bc

She's More Than Half A Billion

book_age18+
263
FOLLOW
1K
READ
billionaire
possessive
family
badboy
brave
maid
drama
comedy
bxg
city
like
intro-logo
Blurb

Sa buhay na puno ng pagsubok, tanging swerte lang ang kinakapitan ng karamihan. Pero si Trixie, pagsusumikap ang kaniyang susi sa tunay na tagumpay. Magiging sapat kaya ang pagsusumikap niya para makaahon sa hirap ng buhay? Hanggang kailan niya kakayaning kumayod para sa mga magulang niyang walang pakialam sa kaniya? Maabot kaya niya ang tuktok ng tagumpay sa buhay o habang buhay na magdudusa sa taong pinagkakautangan ng mga magulang niya?

Kevin Garnett and Trixie Lazaro

November 24, 2021

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 *Trixie* “Oh, nandito ka na pala. Ano’ng ulam? Nakapagsaing ka na?” Bungad ni Papa sa akin. Saktong pagpasok ko ng bahay ay agad niya akong nakita. Kadarating ko lang galing sa eskwela at sa dalawang part time job ko. Kailangan kong magtrabaho habang nag-aaral para mapag-aral ko ang sarili ko. Dahil wala naman akong aasahan lalo na sa kanila ni Mama. Sarili ko lang ang makakatulong sa akin. Dahil dito sa bahay… mahirap aminin pero mga walang kwenta ang mga tao dito. Walang silbi at lahat ay nakaasa sa akin. Imbes na allowance ko na lang sa pag-aaral ay kailangan ko pang hatiin para dito sa bahay. “Nakakagutom kapag walang pera,” bulalas niya pa at nagbukas ng kaldero. Kadarating ko lang kaya wala pang nasaing. Wala na rin yatang bigas. Nagkamot ng ulo si Papa. Gulo-gulo ang buhok niya at halatang wala pang ligo. Mukha pa siyang kulang sa tulog at mapayat na ang pangangatawan. Pati sarili niya ay hindi na niya maasikaso dahil puro na lang sugal at bisyo ang inaatupag. Stress na ako sa trabaho at pag-aaral pati ba naman dito sa bahay. Mabigat akong bumuntong-hininga. Gusto ko man silang iwan at mag-solo na lang… hindi ko magawa dahil pamilya ko pa rin sila. Wala silang aasahang iba kundi ako lang. Gano’n din naman ako, sarili ko lang ang aasahan ko. Ni minsan… hindi man lang nila ako tinanong kung kumakain pa ba ako sa eskwela, kung kamusta na ba ako, kung nahihirapan na ba ako. Kasi sa totoo lang… nakakapagod na ang ganitong buhay. Pero pinipilit kong igapang ang sarili para makaangat sa buhay. Ayokong maging katulad nila. Batugan, lulong sa bisyo at sugal. Kaya nga nakulong ang kuya dahil sa maling mga gawa nila. At malamang sa malamang… nasa labas pa si Mama at naglalaro ng tongits. May pera siyang pang sugal dahil kinupitan na naman niya ako ng pera na para sana sa project namin. Iniyak ko na lang ang sama ng loob ko kagabi. Tapos heto ako ngayon, poproblemahin pati pagkain nila. Gutom din ako at pagod pero ako pa ang kikilos at mag-aasikaso sa kanila. “Hihiram po muna ako ng bigas kay aling Dori,” paalam ko. Hinawakan ako ni Papa sa siko kaya nilingon ko siya. Pagod ko siyang tinitigan dahil parang alam ko na kung bakit. “May isang daan ka ba diyan? Pahiram muna. Para pagbalik, doble na o triple pa. Pang bili rin ‘yon ng bigas. Sige na,” nakangiting wika niya. Umiling ako. Kung makahingi sila sa akin… animo’y nagtatae ako ng pera. Akala nila’y lagi silang may makukuha sa akin. “Kaya nga po ako hihiram ng bigas dahil wala na rin po akong pera. Kinuha pa ni Mama ang para sa project ko,” pagod kong