako kay Basty at pinagmamasdan niya ako. I smiled wearily at him. Yeah, we were bound to get married nga pala. Damn, my heart is aching from that thought! Dapat ay masaya ako! "Kailan niyo ba balak ito, hijo?" My mom asked at napalingon ako. My heart keeps on beating loud na sa tingin ko pwede nang marinig ng katabi ko iyon. "Pag-uusapan muna namin ni Kri, Tita..." he replied shortly tapos ay nagpatuloy sa pagkain. Hindi naman ako makatingin sa kaniya. Halos hindi ko rin magalaw ang pagkain sa harap ko kahit feeling ko ay masarap iyon. "Oo tama nga't pag-usapan niyo muna. Mas maganda kung mas maaga at gusto ko na talagang magka apo!" Tumatawang sabi ni Tito Freddie. "Iyong panganay niyo naman kasi ay bakit parang wala pang balak?" Tanong naman ni daddy na natatawa din. Somehow I tried to sighed na hindi mahahalata. Atlast, nabaling din ang subject ng usapang ito. Hindi kasi ako komportable dahil hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat kong ireact sa usapin na iyon. "Hindi ko nga alam sa batang iyon!" Sagot ni Tita. "Baka naman masyado pa kasi siyang bata Tita kaya ayaw pa..." mahinang sagot ko. Napansin ko naman na parang natigil sila kaya nag angat ako ng tingin. May mali ba sa sinabi ko? I blinked and tried to smile. "I mean, para sa kaniya siguro, kaya ayaw niya pa. I have nothing against marrying at early age..." parang tanga kong sabi. Tss. Nakakainis. Opinyon ko lang naman iyon. Hindi ko alam kung paano ako naka survive sa dinner. Pero parang mas gusto ko nalang doon kasi ngayon ay mag kasama kami ni Basty sa garden. Syempre kailangan naming mag usap, pero, saan naman kasi mag sisimula? "I wanted to clear things to you Kri. I am not very happy about our last arguement pero, wala naman akong sinabi doon tungkol sa paghihiwalay natin?" Pagsisimula niya. I felt the familiar beating of my heart whenever I'm with him. His voice doesn't change much. It's still getting into my nerves... "Diba kasi, sobrang galit ka noon tapos pinatayan mo ako... a-akala ko, ayaw mo na..." sa mahinang boses ay sabi ko. The beating of my heart is painful against my ribcage. Nakakahingal. Nakakakapos ng hangin. "I will not leave you just because of that!" Hindi ako nakapagsalita. Ano nga bang rason kung iiwan mo ako? Because prankly, kung ako ang nasa position niya I can never find reasons why would he stick up with me. "I'm sorry..." I simply said. I heard him sighed as he looked at me. Hindi naman ako makatingin sa kaniya at para nga akong nabato sa kinauupuan ko dito. "They wanted us to get married... I want that too. But, I wanted to asked you..." he said after a couple of seconds. Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay kaya napalingon ako, "Do you want to marry me?" Ang mga mata niyang nangungusap ang sumalubong sa akin. Sa paraan ng pagtingin niya, feeling ko, nagsusumamo siya. Hindi naman kailangan pa ng pangalawang tanong sa sinabi niya. I want that, of course! Sa una palang iyon naman na talaga ang gusto ko. I felt a different feeling inside me right at this moment. But at the same time, I feel like I shoudn't. Na para bang bawal maramdaman ang ganitong kasiyahan. Na para bang sa lahat ng nangyari, naguiguilty ako na nakakaramdam ako ng ganitong saya. I blinked several times, "Y-Yes... of course..." His jaw clench. Kung titingnan ay parang galit siya pero nang itaas niya ang isang bahagi ng kaniyang labi ay napangiti rin ako. Bahagya akong nagulat ng lumapat ang labi niya sa noo ko. I froze but the feeling was so familiar, I almost cry. "I missed you..." garalgal kong sabi at hindi ko maiwasang magluha. Nakakainis talaga! Mahal na mahal ko tong lalaki to kasi! Gusto kong mapairap pero hindi ko nagawa dahil sa pagsusuot niya sa akin bg singsing. Nagulat ako not to the point na over acting naman. Hindi ko na kasi inexpect ito kasi nga,nakaplano naman na. Mag propose man siya o hindi ipapakasal padin kami. Napatitig ako sa singsing sa kamay ko. I am so overwhelmed but scared at the same time. I am happy but guilty at the same time. I want this, but I don't think I deserve this at the same time... I blink and smiled at him. Pinakatitigan niya ako sa paraang hindi ko nakasanayan. He's looking at me like he's examining my being because he's not used to it. Na pinapakita na para bang naninibago siya. I can't blame him. Whenever I looked at the mirror, I just can't see the same anymore. He carress my face in a gentle manner that I almost close my eyes. There's so many things running in my head right now. Puro tanong na hindi ko naman alam ang sagot. Is it right to marry him? Right at this moment? This time? There's no doubt about my feelings but... there's always a but... I don't think I'm ready for this... for him. "Now I regret leaving you... I feel like it will become my greatest mistake," he said huskily. It's like a whisper that if I am not this close to him, I'll fail to hear it. His eyes is evident of different emotions I don't want to see. Pero nakakalamang doon ang takot. What was that for? Sa dami nang nangyari para kaming pinaglalayo noon. Na kahit na sobrang lapit namin, I feel like all the pain we've got when we're away, keeps building a barrier between us. Oo nga. Nakakatakot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD