MARIE Nabigla ako sa mga nasabi ko kay Drake. Nasasaktan ako dahil simula ng mag-usap kami sa huling pagtatalo namin ay hindi na niya ako pinansin at tuluyan niya na akong iniwasan. Masakit sa dibdib ko ang nangyari sa amin na sa ganito lang kami matatapos. Hindi ko naman talaga sinasadya yon, nabigla lang ko pero bakit hindi niya ako binigyan ng chance na magpaliwanag. Alam ko nasaktan siya pero hindi lang naman siya ang nasasaktan, mas masakit sa akin ang ginagawa niyang pag-iwas para lang ako na hangin na dumadaan sa harapan niya.. Maging ang mga titig niya sa akin na puno ng pagmamahal ngayon ay blankong ekspresyon na ang nakikita ko. Namimiss ko na siya halos tatlong araw na ng huli ko siyang makita. Nag-aalala ko sakanya hindi ko alam kong nasaan siya. Isang umaga nagulat ako n