saad habang nakatitig sa kaniya. Ni hindi ko man lang makita sa Papa ko na naaawa siya sa’kin. Binubuhat ko lahat ng responsibilidad na dapat sila ang gumagawa. Pati bisyo at sugal ay sa akin pa nila iaasa. “Gano’n ba? E… wala na ring ‘yong pera kay Mama mo dahil natalo kanina,” saad niya. Binaba ko ang bag sa lamesa. Sobrang pagod ako at inaatok na tapos ganito pa ang maririnig ko… sa sugal lang naubos ang para sana sa project namin. “Ngayon, ako naman. Nararamdaman ko ang swerte ko ngayon,” wika niya at malaking ngiti ang gumuhit sa labi niya sa huling sinabi. “Wala na, Pa,” pagod kong saad at tinalikuran siya. Alam kong kakalkalin niya ang gamit ko kaya pasimple ko ‘yong nilingon. Paglingon ko ay bag ko na agad ang hawak niya. Puro notebook lang ang nandoon at ballpen. Wala silang makukuha sa’kin dahil said na said na rin ako. Ni hindi na nga ako kumakain sa eskwela. Mabuti na lang at libre ang pagkain sa trabaho kaya ito ako… buhay pa naman. Mapait akong ngumisi. Minsan… iniisip ko kung para saan pa ako nabubuhay. Nabubuhay ako para buhayin ang mga magulang ko. Oo, ito nga ang buhay ko. Naglakad ako papunta sa malapit na tindahan, kina aling Dori. Agad ko siyang nakita sa harap ng tindahan niya, nagwawalis. Umaga na ako nakauwi dahil may trabaho ako sa gabi. Sa hapon ang klase ko, sa gabi ang trabaho ko. Kaya pagkatapos kong magsaing… matutulog ako kahit ilang oras lang. Pagod ang katawan ko at isip. Pati yata kaluluwa ko, pagod na rin. Napakaraming binibigay na pagsubok sa akin ng Panginoon. Ang hirap dalhin, ang hirap kayanin. “Magandang umaga po, aling Dori,” nakangiting bati ko sa kaniya. Nag-angat ito ng tingin sa akin. Nakakatakot ang itsura niya dahil sa mainipis at mataas niyang kilay na halos wala ng matira sa kakabunot ay mas lalo niya pa itong tinaas nang makita ako. May nakaipit na yosi sa gilid ng labi niya. May baga ‘yon pero para bang hinahayaan niya lang ‘yong umusok kaya naniningkit lagi ang mga mata niya dahil sa usok ng sigarilyo. Nakapusod ang makapal at kulot nitong buhok pero magulo pa rin tignan. “Anong maganda sa umaga?” Masungit nitong tanong sa akin pero nginitian ko pa rin siya. “Mangungutang ka na naman,” deretso niyang saad kaya nahihiya akong tumango. “Isang kilong bigas lang po, aling Dori at isang sardinas po.” Nahihiya man, dere-deretso ko pa ring sinabi ang pakay ko. Minsan, kailangan mong lunukin ang kahihiyan mo sa katawan para magkalaman ang sikmura mo. Kung paiiralin ang hiya, hindi magkakalaman ang sikmura. “Puro na lang utang. Kaya nalulugi ang tindahan ko e!” Padabog nitong sabi at pumasok sa tindahan niya. “Magbabayad po ako sa sweldo ko po,” magalang kong saad habang nakangiti pa rin sa kaniya. “Hmmp!” Reklamo niya. Kung kanina ay nakataas ang manipis niyang kilay… ngayon ay magkasalubong na. Nasira ko na naman ang umaga niya. “Mabuti nga at nakakapagbayad ka e. Dahil kung hindi, hindi ka makakautang dito sa tindahan ko,” masungit niyang sabi at kumuha ng isang lata ng sardinas at isang kilong bigas. Nilagay niya sa asul na plastic bag at inabot sa akin. Nakita ko pang sinulat niya sa kupas na pulang notebook ang mga inutang ko. “Salamat po, aling Dori,” nakangiting pasalamat ko. “Bakit hindi ka na lang mag-abroad? Maganda kang bata at matalino. Baka nga