DRAKE Hindi ko matanggap sa sarili ko ang ginawa kong pang-iiwan kay Chichi. Alam ko na nagtataka siya sa ilang araw na hindi ko siya pinapansin. Sinadya ko yon para hindi ako mahirapan kong sakaling hiwalayan ko siya. Habang tumatagal ang araw lalo qkong kinakain ng konsensya ko, kaya naisapan kong hindi na umuwi sa bahay dahil lalo lang ako nahihirapan sa tuwing nakikita siyang umiiyak. Isang mabigat na desisyon ang ginawa ko, na kahit labag sa kalooban ko ay ginawa ko para lang sa kapakanan. Tinawagan ko si Mariane at Markus para sunduin si Chichi sa bahay ko sa Tagaytay para iuwe na sa mansyon si Chichi dahil alam ko mas mapapabuti siya doon kesa ang makasama ako. Kinausap ko sila Mom at Dad at huminge ako ng kapatawaran sakanila at sinabi sakanila na sila na ang bahala kay Chic