makabingwit ka pa ng may lahi,” wika niya at pinasadahan pa ako ng kakaibang tingin. Pagod akong ngumiti sa kaniya. “Wala po akong pera at saka… sayang naman po ang pag-aaral ko,” saad ko. Inalis niya ang sigarilyo sa labi niya at nilipat sa kabilang gilid. Ang haba na ng upos no’n at malapit na yatang malaglag. Lumabas sa tindahan at kinuha uli ang walis tingting. “Ang pag-aaral, Tere… para lang ‘yan sa mga gustong matuto. Pero sa mga gustong kumita, pagtatrabaho dapat ang inaatupag,” makahulugang saad niya. “Kaya nga po pinagsasabay ko,” nakangiting saad ko. “Hay, ewan ko ba sa’yong bata ka. Bakit ‘di mo na lang patulan si Rodrigo? Mapapag-aral ka no’n at magbubuhay reyna ka pa. Tutal naman e… patay na patay ‘yon sa’yo,” wika niya at ngumisi sa akin. Umiling ako kaya sumimangot siya. Si Rodrigo, ang may ari ng sugalan dito sa amin. Siya rin ang kuhaan ng mga ipinagbabawal na gamot. At doon lumalagi ang mga magulang ko para gawin ang mga masasamang bisyo nila. Iyon din ang rason kung bakit nakulong si Kuya. Hindi ko kayang makasama ang gano’ng klase ng tao, ang tulad ni Rodrigo. At mas lalo lang lalala ang bisyo ng mga magulang ko kapag gagawin ko ‘yon. ‘Di bale ng mahirapan, basta nasa marangal na paraan. “Mauna na po ako, aling Dori. Salamat po,” paalam ko para hindi na humaba ang usapan. Pagkauwi sa bahay ay nagsaing agad ako. Kinuha ko ang isang pirasong ngipin ng bawang na nasa estante. May konting mantika rin kaya pwede na akong mag-gisa ng sardinas. Sa ganitong paraan ay dadami ang ulam. Dagdagan lang ng konting tubig at asin, pwede na. Hiniwa ko ang nag-iisang ngipin ng bawang para nakahanda na agad. Mas masarap sana kapag may sibuyas pero sayang din ang tres pesos kaya ‘di bale na lang. Habang inaantay na maluto ang sinaing, nilabhan ko muna ang uniform ko para bukas. Dalawa ang uniporme ko kaya salitan ko silang ginagamit. Araw-araw akong naglalaba para may magamit. Pagkatapos maglaba ay naglinis ako ng bahay. Wala na si Papa. Iniwan pang kalat-kalat ang mga gamit ko. Binalik ko ‘yon sa bag ko at nilagay sa kwarto ko. Nang maluto na ang sinaing ay ginisa ko na ang sardinas. Mabilis akong natapos kaya naghain agad ako. Nauna na akong kumain dahil mamaya pa sila uuwi. Nasa sugalan na naman sila ni Rodrigo, sigurado ‘yon. Sa maliit naming bahay… ganito palagi ang routine ko araw-araw. Uuwing pagod, maglilinis, magluluto at maglalaba. Iidlip saglit tapos mamaya ay papasok na naman sa eskwela. Dalawa ang trabaho ko. Ang isa ay part time taga-hugas sa isang canteen tuwing madaling araw hanggang umaga. Binibigyan lang ako ng isang daan kada araw na siyang pinangbabaon ko sa eskwela. Ang isa naman ay service crew ako sa isang fast food restaurant sa gabi. Hanggang alas singko ng madaling araw ang duty ko. Kalahati ng sweldo ko doon ay napupunta sa pag-aaral ko at ang kalahati ang siyang pinangbubuhay ko sa pamilya ko. Tinapos ko ang pagkain at hinugasan ang kinainan. Nilagay ko ang maliit na mangkok ng ulam sa loob ng kaldero para agad nilang makikita kapag kakain na sila Papa at Mama. Pagod akong humiga sa maliit kong kama. Agad akong dinalaw ng antok dahil sa sobrang pagod at puyat. Mamayang paggising ko, lalaban na naman ako para mabuhay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook